Biyaya

42 1 0
                                    

[Makalipas ang 10 tao]

"Pagbilang kong tatlo nakatago na kayo . . . Isa . . . Dalawa . . . Tatlo . . ." Bilang ni Cassandra, na ngayon ay naghahanap na sa kanyang mga kalaro

"Hahhaahah huliiiiii kaaa Diaaan" masaya nyang sigaw matapos makita ang kapwa diwani na si Ruby na nagtatago sa likod ng makapal na damo

" andaya mo naman Cassandra ehhh lagi mo nalang kaming nahahanap agad " inis na sabi ni Ruby

" shhhhh wag kang maingay hinahanap ko yung isa " pabulong na pagsaway nito kay Ruby

" hindi mo mahahanap ang isang yan, madaya din yan ehh " masungit na tugon ng diwani

" huliiii kaaaa Dianne" sigaw ni Cassandra sabay dakot sa isang pashneang Daga na nasa likod ng puno

O_____O - Ruby
" paanong . . ." At hindi pa man natatapos ni Ruby ang kanyang sinasabi ay naging anyong diwata na muli ang daga na hawak ni Cassandra
" ahahahaah nahuli nanaman ako ni Cassandra" masayang sagot ni Dianne

"Syempre ako pa ahahhaha" tugon ni Cassandra

" kayong dalawaaaaaa 😡" sabi ni Ruby at napatingin ang dalawa sa kanilang kapwa diwani na ngayon ang namumula sa galit

" hindi ba't usapan natin na walang gagamit ng kapangyarihan sa laroo " galit na sabi nito

"Ayos lang yun Ruby, halata namang gagamitin ni Cassandra ang balintataw nya upang mahanap tayo" mabilis na sagot ng batang diwani

Napatingin si Ruby sa nahihiyang si Cassandra at napgtanto niya na nang bago pa sila magsimulang magtago at hinawakan sila ni Cassandra at dun nya sinilip ang hinaharap upang malaman kung saan sila magtatago.

" ahhhh ganon pala ahhhh pinagkampihan nyo akoo" namula ang buong katawan ng diwani Ruby at umuusok ito na ani mo'y nakakapaso at maya maya pa ay naging dalawa ang kanina'y nagiisang Ruby

Nagulat sina Cassandra at Dianne, alam nilang magiging away ito kaya naman naglaho na sila gamit ang kanilang evictus " ikaw naman ang taya Ruby" sabi ni Dianne

" hoooyyy !! San kayo pupunta, sige lagot kayo sakin " at inapiran nito ang kopya ng kanyang sarili at parehong naglaho gamit ang evictus.

(Sa loob ng silid aklatan ng palasyo)
Ang sanggre Lira ay abala sa pagbabasa ng mga libro tungkol sa mahika na tila ba ay may hinahanap

"Ay anak ng tipaklong!!!" Sigaw niya sa gulat ng may kumalabit sa kanyang likod, sa kanyang paglingon ay nakita nya ang rehav Adamus na nakatayo sa kanyang tabi.

"Ikaw na paslit ka, wag kang nanggugulat ng ganon, anong kailangan mo?" Tanong nito sa batang prinsipe

"Ano pong ginagawa nyo rito?" Tanong ng bata

"Ahhhh, wala naman nagbabasa-basa lang nais ko kasing gumawa ng bagay na ito" sabay labas ng isang di pamilyar na bagay sa kanyang bulsa

" waaaaaaaww!! Ano po yan?" Tanong uli ng bata

" ang tawag dito ay cellphone, galing ito sa mundo ng mga tao at nais kong gumawa ng katulad nito, upang mapkinabangan ng lahat dito sa Encantadia" masayang sagot ng sanggre Lira

" ano ang kayang gawin ng bagay na iyan?" Tanong muli ng bata

Napakamot nalang sa ulo ang Sanggre Lira dahil alam nyang hindi na matatapos ang pagtatanong ng batang rehav " hmmmm sabihin nalang natin na mapapakinabangan sya ng maraming diwata" at inayang umupo ng bata sa kanyang tabi "ikaw ano ang iyong pakay rito sa aklatan?" Tanong ni Lira

" naghahanap po ako ng libro para matutunan ko yung tinuro nyo sa akin na mahika" sagot ni Adamus

"Alin yung energy ball? " sagot ni Lira, yun lamang ang tawag nya duon ngunit inembeto nya lang ang katagang yun mula sa napanood niyang palabas sa tv nuong bata pa sya sa mundo ng mga tao.

"Opo!" Magalang na sagot ni Adamus

"Hoooooyyyyyy bumalik kayo ditooooo, wag na kayong tumakboo maaabutan ko din kayoo" sigaw ni Ruby na ngayon at hinahabol sina Dianne at Cassandra, hindi nila namalayan na umabot na pala sila sa loob ng aklatan sa kanilang habulan

"Haaaaayyyy nakoooo, sinabi ko na diba walang maghahabulan sa loob ng aklatan" at isang pitik lang ni Lira ay dumating ang isang malakas na ihip ng hangin at ngayoy lumulutang sa ere ang tatlo diwani.

"Magandang umaga po" sabay sabay na bati ng mga ito sa kanya

"Tutal naririto na rin lang kayong apat ay magsasanay tayo ng mahika"

😰- Dianne
😓- Cassandra
😑😑-Ruby ( na hanggang ngayon ay dalawa padin )
🤗- Adamus

Tumayo ang mga diwani sa harap ni Lira " ngayon ituturo ko sa inyo ang pagbuo ng enerhiya sa bilang sandata upang proteksyonan ang inyong sarili" paliwanag ni Lira

"Ate bakit kailangan pa naming malaman ito gayong may mga espada at iba pa na tinuturo sa amin ng aking ama kung paano gamitin" pasaway na tugon ni Dianne

" tama ka dyan Dianne, at alam kong matututo kayo ng tama kay mashna Akil subalit ang gantong uri ng kakayahan ay mainam din dahil..." di paman nakakatapos sa pagsasalita si Lira

" sa ganitong paraan ay mapoproteksyonan mo di lamang ang iyong sarili kundi pati ang iyong kalaban" sabay sabay na sabi ng mga bata.

Napangiti si Lira dahil alam niyang may natututunan ang mga paslit na nasa kanyang harapan "tama ngayon ay magsisimula na tayo"

E Corrie DioWhere stories live. Discover now