" nais kong pakiramdaman ninyo ang inyo sariling enerhiya at padaluyin ito sa inyong braso patungo sa inyo mga palad gaya sa aking ginagawa" marahang pagtuturo ni Lira habang gumagawa sya ng bola ng hangin sa pagitan ng dalawa niyang mga kamay
Ang lahat ng bata an nakamasid, halatang namamangha sila sa Sanggre Lira
"At pagkatapos ay itulak ninyo ng buong pwersa ang enerhiya sa nais nyong derekyon at pakawalan ito!!" Sabay bato ng enerhiyang hangin sa himpapawid at kumalat ito sa buong silid na tinangay ang mga libro sa sahig.
"Ooooppppssss, lagot ako nito kay ashtiii" wika ni Lira ng nawala sa kanyang isip na nasa loob sila ng aklatan na ngayon ay sobrang gulo na
"Waaaaaaaaawwwww" sagot ng apt na batang diwata, halatang manghang mangha sila
"Osya sundan nyo ako sa kanang tanggapan ng Lireo at dun natin ipagpatuloy ang pagsasanay" sabi ni Lira at naglho na gamit ang evictus
[kanang tanggapan ng Lireo]
" tandaan nyo, ang inyong enerhiya ay nagmumula sa inyong puso kaya inyong dalisayin ang inyong paghinga upang magawa ito ng tama" sambit ni Lira habang nakatayo sa di kalayuan sa kinatatayuan ng mga paslit.
"Naiintindihan nyo ba?!" Paglilinaw niya at agad namang tumango bilang pagsang ayon ang apat " kung ganoon simulan natin sayo Dianne"
Huminga ng malalim si Dianne at dinala ang kanyang enerhiya sa kanyang mga kamao at sa oras na magliwanag ang kanyang mga kamay ay ibinato niya ang enerhiya sa gawing kanan subalit hindi ito umalis sa kanyang mga kamay paulit ulit niya itong hinagis subalit tila parang nakabalot ito sa kanyang mga kamao.
Na buburyong na si Dianne dahil nakita nyang natatawa na si Ruby sa di kalayuan at sa kanyang inis " bakit ayawn mong maaliiiissss!" Sigaw niya sabay suntok sa lupa
(Booooooooommmmmm!!!!) nabitak ang lupa sa kanyang suntok subalit hindi nagalusan ang kanyang mga kamay
Gulat na gulat ang lahat sa kanyang pinamalas at maging si Lira ay namangha
"Anak ka nga ni Ashti Danaya, magaling" haplos nya sa ulo nito na may hlong galak" ikaw naman ang sumubok Cassandra " tawag nya sa kanyang nakababatang kapatid
Pumikit si Cassandra at pinakiramdaman maigi ang kanyang enerhiya sa oras na iyon ay pinaglapit nya ang kanyang mga palad at humulma sya ng hangin sa pagitan ng kanyang mga kamay at agad niya itong pinakawalan na lumikha ng munting ipo ipo sa di kalayuan
👏 👏 👏 palakpak ni Lira dahil alam niyang namana niya ito mula sa kanya. " ikaw naman ang sumubok Ruby "
Tulad ng ginawa ng iba ay bumuo sin si Ruby ng enerhiya sa kanyang mga palad subalit ang kanyang gawa ay tulad ng sa isang apoy na nakakapaso ibinato niya ito at lumkha ito ng isang pagsabog
"Boooommm!!!" Pagsabog nito
"Magaling subalit kailangan mong maging maingat Ruby sapagkat ang apoy ay nakakapaso at nakakasunog " paalala ni Lira
"Ikaw naman Adamus" pagtawag nito sa batang rehav
Pinaglapat ni Adamus ang kanyang mga palad gaya ng ginawa ni Lira subalit " bat wala namang nangyayari" tanong ni Dianne dahil walang lumalabas na enerhiya sa kanyang mga palad
" maaring kulang ang iyong enerhiya Admus halika subukan mo ito " lumapit siya kay Adamus at nilabas ang kanyang hintuturo
"Dito mo ipunin sa dulo ng iyong hintuturo ang enerhiya mo at saka mo ito pakawalan""Opo" sagot ni Adamus na mas seryoso na sa pagkakataon na ito
Lumabas ang munting bilog na enerhiya sa kanyang daliri subalit sa oras na kanya itong pakawalan ay nahulog ito sa lupa sa anyong dyamante.
Natigilan ang lahat sa nangyari
" HAHAHAHAHAAHH" tawanan nila Dianne at Ruby na bumasag na katahimikanNais ding tumawa ni Lira sapagkat naalala niya ang laruan niyang jolen sa mundo ng mga tao sa bagay na nagawa ni Adamus subalit pinigilan niya ang kanyang sarili sapagkat nakita niya ang maluha luhang si Adamus
" magaling Adamus mayoorn kang magusad sa pag aaral na ito " pinulot ni Lira ang hugis dyamante na nabuo mula sa enerhiya ni Adamus " sa susunod ay mas pag igihin mo pa ang pagsasanay at inabot sa bata ang kanyang dymante
" tapos na ang ating pagsasanay sa araw na ito maari na kayong...." hindi pa man natatapos magsalita si Lira ay
"Bllaaaaaaag!!!" Tumaob si Adamus at nawalan ng malay
"Adamus ... Adamuuuss..." pagyugyog niya sa batang hinimatay
YOU ARE READING
E Corrie Dio
FantasyI just want to write what's bogging my head because I can't wait for the next sequel of Encantadia . . . This wouldn't be a full story but just an OVA or something like what if story. This story will took after the season 2 of Encantadia. Hope you...