Chapter 79

1.7K 39 1
                                    

Chapter 79

Sam POV

'I Jace Travis Villamonte will be marrying their heirs Ms. Elise Psy' kasabay ng palakpakan at pagapak ni Elise sa stage ay ang  sunod sunod na pagpatak ng mga luha ko.

Magpapakasl sila...akala ko ba hindi na matutiloy?....eh ano ako?...pano ako?...pano yung nangyari sa amin?...paano na ako?

Jace?...andami kong tanong pero alam ko kahit isa ay walang sasagot

Bakit pa niya ako pinapanuta kung ganito rin lang naman ang matutuklasan ko.

Paulit ulit na bumabalik sa aking isipan ang narinig ko kanina....hindi ko alam ang nangyari kanina lamang...tanging palakpakan nalang ang tanging maririnig ko.

Hindi ko narin alam kong paano ako nakapunta....nandito na ako ngayon sa likod ng venue....

Isa kasi itong magandang garden na maraming palamuti ang makikita..

Nandito ako sa pinaka garden talaga ng garden na ito...umiiyak parin....hindi ko na alam kong ilang oras na akong umiiyak.

Umuulan narin pero may silong naman dito....kaya hindi ako nababasa.

Pinunasan ko ang mga luha ko saka inayos ang sarili ko...kukunin ko na muna ang pouch ko saka uuwi nalang....hindi na naman ata ako kailangan dito.

Agad akong naglakad pabalik sa likod kung saan ako lumabas kanina...pero hindi na iyon mabuksan...kaya naman ay kailangan kong pumasok sa harap para makapasok ako.

Papasok na sana ako pero agad na nagtaka ng harangin ako ng guard dito.

'Maam hindi po kayo puwedeng pumasok' saad ng guard ng harangin niya ako.

'Po pero imbitado po ako diyan' saad ko

'Saan po yung invitation ninyo?' Tanong niya....shit wala naman akong invitation...at teka kailangan ng ganon eh kaninang pumasok kami eh wala naman akong nakitang binigay nila Gray kay kuya guard.

'In..invitation?' Takang tanong ko

'Opo maam hindi po kami basta basta nagpapapasok ng sino sino kaya kung imbitado po kayo ay pakilabas na ang invitation ninyo' mahabang saad ni Kuyang guard kaya naman ay nanlumo ako.

Ni wala ngang binigay sa akin si jace na ganon eh...pinapunta nalang niya ako.

'Ganito oh miss....sige na ilabas mo na para mapapasok ka na' saad niya sabay pakita sa akin ang isang color royak blue at gold na invitation..

Agad ko naman itong tinignan para makita ito.

~Jace Travis♡Elise~

Agad na naman na nanggilid ang aking mga mata....

Kaya ba hindi niya ako binigyan para hindi ko makita ito?..bakit may ganito?...Jace nasasaktan na ako.....

'Wa...wala po kasi akong invitation-' nauutal na saad ko pero agad niyang pinutol ito saka nagsalita.

'Ay sorry po maam...pero hindi ka po naman papapasukin kung ganon' saad ni Kuyang guard kaya nanan ay mas lalo pa akong nanlumo.

'Pero kuya kukunin ko lang po yung pouch ko saka uuwi na...naiwan ko lang sa loob.' Saad ko

'Sorry po maam pero hindi po talaga puwede' matigas na saad niya kaya naman ay wala na akong nagawa kundi ang umatras nalang saka tignan ang kabuuan ng venue.

'Siguro ang saya saya na ngayon ng mga tao sa loob...habang ako nandito sa labas magisa at nagluluksa'

'Gusto ko ng umuwi....umuwi sa totoong bahay ko...yung hindi ganito kasakit ang nararamdaman ko tuwing may ganitong okasyon'

'Yung masaya palagi kahit kami kami lang'

'Yung masaya ako kahit papano'

Umupo nalang ako sa may bench dito... hindi naman ako puwedeng umuwi dahil nandito pa yung pouch ko...kaya hihintayin ko nalang na lumabas sina Gray baka kunin nalang nila iyon.

Ilang minuto akong nakatingin lamang sa ulan na pumapatak....habang nakatunganga....pero agad akong napalingon ng may tumawag sa aking pangalan.

'Sam!!' Tawag ni Gray sa akin

'Gray' saad ko saka binalingan yung iba pa niyang kasama...nandito silang lahat.

'Bakit hindi ka na bumalik?' Tanong ni Luke sa akin agad naman siyang nasiko.

'Ano...uhmmm nasainyo ba yung pouch ko?' Tanong ko nalang

'Ah oo eto oh' saad ni Andrei saka iniabot sa akin yung pouch ko.

'Salamat uwi na ko' saad ko ng makuha ko ang pouch ko.

'Hahatid ka na namin Sam' offer nila sa akin pero agad ko silang inilingan.

'Hindi na kaya ko namang umuwi magisa...baka makasanayan ko narin yung ganon' saad ko.....agad naman silang natahimik.

Kahit hindi ko sila tinanong alam kong narinig nila ang announcement ni Jace kanina...nasa harap pa nga sila kaya alam nila kung anong tinutukuy ko.

'Una na ako ha' saad ko ng ilang segundong katahimikan ang naghari sa amin.

'Sam magagalit kasi si J-' saad ni Gray pero agad ko siyang pinatigil.

'Hindi na naman niya ako responsebelidad.....may fiance na siya...hindi na niya kailangang magalala sakin...kaya ko na yung sarili ko...una na ako' mahabang saad ko saka naglakad na paalis doon..

Naglakad narin ako palabas ng gate...agad akong pumara ng taxi para makauwi na.

'Manong sa ********** po tayo' saas ko saka tumingin na sa bintana ng taxi.

Agad akong bumaba ng makarating na kami sa bahay ni jace....bahay niya...oo bahay niya...baka hindi na nga ako kailangan dito eh...

Ano kaya kung bumalik nalang ako sa dati kong apartment...sana naman hindi payon inuupahan ng iba.

'Ija ang aga mo naman nakabalik.....asan na si Jace?'  Bungad sa akin ni manang

'Hindi ko po alam kung nasaan siya manang' nakatungong saad ko dahil totoo naman hindi ko alam kong nasaan siya....

Nung huli ko siyang nakita ay kasama niya ang babaeng papakasalan niya....at masayang masaya pa sila.

'Ha?' Takang tanong ni manang.

'Matutulog na po ako manang pagod po ako' saad ko nalag dahil kahit ako ay hindi ko alam kong anong sasabihin ko sakaniya.

'Sige magpahinga ka na ....hihintayin ko nalang siya' saad niya kaya naman ay nagumpisa na akong pumunta sa taas.

Agad kong binuksan ang kwarto namin ni Jace.

Agad na bumalik lahat sa akin....yung alaala naming magkasama....yung lahat ng ginawa naming magkasama....lahat ng pinagsamahan namin...mapuputol na ba lahat yon.

Agad na bumitaw ang mga pinipigilan kong mga luha pa kanina.

Sa apat na sulok ng kwartong ito...dito kami naging masaya habang magkasama....pero wala na yon....wala na.

Agad akong humiga sa kama namin....dito kami naging isa...dito namin nailalabas lahat ng sakit na nararamdaman namin.

Kinuha ko ang unan niya saka mahigpit iyong yinakap....hindi ko alam baka eto na ang huling pagkakataon na mayakap ko ito..

Dahil sa kaiiyak ay hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako...habang yakap yakap ang unan ng taong pinakamamahal ko......

Mafia's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon