ODE 3 - TO CEAN

10 1 0
                                    

Kilala si Cean sa lugar namin bilang isang matino, walang bisyo at mabuting tao. He's twenty-five at fifteen naman ako nung una kaming nagkakilala sa isang party na common friend namin ang host.

Our story started noong lapitan niya ako sa party dahil sa pang-aasar ng common friends namin. Parehas naman kaming walang balak makipagrelasyon pero dahil sa patuloy na pang-aasar sa amin, parang tila nagkaroon kami ng obligasyon na panindigan ang pang-aasar sa amin.

Nilagawan niya ako pero wala talaga akong balak na sagutin siya at hindi rin sumagi sa isip ko na magkaroon ng kami, dahil sa pamilya ko ang pina-priority ko. Isa pa masyado pa akong bata sa edad kong kinse anyos para pumasok ng rela-relasyon na ganyan.

Not until sapilitan niya akong napa-oo nang minsang pilitin niya akong ihatid sa bahay namin. Syempre ayokong papuntahin siya dahil alam ko naman kung anong madadatnan niya sa bahay namin. Kapag nangyari iyon, alam kong pagagalitan lang siya ng mga magulang ko bagay na nakakahiya sa kanya kapag nangyari nga. Kaya napa-oo ako sa kanya ng hindi oras.

"Sige na ihahatid na kita sa inyo Lucy. Gusto kong malaman kung saan ka nakatira at gusto ko rin makausap sina mama at papa," sambit niya sa nakakaloko niyang tono na sinabayan pa niya ng pagkindat sa akin.

"Huwag ka nang makulit Cean pangit ang bahay namin at isa pa, nangangain ng tao 'yong nanay ko," I told him exaggeratedly pero hindi umubra sa kanya ang pananakot ko.

"Grabe ka naman sa nanay mo! Saka kung sakaling kainin niya ako, hindi siya magsisisi dahil masarap ako. Share kayo sakin ganoon," pagmamayabang ng loko.

"Hoy Cean nakakadiri ka naman. Act your age. Bente-singko anyos ka na! Basta! kahit anong sabihin mo hindi kita dadalhin sa bahay namin dahil promise — sobrang pangit ng bahay namin," giit ko pa sa kanya.

"Lucy sige na! Kahit anong itsura ng bahay niyo mahal kita. Ikaw ang mahal ko at walang kinalaman 'yon sa kung anong itsura ng bahay niyo," saad niya pa na siyang dahilan para mapalunok ako.

Hindi ko alam kung anong dapat kong isagot sa mga salitang binitawan niya. Determinado talaga siyang magpakilala sa mga magulang, subalit mas determinado ako.

"Hindi pwede Cean! Saka hindi naman tayo magkasintahan at kailangan mo pang kilalanin ang mga magulang ko!" saad ko sa kanya na halatang nagpatahimik sa kanya.

Ilang sandali ring nabalot ng katahimikan ang paligid namin. Habang nakatitig ako sa mukha ni Cean ay lubos akong naaawa sa kanya. May maliit na bahagi sa puso ko na nag-aalala para sa kanya. Nang mapalingon siya sa akin ay agad ko naman ding kinabig ang paningin ko patungo sa kung saan hindi magtatama ang paningin namin dahil alam kong nang mga sandaling iyon ay may nais siyang sabihin.

"Actually Lucy, kaya gusto kong makausap ang mga magulang mo ay dahil nais kong patunayan sa iyo na hindi kita lolokohin at iiwan kailanman. Gusto kong personal na ipaalam sa mga magulang mo na nililigawan kita.

Gusto kong ipakita sa iyo na hindi ako natatakot sa kanila dahil mahal kita. Dahil sa gusto kong maging opisyal na tayo na," turan pa nito.

"Hindi naman ako magpupumilit pumunta sa inyo kung..."

"Kung ano Cean? Hay nako bahala ka na diyan. Uuwi na ako at huwag mo na akong sundan kung ayaw mong mag-break tayo okay?" sambit ko sa kanya na sa katunayan ay hindi ko rin alam kung bakit ko sinabi sa kanya. Siguro dala na rin ng something kong nararamdaman towards him. Hindi iyon love pero hindi ko rin ma-explain. Lastly, siguro experience na rin ito para malaman ko kung ano ba ang nagagawa ng pag-ibig sa buhay ng isang tao.

Matagal na rin naman siyang nanliligaw at upang lubayan na rin niya ako sa kagustuhan niyang pumunta sa bahay. Simula nga noon ay naging opisyal kaming magkasintahan which is hindi alam ng parents ko dahil nga sa hindi naman ako nagsabi sa kanila.

An Ode To My Family [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon