Lucy's
Nahuli ko na naman ang sarili ko sa luhaan kong mga mata. Hindi naman na bago ang lahat sa akin subalit hanggang sa mga puntong ito, hindi ko pa rin magawang maging matatag.
I am not aiming for a perfect family but for a better one kung saan atleast mararamdaman ko na may kwenta ako. 'Yong pamilyang masasabi kong nariyan talaga para sa akin during good and bad times at naaappreciate ang kung anong kaya kong gawin at ibigay.
Lumaki kami sa isang maingay na pamilya. Hindi ingay na gawa ng kasiyahan, selebrasyon o anumang okasyon - ngunit ingay na gawa ng nag-aaway naming nanay at tatay. Ganoon na talaga sila noon pa man no'ng magkaroon ako ng malay.
Instead of love, encouragement and concern; we grew up with hurtful words, yells and curses. Sa musmos naming edad ng mga kapatid ko ay kahit kailan ay hindi kami nagkaroon ng maganda alaala ng aming pamilya.
We are paradoxically alone together. Magkakasama kami pero kahit kailan ay hindi kami nagkaroon ng pagkakataon na maging isang ganap na pamilya. We are family by label pero sa estado ng kung paano kami nabubuhay magkakasama ay hindi ko naramdaman na mayroon ako pamilya.
I am a middle child. The third one out of the seven children of my parents. Lasinggero ang tatay ko at ang nanay ko naman ay isang inang walang permanenteng trabaho. So technically, umaasa kaming lahat sa nanay namin na siyang umeextra-extra sa paglalabada, pangangatulong at iba pang mga trabaho na kaya niyang pasukin para atleast makakain man lang kami ng tatlong beses sa isang araw.
Hindi na bago para sa amin at maging sa mga kapitbahay namin ang maingay na eksena sa loob ng bahay. Maingay na eksena sa loob ng bahay na kahit takpan ko ang tainga ko gamit ang kamay ko ay hindi ko magagawang takasan ang katotohanang patuloy ko paring naririnig ang masasakit na salitang patuloy ibinabato ng mga magulang ko sa isa't isa.
Never naging maayos ang takbo ng pamumuhay namin. Kaya minsan nakakainggit ang makakita ng isang maayos na pamilya kung saan maingay sila, ingay na gawa ng kasiyahan at sigla, hindi katulad ng buhay namin na walang araw na hindi nagsisigawan.
Habang patuloy kong binabagtas ang daan pauwi ay tila kakaibang lungkot na naman ang nararamdaman ko. Galing sa eskwela ay hindi ko alintana ang hirap at magulong buhay na mayroon ako. Pumapasok na walang baon upang sa ganoon ay maabot ko ang mga pangarap ko kasama ang aking pamilya at kahit na walang baong pagkain o pera ay buong loob ko itong kinaya.
Mula sa kinatarayuan ko ngayon ay naririnig ko na ang sigawan nina mama at papa. Pagpihit na pagpihit ko ng doorknob namin ay doon na sumalubong sa akin ang sandamakmak na kalat sa labag na sa tingin ko pinagbabato na naman ni mama dala ng labis na pagkabugnot kay papa. May mga bote ng serbesa sa lapag, mga pinagbalatan ng sitsiryang pampulutan at isang mangkok ng adobong paa ng manok na noon ay nilalangaw na.
Sino ba naman ang gaganahang mabuhay sa ganitong estado ng pamumuhay? Papasok ka sa school nang hindi kumain at walang dalang pera at pag-uwi mo ay imbes na pagkain ang sumalubong sa iyo, mga kalat sa paligid ang makikita mo habang sinasabayan pa ng malalakas na boses ng mga magulang mo na walang ibang ginawa kundi ang ipagsigawan sa buong sambahayan ang klase ng pamumuhay na mayroon kami.
Wala na akong ibang nagawa pa kundi mapakagat na lamang sa ibabang labi ko habang marahang pinupulot ang mga nagkalat na balat ng sitsirya sa sahig namin. Pagkatapos niyon ay iniligpit ko na rin ang mga bote ng serbesa at ang lamesang gamit ni papa sa tuwing nakikipag-inuman. Dali-dali akong gumawi sa kusina upang kumuha ng isang plato at isang pares ng kubyertos. Sumunod kong binuksan ang kaldero upang sana ay magsandok ng kanin, nang tumambad sa akin ang simot at malinis na kalderong indikasyon na walang sinaing. Hapong-hapo akong napasalampak sa sahig habang patuloy ko paring naririnig ang nakalarindi nang tinig ng mga magulang ko. Gustuhin ko mang magreklamo ay anong sasabihin ko?
BINABASA MO ANG
An Ode To My Family [COMPLETED]
Não Ficção[TEASER] "Ako ang narito subalit sila ang bukambibig at hinahanap-hanap ni mama. Ako ang narito subalit sila ang palaging ibinibida at pinagmamalaki ni papa. Ako ang kasama ng pamilya ko sa araw-araw subalit tila hangin lamang sa kanilang mata ang...