ODE 6 - TO THE LOVE I WANTED

9 1 0
                                    

"Melanie nandyan ba si Lucy?" rinig kong usisa kay Melanie na siyang pinakiusapan kong harapin ang makulit na si James.

Araw-araw na lang kasing nang-aasar ang lalaking iyon at syempre bilang isang kaibigan kay Melanie, ayoko namang harot-harutin ako ng lalaking iyon sa harapan niya lalo pa't alam ko pa rin naman kung gaano kalaki ang pagkagusto niya rito.

"Masama ang pakiramdam ni Lucy, James. Teka bakit mo ba siya hinahanap?" rinig kong usisa ni Melanie sa kanya.

"Ah ganoon ba, kawawang Lucy at mukhang nilagnat nang hindi nakita ang mukha ko kahapon," pagmamayabang ng mokong na James na iyon.

As if naman gustong-gusto ko ang mga pagkaway-kaway niya sakin with matching ngiti na may malalim niyang dimples. Kahit ngumiti pa siya na kita ang buong gilagid niya, I won't fall for him.

Actually nang araw na iyon ay hindi ko natiis ang harapang pang-aalipusta ni James sa pagkababae ko kaya hinarap ko siya mula roon at pinagsabihan ko para naman mabawas-bawasan ang kayabangan niya sa katawan niya.

"Hoy lalaki! Anong pinagsasabi mong nilagnat ako dahil hindi ko nakita 'yang nakakairita mong mukha!

FYI, hindi ako nilagnat. Pinagtataguan kita dahil surang-sura na ako sa pagmumukha mo. Feeling gwapo!" sambit ko sa kanya.

Mula roon ay kitang-kita sa pagmumuka ni James ang sira-ulo niyang pagngisi na ayaw ko mang amininin at sa hindi ko malamang dahilan ay nagpapakabog ng dibdib ko.

"Kita mo. Hindi mo natiis na magtago ano? Alam ko naman Lucy na tipo mo rin ako. Nabasa ko sa diary mong Dora the explorer ang cover. Saka ang bad mo naman sa part na hinusgahan mo ang pagiging maganda kong lalaki. I admit it na hindi ako gwapo pero maraming nagkakandarapa sa akin.

A piece of advice lang Lucy ah, kapag ikaw pumayag na ligawan ko, aba para ka nang nanalo sa jueteng. Kaya ayusin mo ang desisyon mo Lucy hangga't hindi ko pa binabaling ang paningin ko kay Melanie," utas niya sabay mabilis na tumakbo nang kumuha ako ng patpat para ihambalos sa kanya. Kapal ng mukha dios miyo

Habang tinatanaw ang mokong na si James na siyang papalayo sa store namin ay nagawa pa nitong kumaway-kaway na parang wala siyang atraso sa akin. Nagawa pang mag-flying kiss na siya namang akto kong sinalo sa hangin at pinakita ko kung paano ko itapon sa lupa at tapak-tapakan.

"Woy Lucy para kay Melanie iyang kiss na 'yan. Bakit mo ginanyan. Ikaw ah! Selos ka dyan ah. Paalam Lucy ko. Balik kami bukas."

Ang kapal-kapal talaga ng pagmumukha ng James na iyon. Akala niya talaga ay lahat ng kababaihan ay tinatablan ng pa-charming niya.

Nakakunot ang noo ko noon dahil sa labis na pagkairita kay James na sa pakiwari ko ay grumaduate sa Kayabangan Academy, nang bigla naman akong tapikin ni Melanie mula sa aking likuran kaya napalingon naman ako sa kanya.

"Lucy, bakit kasi ayaw mo pang magpaligaw kay James. I mean obvious naman na gusto ka niya at parehas naman kayong single. I mean wala namang rason para hindi ka magpaligaw hindi ba?" sambit niya sa akin.

Nagulat naman ako nang sabihin niya iyon dahil parang sa tono ng kanyang pananalita ay tila ipinagtutulakan niya ako sa lalaking gusto niya.

"Is it me that holds you back Lucy? I mean if you wanted him, pwede naman eh! Hindi naman siya sa akin," dagdag pang muli ni Melanie.

Sa katunayan ay si Melanie lamang talaga ang iniisip ko. She's a true friend at ayoko mang aminin ay gusto ko rin naman talaga si James pero iniiwasan ko siya dahil kay Melanie. I don't want to ruin our friendship dahil lang sa isang makulit na lalaking kagaya ni James. Pero sa kung anong itinatakbo ng utak ni Melanie, it seems she's wanting me to entertain James.

"Melanie syempre —"

"Syempre Lucy, I wanted you both to be happy. Saka hanggang kailan mo lolokohin ang sarili mo na hindi mo siya gusto?

You know what Lucy, maiksi lang ang buhay kaya dapat once na nagkaroon ka ng chance para sa iyong happiness, dapat i-grab mo agad. Bahala ka diyan, baka ma-inlove iyang si James sa akin katulad ng sinasabi niya kanina," pagpapatuloy pa ni Melanie sa akin sa pabiro niyang tono.

"Kaya next time na dadalawin ka ni James, huwag mo na siyang pagtaguan. Masaya at kinikilig ako sa tuwing napapanood ko kayong dalawa.

Kaya nga napagtanto ko na talagang mas nararapat ka kay James katulad ng kung paanong nararapat din siya sa iyo."

...

Simula nga noon ay nagsimula na rin ang opisyal na panliligaw ni James sa akin and believe it or not, si Melanie pa ang kasabwat niya sa mga pakulo niyang pasorpresa sa akin.

Syempre nakakatuwa lang dahil sumasaya ako na alam kong wala akong tinatapakang ibang tao. Tapos itong si James pa ay hindi ako nilulubayan sa araw-araw.

Tuwing break time nila ay tatambay na iyon sa store namin at magsasama pa siya ng iba pa niyang mga katrabaho para bumili rin ng mga pies and cakes sa amin. Tapos hindi niya nakakalimutan ang pakaway at pangiti niya sa akin everytime na darating at aalis sa store.

Tapos sa gabi naman after our working hours, palagi rin kaming magkausap ni James. Kwento tungol sa mga bagay-bagay na talaga namang mas lalong nagbigkis sa puso naming dalawa.

"So kailan mo ako sasagutin Lucy? Nako dalian mo't baka maunahan ka ng iba ko pang mga nililigawan," usal ni James mula sa kabilang linya ng telepono.

"Woy! Anong nililigawang ibang babae ka diyan?" sarkastikong usisa ko naman sa kanya.

"Biro lang LOKO!" biglang bawi naman niya. Subalit mas tumuon naman ang pansin ko nang tawagin niya akong loko.

"Hoy lalaki! Anong tawag mo sa akin uli?" balik ko ng tanong sa kanya.

"Loko!" pag-uulit pa nito sa payabang nitong tono.

"Aba loko pala ah! O sige bye na. Doon ka na makipagkwentuhan sa hindi loko," pa-sweet ko namang turan sa kanya at palihim na umasang babawiin niya ang pagtawag ng loko sa akin.

"Teka teka teka! Alam mo ba meaning ng loko?" tanong niyang muli sa akin sa noon ay nagmamadali niyang pagsasalita.

"Aba! Syempre alam ko meaning no'n. Loko means, loko-loko. 'Yong mahilig manloko ganoon—"

"Mali!" mabilis niyang pagkontra sa aking sinabi.

"Loko means, LOve KO. LOKO. Love kasi kita. Kiligin ka naman diyan," paliwanag pa niya sa akin noon ng kahulugan ng tawag niya sa akin.

Aba! Ang manhid lamang niya dahil inaakala niya sigurong hindi ako kinikilig sa mga patutsada niya.

Hindi lang talaga siya isang mokong dahil manhid rin siya. Hindi lang ako showy pero syempre kinikilig rin naman ako.

Those times ay talaga namang naramdaman ko ang tunay na saya. Iyong happiness na kaytagal ko ring hinanap sa kung kani-kanino. 'Yung pagmamahal na deserve ng lahat sa buhay nila na itong magbibigay ng kahulugan sa buhay nila.

After three consecutive months of courting ay sinagot ko si James. Pakiramdam ko pa noon eh, sobrang maganda ako. Hindi ko alam kung ako lang ba 'yong gano'n pero kasi ganoon ang nararamdaman ko dahil –isang reyna ang turing sa akin ni James. Ako ang reyna at siya naman ang aking hari.

Spending time together makes me feel like fairytales really exist.

We don't do dates pero parang nagde-date na rin kami everytime na sinasamahan niya ako sa pamamalengke. Iyon na rin ang oras namin para makapagkwentuhan pang muli at makapag-ututang dila.

Masaya ako kung sa masaya. Nagkaroon rin ako ng magandang point of view sa buhay at parang hindi ako nakakaramdam ng pagod. All I know is that, ang sarap mabuhay at ako na yata ang pinakamapalad na nilalang dahil sa wakas ay natagpuan ko na ang pagpapahalagang kaytagal ko ring hinanap.

Until eventually, my mother came to visit me by surprise. Iyon na rin pala ang magsisilbing wake up call ko sa fairytale na binubuo namin ni James na siyang lubos na minamahal ko.

An Ode To My Family [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon