ODE 8 - TO MY LOST FAIRYTALE

7 0 0
                                    

Dumating ang araw na gumising na lamang ako kung saan ang pagmamahalan namin ni James ay sa alaala ko na lamang magugunita.

We ended up in the most excrutiating way at sobrang bigat ng burden para sa akin. Siguro kung natapos ang relasyon namin sa isang breakup ay hindi ganoon kabigat ang dinala ko. It made me feel like a human machine na dinisenyo para lang sundin ang gusto ng mga magulang ko and it really hurts.

If I could only turn back time, pipiliin ko nang sumama na lamang kay James kahit gaano kalaking adjustment ang gagawin ko sa buhay ko. Kung nakita ko lang ang buhay na kahahantungan ko ay sana pinili ko na lamang ang manatili sa pagkapit kay James.

Kung sana ay hindi pa huli ang lahat...

Naging matyaga naman noon si Cean sa araw-araw na pagbisita sa akin sa bahay. Tumigil na rin kasi ako noon sa pagtatrabaho namalagi nalamang ako sa bahay. Everytime na nakikita ko ang mukha ni Cean ay hindi ko maiwasang hindi magalit sa kanya. Kinamumuhian ko siya dahil wala siya ginawa para tutulan ang gusto ng mga magulang ko at baka nga siya pa ang may pakana ng lahat.

"Lucy ayusin mo nga ang pagtrato mo sa bisita mo. Maayos kang sinusuyo ni Cean tapos harap-harapan mo siya kung bastusin. Iyan ba ang natutunan mo sa James na iyon?" utas ni mama sa akin dahil sa panlalamig ko kay Cean noong minsang dumalaw ito at may dalang mga pasalubong.

"Mama?!"

"Lucy! Kung ano ano na ang naririnig ko mula sa mga kapitbahay natin. Hindi naman mahirap ang pakitunguhan nang maayos si Cean hindi ba? Mahiya ka Lucy dahil nakatuon sa atin ang mga mata at tainga ng mga tao. Si Cean na ang lumalapit sa iyo tapos ganyan ka pa! Ano nalang ang sasabihin ng iba?" sagot niya sa akin.

"Bakit po ba kasi iniisip niyo ang sasabihin ng iba? Wala naman po silang alam at dapat po ay wala tayong pakialam sa anumang sabihin nila?" sagot ko kay mama noon.

Iyon ang unang araw na napagtaasan ko ng boses si mama at dumalas pa ang pagtatalo namin habang lumilipas ang mga araw.

Mas lalo akong nanlumo at nawalan na ng gana sa mga aspeto ng buhay nang minsan kinausap ako ng mga magulang ko at sinabi sa akin ang isang bagay na kung nalaman ko na sasabihin nila sa akin ay sana pinili ko na lamang sana ang sumama kay James.

"Lucy, magpapakasal na kayo ni Cean. Kailangan mo nang ihanda ang sarili mo dahil pinagpaplanuhan na namin ang magiging kasal ninyo."

Laking gulat ko na lamang nang sabihin iyon ni mama sa aking harapan nang minsan niya akong lapitan sa aking pagkatulala. I wanted to resist pero no use din naman ang pagtaliwas sa kanila. Sila pa rin naman ang masusunod sa mga gusto nilang mangyari at alam ko sa sarili ko na mag-aaksaya lamang ako ng lakas at panahon sa pakikipag-argumento sa kanila.

I actually wanted to say no but I said yes. Tuluyan ko nang inabandona ang buhay na pinapangarap ko para sa ain at para sa pamilya ko. Itinapon ko na lahat ng natitirang pag-asa sa puso ko dahil wala rin namang kahahantungan ang umasa. Sadyang sa mga fairytale lang mayroong happy ending na tinatawag at siguro nakalimutan ko na nasa tunay na mundo ako.

Since that day, I gave up.

Inisip ko na lamang na mabuti na rin siguro ang maikasal ako at nang makaalis na ako sa tahanang wala naman ako puwang. Sa tahanang tila isang tau-tauhan lamang ang tingin sa akin na pinasusunod nila sa lahat ng kanilang naisin. Ganoon talaga sa bahay namin at wala na akong magagawa pa para baguhin ang kung anong kinagisnan na. Pagod na rin ako sa kanila.

DUMATING ang araw ng kasal namin ay akala ko magiging ayos na kahit papaano ang lahat. I tried to act like I don't care pero natural na siguro talaga sa akin ang ugaling may pakialam. Supposedly iyon ang araw na dapat masaya ako, na dapat okay ang lahat. Araw kung kailan magsisimula ang bagong buhay at bagong pag-asang bubuohin ko para sa magiging pamilya ko bagkos ay sa pagsisimula pa lang ay sama ng loob at kalbaryo na kaagad ang idinulot sa akin.

"Cean, nasaan na ba kayo? Dalian niyo at mali-late na tayo sa kasal," mahinahon kong sambit kay Cean.

"Bakit ka ba nagmamadali Lucy? Huwag kang mag-alala at matutuloy ito. At kung hindi ka titigil diyan sa katatalak mo ay baka uminit ang ulo ko at hindi matuloy ang kasalang ito!" sagot naman niya sa akin.

Kibit-balikat na lamang akong nanahimik matapos niyang magsalita without noticing my eyes that started to form some tears. Sinikap kong panatilihin ang komposisyon ko dahil isa iyong espesyal na araw at ayokong makita ng iba na may luha ako sa aking mga mata.

Days passed at patuloy pa rin ang pasakit at kalbaryong akala ko ay matatapos na sa sandaling makaalis na ako sa bahay namin. Mas madalas ang pagtatalo namin ni Cean at wala ni isa sa mga iyon ang naaalala kong sinubukan niya akong suyuin. Mas lalong pang tumindi ang ugali ni Cean at mas lalong tumaas ang pride niya bilang isang lalaki.

Despite of that, I keep on smiling kahit wala naman talaga akong rason para ngumiti. I forcef myself to smile dahil gusto kong ipakita sa mga tao na maayos ang lagay at successful ang marriage life namin ni Cean. I pretended to be happy infront of others para lang hindi sila maawa sa akin. Hindi ko naman kailangan ng awa eh. I need someone who'll understand and listen to me – mga bagay na dapat ay si Cean ang pumupuno.

Hindi pa nga kami umabot ng taon sa pagsasama namin ay umabot kami sa puntong nag-alsa balutan ako at bumalik sa bahay namin. Nakakatawa lamang isipin na ang bahay na pilit kong tinatakasan ay 'yon pang bahay na aking naging takbuhan sa mga sitwasyong sobrang tindi ng alitan namin bilang mag-asawa ni Cean.

Iniisip ko nalang na baka nga dahil sa age gap naming 11 years ay ganoon na lamang niya ako kung tratuhin. 'Yung dahil mas matanda siya ay superior na siya sa akin at siya na ang palaging tama. Na hindi siya nagkakamali kaya kapag nag-aaway kami ay dapat na ako ang lumuhod, magmakaawa at lumuha sa harapan niya. I always find myself seated in the chair of adjustments just to save our marriage. Well I can't blame others dahil choice ko ito at ito ang pinili kong landas.

Walang pinag-iba at kung tutuusin ay mas lalo lamang dumilim ang buhay ko nang maikasal ako. Akala ko noon ay madilim ang buhay ko sa bahay namin noong dalaga pa ako subalit mas lalo lamang dumilim noong nag-asawa na ako. I hate myself for giving false hopes na matatamasa ko ang buhay na pinapangarap ko. 'Yung buhay na 'di ko na mararamdaman na mag-isa ako, 'yung 'di na ako luluhang mag-isa dahil may taong sasamahan ako at papawiin ang luha sa mata ko.

Lahat ng iyon ay hanggang pangarap na lamang. Pangarap na siguro'y malabo nang mangyari pa sa buhay ko.

Mula nang pagkabata, pagkadalaga at hanggang nang mag-asawa ako ay puro pasakit na lamang ang dinanas ko sa buhay ko. Simple lang naman ang nais ko at iyon ay ang maranasan ko ang tunay na pag-ibig, kalinga at pag-unawa na matagal ko na ring kinapapanabikan.

Tanggap ko na na baka ito talaga ang buhay na nakalaan para sa akin. Na anumang gawin ko ay hindi ko matatakasan ang kapalaran at katotohanang hindi na ako magiging masaya sa buhay ko.

Nagpapalipas ako ng oras by simply reading books and stories here in facebook at kahit papaano ay nakakalimutan ko ang pait ng buhay at nadadala ko ang aking sarili sa iba't-ibang kwentong kung minsan ay hinihiling kong mangyari rin sana sa akin.

Sa araw-araw ng aking buhay bilang isang asawa ay ginagawa ko na agad lahat ng mga gawaing bahay upang magkaroon din ako ng oras sa pagbabasa. Dahil may trabaho si Cean at hindi rin naman ako palakaibigan ay, madalas talaga akong mag-isa.

UNTIL one day, someone added me on facebook and strangely I accepted his friend request. And there it started our conversation with our hi and helloes.

Sino ba naman ang mag-aakalang isang online friend lamang pala ang magiging instrumento upang makita ko ang tunay na kahulugan ng buhay.

His name is Gray.

An Ode To My Family [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon