Deal

579 10 0
                                    

*ASin*

Part4

Loisa*
POV

Tanging pagtulo lang ng Luha ang nagawa ko sa Narinig kong sinabi ni Sir Edward.

"Ano? Wala kang Reklamo? Well, mas maganda yang sumusunod ka sa Gusto ko." Sabi ni Sir Edward.

Tumango lang Ako saka tumingin na ulit dito sa Anak ko na buhat buhat ko.
Gamit ang Kaliwang Kamay ko pinupunasan ko tong Luha ko.

Tahimik Akong umiiyak sa Harapan nila.

"Hmm. Okay Pano naman kapag Bago palang yung Baby? Diba dapat na kay Loisa muna yung Bata kase dedede pa yan." Sabi ni Sir Jerome.

Tinabaan Ako ng Puso sa narinig kong sinabi nya kay Sir Edward.

Tumingin Ako sa kanila.

Paano nga ba.
Kailangan nandito pa saken ang Anak ko kase Bagong labas lang ito at Halos nasa isang Linggo palang ang Edad.

"Osha, sige sayo muna yan. Pag nag Walong Buwan yan kukunin ko na sya." Sabi ni Sir Edward.

"Hon?! Hindi pwede yun! Dapat nasaten na tong Baby!" Sigaw ni Zenaida.

"Kame ang Magulang ng Bata kaya manahimik ka!" Gigil na sabi ni Sir Edward sa Asawa nya.

Natameme si Zenaida.

"So, okay na tayo Loisa?" Sabi ni Sir Edward sabay tingin saken.

Tumango Ako saka tumingin na dito sa Anak ko.

Sabi nya susustentuhan nya kame ni Loren ko na pinangalanan na nyang Idina.
Nakakasama ng Loob kase Loren ang Gusto ko pero Idina ang Gusto ni Sir Edward.

Pati sa Birth Certificate hindi Ako nanalo.

Hinayaan ko nalang na Idina Zebby Cruz Miller ang Pangalan ng Anak ko.

Ako yung Cruz tapos Miller kay Sir Edward.
Nadagdag yung Zebby kase Gusto ni Zenaida yun.

"Hays." Bulong ko.

Pinapaliwanag ni Sir Edward ang tungkol sa mga Kondisyones nya.

**
Umabot ng ilang Araw na tuwing 7pm ay pumupunta sya dito sa Bahay ng Lola Lorieta ko si Sir Edward.
Hindi na nya kasama yung Asawa nyang Bruha.
Tanging sya lang.

Ayos naman ang pakikitungo nya saken.
Medyo masakit lang sa Loob ko Maanghang kase syang Magsalita.

Hinahayaan ko nalang yun alang-alang sa Anak ko.

**
Nang mag Limang Buwan na si Loren nagsimula nanaman kame sa Usaping pag nag Walong Buwan na ay kukunin nila si Loren tapos Ako na ang magpupunta sa Mansion ni Sir Edward.

"Malinaw ang Usapan naten Loisa." Sabi ni Sir Edward.

"O'Opo." Bulong ko.

Nandito kame sa Bahay ng Lola Lorieta ko.
Hinehele hele ko tong Anak namin habang nag-uusap kame tungkol sa Binyag nito kasabay ng Pagkuha nya dito.

"Nakalista na yung mga kukunin kong Ninang at Ninong. Ilista mo rin ang Sayo." Sabi nito.

Tumango Ako.

Hindi Ako tumitingin sa Kanya pag nag-uusap kame kase mas Gusto ko pang Makita nalang ang Magandang Mukha nitong Anak ko.
Sinusulit ko na rin na titigan ito kase ilang Buwan nalang magkakalayo na kameng Dalawa.

"Nga pala. Pag nasaken na si Idina babalik ka ba sa pagsasayaw?" Sabi nito.

"H'Hindi ko po alam." Bulong ko.

A Sin (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon