Edward

497 9 0
                                    

*ASin*

Part21

Loisa*
POV

Natataranta ko na hindi ko maintindihan.
Dali-dali Akong pumasok sa Loob ng Bahay saka pumasok sa CR para tignan ang Anak ko.

"Anak. Iiwan muna kita sasamahan ka ni Ate Beth ah. May pupuntahan lang Ako." Sabi ko.

"Mama bakit ka po umiiyak." Sabi nito.

"Uhm, wala to. Basta aalis lang Ako saglit ah. Wag ka nang lalabas dito sa Bahay." Sabi ko.

Nagbabanlaw na sya ng Katawan nya saka ko dali-dali kumuha ng Jacket at Sumbrero.
Lumabas Ako dito saka ko pinakiusap si Loren kay Ate Beth.

"Sige Ako na bahala sa Bata. Dun lang sa Kanto naganap yung Aksidente." Sabi ni Ate Beth.

"Salamat Ate Beth." Sabi ko.

Tumango-tango ito at ngumiti ng Pilit.
Sumakay na ko dito sa Motor ko saka ko dali-dali pinaandar ito ng Mabilis makarating lang Ako sa Kanto.

Hindi pa ko nakakalayo sa tinitirhan kong Apartment natatanaw ko na agad ang nagkukumpulang mga Tao sa Kantong iyon.

Kamukha nga ng Sasakyan ni Edward yon na tumama sa Malaking Truck tapos yupi yupi na yung Harap nun kaya imposibleng makaligtas yung nagmamaneho nun.

"Jusko. Edward." Iyak ko.

Huminto Ako dito sa Gilid lang saka ko bumaba sa Motor ko at nilapitan yung Kotse ni Edward.
Nagkakagulo ang mga Tao dito saka na ko nagsimulang Umiyak.

Kitang-kita ang Buhok na itim at Black na Damit na naka-upo yung Taong Durog dun sa Loob ng Driver Seat.

"Edward!" Iyak ko.

Ang daming Dugo rito na nahuhugasan na nitong Malakas na pagbuhos ng Ulan.
Inikutan ko tong Kotse para makita ko yung Plate Number.

"Jusko. Edward anong nangyare." Iyak ko.

Eto yung Plate Number ng Kotse ni Edward.
Pakiramdam ko mawawalan pa yata ko ng Malay kase nakikita ko yung Utak na lumalabas dun sa Durog na Ulo.

"E'Edward." Iyak ko.

Hinawakan na ko ng mga Babae dito saka pinapakalma.
Tinatanong nila ko kung ka Anu-ano ko ang Lalaking namatay sa Aksidente.

Hindi ko alam ang Sasabihin ko kase nga hindi naman kame Ayos o Okay na ni Edward.

Walang Kame.

"Loisa!"

Lumingon Ako agad sa Kaliwang Banda ko.

"Edward! Jusko!" Iyak ko.

"Loisa!" Iyak nito.

Lumapit si Edward saken saka ko niyakap ng Mahigpit.
Ganun din Ako sa kanya.
Tumingala pa ko para masiguro kong si Edward to.

"Ako to. Na Carnap yung Kotse ko umihi lang Ako." Sabi nito.

Nagsimula na kong Bumitaw sa pagkakayakap nito saken saka ko sya Hinampas hampas sa Dibdib nya.
Humahagulgol na ko ng Iyak.

"Loisa. Hindi Ako mawawala." Sabi nito.

"Jusko! Kaya parang ayaw kitang paalisin kanina. May ganito palang mangyayare. Hindi ko alam ang mararamdaman ko! Bwisit." Iyak ko.

Niyakap Ako nito ng Mahigpit saka hinalikan sa Noo.

"Hindi Ako mawawala. Hindi ko kayo iiwan ng Anak ko. Sabi ko nga sayo diba Linggo linggo kong Pupunta dito." Bulong nito.

A Sin (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon