Bisita Quatro

591 9 0
                                    

*ASin*

Part6

Loisa*
POV

Umiling iling Ako sa sinabi ni Edward.
Humugot Ako ng mahabang Hininga saka pumiglas pero Wala ring nangyare.

Malakas ito at wala Akong Laban.

Napagod lang Ako.

"Loisa. Nagpapakabait na ko sayo tapos magpapakipot ka pa." Gigil na sabi nito.

"Wala Akong pakialam basta bitawan mo na ko! Ayoko na! Tamana tong pambababoy mo saken Edward! Sumosobra ka na!" Iyak ko.

Bumitaw na to saka bumangon dito sa ibabaw ko sabay Labas dito sa Kwarto.

Humahagulgol Ako ng iyak sa sobrang pagkabigla.

"Jusko." Iyak ko.

Bumangon na ko dito saka sinara tong Pinto tapos lumapit na ko sa Drawer para makahanap ng masusuot na Pantulog.

Pagkatapos kong magbihis naiilang Ako na natatakot lumabas dito sa Kwarto kase nandun sa Sala si Edward.

"Lumabas kana dito. Aalis na ko." Sabi nya.

Mabagal lang tong hakbang ko papalabas dito sa Kwarto saka ko lumapit sa Anak kong mahimbing na natutulog sa Crib nya.

Hindi ko tinitignan si Edward pero ramdan ko ang mga Mata nya na nakapunto saken.

"Aalis na ko. Mag-iingat kayo dito." Seryosong sabi nito.

Tumango Ako at hindi tumitingin sa kanya.
Tumayo na sya sa kinauupuan nya saka hinalikan tong Anak nya bago Umatras at Umalis dito sa Bahay.

Sinusundan ko sya ng Tingin hanggang sa Sumakay sya dun sa Kotse nya at pinaandar yun.

Hindi na sya tumingin pa saken.

"Hays. Jusko." Bulong ko.

Lumapit Ako sa Pinto saka ko to sinara at ni-lock.
Kasunod ang mga Bintana at Kurtina tapos tinulak ko na yung Crib ni Loren hanggang sa makapasok na kame sa Kwarto.

****
Makalipas ang Dalawang Buwan mahigit.

Nalulungkot na ko kase mawawalay na saken ang Anak kong si Loren.
Kukunin na ito ni Edward sa Makalawang Linggo.

Maiiwan na kong mag-isa dito sa Bahay tapos Ako na ang pupunta sa Mansion nila.

"Okay naman kase makakalabas Ako ng Bahay tapos makakapag Trabaho. Masakit lang kase ang mangyayari Ako na ang pupunta sa Mansion ni Edward." Sabi ko kila Nadya, Girly at Carissa.

"Nakakalungkot naman. Hays. Sana manlang magbago yung isip ni Edward? Kumbaga dapat ikaw ang gumagabay sa Anak mo kaso ang mangyayari yung Bruha ang mapag-iiwanan? Nako, kahit na ba may Yaya e. Tyan na baka gawan ng hindi Maganda ni Zenaida si Loren." Sabi ni Nadya.

"Ewan ko ba." Bulong ko.

"Wag kayong Negative kase? Diba nga pinaglalaban ni Zenaida si Loren nung Una? Ayaw nga nya na ibigay sayo e kaso buti gumana ng Kaunti yung Utak ni Edward kaya napapayag sya sa Sinasabi ni Sir Jerome?" Sabi ni Carissa.

"Nako, basta. Sana lang wag nyang sasaktan si Loren kase ibang Usapan na yun." Sabi ni Girly.

"Oo ah. Hindi pwede yun. Aawayin ko na si Edward pag ganon." Sabi ko.

"Hmm. Nga pala. Paano sa Work mo? San ka papasok? Kay Sir Jerome ba or kay Sir Steve?" Sabi ni Nadya.

"Nako, hindi ko pa alam e. Pero nagka-usap kame ni Sir Jerome sabi ko kase ayoko na Sumayaw lalo't may Anak Akong Babae. Kumbaga gusto ko maging Disente kahit Nagawa ko na yung Trabaho na yun ng Maraming Beses." Sabi ko.

A Sin (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon