Asungotsss on the Mix

431 6 0
                                    

*ASin*

Part28

Loisa*
POV

Tinigil ko tuloy tong pagdidilig ko dito sa mga Halaman ko.
Hinarap ko sila Zenaida, Candy at yung Donna na Surrogate Mother daw.

"Oh tapos?" Sabi ko.

"Nagsasabi kame ng totoo Loisa." Sabi ni Candy tapos nilabas pa nya yung Papel na parang Kuha ng Ultrasound nya.

"Antayin nyo si Edward. Bakit ako kinakausap nyo." Sabi ko.

Nagtinginan silang Tatlo na parang nababanas na Saken.

"Ibig sabihin hindi mo Hihiwalayan si Edward kahit na nagsabi na kame sayo ng mga Kalokohan nya." Sabi ni Zenaida.

"Bakit Ako makikipaghiwalay e Masaya kameng nagsasama ni Edward. Tyaka ano bang pinunta nyo dito? Diba si Edward? Pwes antayin nyo sya. Sus." Sabi ko.

Iniwan ko nalang tong pandilig.
Pumasok Ako sa Bahay tapos nagsisisigaw silang Tatlo na niloloko raw Ako ni Edward.

"Matawagan nga si Edward." Bulong ko.

Kinuha ko tong Cellphone ko sa Ibabaw ng Lamesita tapos nag Dial Ako ng Number ni Edward.

Saglit lang itong nag Ring tapos sinagot na nya agad.

'Hello? Baby.' Sabi nito.

"Hi Baby. Nandito sila Zenaida tyaka si Candy tapos may kasama silang Babae na Donna daw ang Pangalan e Surrogate Mother mo raw? Ano ba yun." Sabi ko.

Tumatawa si Edward.

'Seryoso? Haha. Mga gagong yan. Anong Trip yan. Haha. Nagka Surrogate pa ko ngayon mga Bwisit na yan. Nandian pa ba sila?' Sabi nito.

"Oo. Nandito pa sila. Nagsisisigaw sila dun sa Labas tapos sabi pa ni Candy e buntis sya tapos hindi raw kayo naghiwalay kumbaga Niloloko mo raw Ako. Yung Zenaida naman e nakalaya raw sya sa Kulungan kase tinulungan mo sya at inatras mo yung Kaso laban sa kanya kase hiling raw ng Magulang nyo yon at bilang may pinagsamahan kayo. Yung Donna na Surrogate raw e hinihingan Ako ng Pera pampa Check up raw nya kase ayaw mo syang bigyan ng Pera. Sabi nya." Sabi ko.

'Tangina. Hindi ko kilala yung Donna o Suro Surrogate na yan. Haha. Mga gagong yan. Si Zenaida pinalaya sya ng Sarili nyang Magulang pero wala na kameng kinalaman ng Mommy at Daddy ko sa paglaya nya. Iniiwasan na namen yung Pamilya nila. Si Candy sinungaling yan. Hindi na nga kame nagkita ulit simula nung insidente dun sa Mall kung natatandaan mo. Banned na si Candy sa Condo pati dito sa Building naten. Langya. Haha. Teka. Tatawag na ko ng Pulis. Papahuli ko sila kay Matias.' Sabi nito.

"Sige Baby. Haha. Dadaldalin ko sila para hindi sila makahalata na nagsumbong na ko sayo." Sabi ko.

'Sige. Hihi.' Sabi nito.

Natatawa tawa si Edward.
Ganun din Ako.

Nag End Call na to saka ko nilapag dito sa Lamesita itong Cellphone ko saka ko dali-daling lumabas dito sa Bahay at sinalubong sila Zenaida, Candy at yung Donna na may Malungkot Akong Reaksyon sa Mukha.

"Ano? Sabihin nyo lahat." Sabi ko.

Nagsimula na silang magsabi na Niloloko kame ni Edward.
Pinagsasabay sabay raw kameng Apat.

"Wag kang maniniwala kay Edward. Niloloko ka lang nya. Kagabe lang nagsex kame e bago sya umuwi dito?" Sabi ni Candy.

"Oo. Saken din naman ah. Hmp! Gusto nga ni Edward na pakasalan Ako ulit e." Sabi ni Zenaida.

"Inaya Ako ni Sir Edward nung nakaraan Linggo lang tapos  binigay ko yung Gusto nya. Sabi nya mukhang nagugustuhan na nya ko." Sabi ng Donna na to.

A Sin (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon