Usap Time

467 6 0
                                    

*ASin*

Part17

Loisa*
POV

Ayoko na tong Tensyon na nagaganap sa Pagitan nila Joaquin at Edward.
Pinaandar ko na agad tong Motor saka ko sila iniwan.

"Jusko." Bulong ko.

"Mama? Ayaw mo po nood nun. Fight fight yun e." Sabi ni Loren.

"Nako Anak. Bad yun para sayo. Bawal ka manood ng ganun ah." Sabi ko.

"Sayang. Magsusuntukan na yun hindi naten nakita. Hmm." Sabi nito.

"Hay nako." Bulong ko.

Tumatawa ito.
Binilisan ko itong pagmamaneho ko hanggang sa Maka-uwi kame sa Apartment.

Dali-dali ko ginarahe tong Motor saka kame bumaba ni Loren at pumasok na agad sa Bahay.
Sinara at Ni-lock ko agad tong Pinto.

"Jusko." Bulong ko.

Nagpunta ko sa Sala saka naupo dito sa Sofa katabi tong Anak ko.
Tinanggal ko tong Helmet nya ganun din Ako tapos nilagay ko lang yung mga Helmet namin dito sa Gilid lang.

"Mama. Tama po ba. Yung si Kuyang Nakasalamin yung Papa ko? Sya kase yung nagpunta sa School e. Tapos hiningan nya ko ng Buhok." Sabi ni Loren.

Tinitigan ko agad tong Anak.

"A'Ano? Hiningan ka nya ng Buhok?" Sabi ko.

"Opo. Sabi nga po nya e papa DNA nya raw Ako." Sabi nito.

Napapikit at napatingala nalang Ako sa Narinig ko.
Hindi ko alam kung Anong trip nanaman to ni Edward at gusto nya ipa DNA ulit tong Anak ko pero naalala ko yung mga Sinabi ni Zenaida na ginawa nya lahat-lahat para lumayo Ako kay Edward at lumayo din saken si Edward.

Ibig sabihin si Zenaida yung nag Peke ng DNA Test Noon tapos naalala ko din Noon na sabi ni Edward pina Background Check nya ko tapos napag-alaman nyang may iba pa kong Nakakasex bukod sa kanya pero sa Totoo lang e wala kong Alam na ganon dahil si Edward lang ang pinagbibigyan ko Noon.

"Naguguluhan na ko." Bulong ko.

"Mama, bakit po?" Sabi ni Loren.

"Ewan ko Anak. Maloloka na yata ko." Sabi ko.

"Hala?" Sabi nito.

Niyakap Ako ng Anak ko sabay Halik sa Pisngi ko.
Inaya ko na to na magpunta sa Kwarto namen saka Matutulog kame ng Hapon.

***
Nagising Ako sa Kalabog ng kung Sino sa Pinto nitong Apartment namin ni Loren.

Bumangon agad Ako saka lumabas dito sa Kwarto saka lumapit sa Pinto nitong Bahay.

Sumilip Ako sa Butas.

Nasa labas si Edward.
Hindi ko tuloy alam tong gagawin ko.

"Loisa." Sabi nya.

Hindi Ako sumagot.

"Loisa? Narinig ko yung Yabag mo na lumapit ka dito sa Pinto. Gusto lang naman kitang Kausapin. Wag kang Matakot hinding-hindi na kita sasaktan. Hindi naman Ako maghahabol. Gusto lang kitang maka-usap tungkol sa Nakaraan tyaka tungkol kay Loren." Sabi nya.

Napapalunok Laway Ako sa kaba.
Pumikit muna ko saka huminga ng Malalim.

"Please Loisa. Hindi kita Sasaktan. Mag-uusap lang tayo." Sabi nya.

Idinilat ko na tong mga Mata ko saka ko binuksan tong Pinto.

"Umalis kana dito Edward. Wala na tayong dapat pag-usapan." Sabi ko.

A Sin (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon