Chapter 66

496 29 0
                                    



Chapter 66:




•••
•••









"Naku... Pasensya na talaga sa inaasta ni Jessel ah... Talagang... Hmm... Medyo... Nasaktan lang sya... Kase..." matagal-tagal bago matapos ni Hilary ang sasabihin niya. Tss! "... Kase... Ano... Ihhh may gusto kase sya kay... Lord Arsene... Kaya ayun... Hehehe." halos mababakas ko ang pag-aalinlangan sa boses niya. Para bang pinipigilan niyang sabihin, kaso since nasa attitude na ni Hilary ang pagiging madaldal ay nasabi niya nalang niya. Tss!

Tumunog ang elevator na sinasakyan namin ngayon. Hudyat na nasa baba na kame. Papunta kameng Siyam kay Head Master. Para sa schedule namin. Suot nadin namin ang familiar na uniform. Halos pareho kami ni Diane na hinihila-hila pababa yung Pussia Black-Pink na 5 or 6 inch skirt away from knee namin. Tss! Hindi ako sanay! Malamang! At kagay din nang nasa weirdong panaginip ko. Sabay-sabay kaming naglakad siyam sa ibang building papunta sa Head Master office. Ang nagbago ngalang, wala si Jessel. Tss!

Hindi na kase sya bumalik simula nung bigla nalang syang mawala sa harapan namin. At gaya nga ng narinig ko kay Hilary. Nasaktan lang daw sya dahil alam na. May gusto si Jessel kay Keith. At ang gaga, tanga din. Naniwala. Tss! Tahimik lang ako sa gilid ni Hilary. Katabi naman ni Hilary si Sophia. At sa kaliwa ko naman ay si Diane. Nasa kanan ko kasi si Hilary. Sa haba ng nilakad namin ay bumungad sakin ang familiar na Double Door.

Kumunot ang noo ko. May naalala kasi ako. Sa weirdong panaginip ko, pagpasok namin dyan ay andyan si..... Punyeta! Handa na sana akong pigilan si Fyre na wag buksan yung pinto kaso huli na. Punyeta! Kaya wala nadin akong nagawa kundi seryosong pumasok ako dun.

"She's here." wika ni Fyre. Kaya dahan-dahang umikot paharap samin ang nakatalikod na swivel chair. Pagkaharap nang taong nakaupo sa lintek na swivel chair nayan ay kitang-kitang ko ang gulat na reaction  ng mga Royal Bloods. Maliban pala kina Fyre, Cylex at syempre ako. Tss! Inaasahan ko na to.

"Daisy!?" gulat na gulat silang sabi. Hindi siguro nila inaasahan na pupunta ang babaeng yan.  Nakangisi si Daisy. Tss!

"Anong ginagawa mo dito Daisy? Nasan si Miss Lanie?" nagtatakang tanong ni Eiron. Pero hindi niya agad nasagot dahil tumama ang paningin niya kay Sophia at kitang-kita ko ang nanlalaki niyang mga mata. Tss!

"Oh! My!... Sophia?..." halos hindi niya makapaniwalang sabi. Tss! Ngiti-ngiti syang tumayo sa swivel chair at lumapit kay Sophia. Pero hindi nya na naituloy ang paghakbang nang sakin nanaman tumama ang paningin niya. Gulat na gulat ang reaction niya ng makita ako. Tss! Ako naman ay kunot-noo na lang syang tinitigan. "... Catarina?" naniniguro niyang tanong. Kahit medyo may alam na sya na ako nga si Catarina.

"Yes, Daisy." tipid kong sagot. Nawala ang ngiti niya at napalitan yun ng pagkaseryoso. Nagpabalik-balik ang tingin niya saming dalawa ni Sophia.

"Wow... Thats knew... Akala ko hindi kayo dito mag-aaral..." gusto ko syang sapakin sa sinabi niya. Tss! Oo, kilala ko si Daisy. Sa weirdong napaginip ko kase si Sophia ang nakausap ko nun at ginaya niya lang ang mukha ni Daisy para hindi ako mag back-out pag nakita ko sya. "... So... Youre the New Students? Kaya pala nagtaka ako sa sinabi ni Tita Lanie. I was curious who's this New Students from Supreme Class... At hindi ko enexpect na kayo yun." kunot-noo padin ako. Bakit? Kase parang hindi ata galit sakin si Daisy? Tss! Nakita kong napatingin sya sa likuran namin. Akala ko may tao dun pero base sa nakikita ko sa mga mata niya. May hinahanap sya. Tss!

Book Of Magic 2: CLAES (UNDER EDITING)✓Where stories live. Discover now