Chapter 70

410 29 0
                                    


Chapter 70:






•••
•••






Pinapili nila kaming tatlo ng magiging weapon namin. Kagaya nang nasa weirdong panaginip ko ay Sword ang pinili ko. Habang Dart naman Sophia. Mahilig si Sophia sa mga maliliit na weapon. Specially pag dagger. Pero alam kong may sarili syang sword nya na minsan ko lang makitang ilabas nya. Tss! Si Diane naman ay sword din, kagaya ko. Pero ibang design ang sa kanya.

Umupo muna kaming Apat. Oo, apat dahil kasama si Hilary. Kahit nagbago ang ilan sa eksena sa weirdong panaginip ko dito sa Reality. Ay may iba padin talaga na hindi nagbabago. Kagaya ngayon, kay Hilary. Ganito din kasi sa weirdong panaginip ko. Kaso ang pinagkaina ngalang ay ako ang katabi nya sa panaginip ko. Habang dito ngayon ay si Diane. At si Diane naman ang kausap nya. Tahimik lang kami ni Sophia dito habang nakatingin sa Apat na Royal Bloods na nagtratraining.

Jessel, Ronnie, Eiron and Walter

'Hilary punta ka kaya dun, ang sakit sa tenga ang boses nila kakasigaw sa pangalan mo...'

'Ayoko! No! No!... Hindi ako magtratraining hanggat hindi lumalabas ang Magic mo Aria ihh...'

Napangiti ako ng palihim. Naalala ko kasi ang weirdong panaginip ko ang sinabi nya nang pareho kaming nakaupo. Ang ingay-ingay kasi nila lalong-lalo na si Eiron. Tinatawag nila si Hilary na magpractice kaso matigas ulo nya dahil hindi daw sya magtratraining hanggat hindi lumalabas ang Magic ko. Tss!

Napatingin ako sa pwesto ni Jessel. She's using Walter Magic. At gumagawa sya ng Water Sword. Si Ronnie naman ay Telepathy. Pero sa weirdong panaginip ko, doon sa dulo kung saan umatake sila dito sa Academy ay nakita ko na gumagamit sya ng Earth Magic. Ibigsabihin lang ay Ability lang ni Ronnie yung telepathy dahil ang totoong Magic nya ay Earth. Isa sa mga Magician Elements.

Ang pinagtataka ko lang ay bakit hindi nya ginagamit ang totoong Magic nya? Bakit lagi lang telepathy?

Si Walter naman ay gumagawa ng Clone. Kaya umpisa palang ay alam ko na ang Magic nya. Si Eiron ay Illusion.

Sampu kame, pero Apat lang yung nagtratraining. Dahil kaming Apat pa na babae ay nakaupo lang. Pinapanood sila. Habang sina Cylex at Fyre naman at nasa kabilang upuan. Malayo dito. Nakaupo lang din sila.

Napalingon ako sa lugar kung saan si Fyre. Nagtaka ako ng nagsalubong ang mga tingin namin. Teka! Kanina pa ba nya ako tinitingnan? Hindi ko din alam ang sagot. Dahil masyado din akong madaming iniisip kaya ni hindi ko nagawang pakiramdaman ang paligid ko. Tss!

Iniwas ko nalang ang tingin ko at kasabay nun. Naramdaman kong bumukas ang pinto dito. At punto ngayon, mukhang kilala ko ang pumasok. Hindi ko pa yun nilingon dahil parang may iba akong naramdaman. Ewan. Kakaiba. Hindi ko alam. Parang isang magical power na masyadong malakas at parang gusto kong lumuhod kasi parang hinihila ako nito pababa.

Teka! Eto ang pangalawang pagkakataon na makaramdam ako ng ganitong kalakas na kapangyarihan. Dahil ang una ay kay Minerva at Keita. Ganito sila dahil sa sobrang lakas ng Magic na meron sila. Ibang level. Pero dahil palagi kaming magkasama doon sa Palasyo ay nasasanay nadin ako.

Pero ngayon, parang bumalik ako noon. Teka! Bakit ganito ata kalakas ang Magical Power ni Duchess Reina?

"Duchess Hina..." wika nilang Pito. Maliban samin nina Diane at Sophia na nanatiling nakaupo.

Book Of Magic 2: CLAES (UNDER EDITING)✓Where stories live. Discover now