Chapter 121

353 15 1
                                    













Chapter 121:








•••
•••



















Magsasalita pa sana si King Lancelot nang pigilan ko ito. "Anong planong tinutukoy nya King Lancelot?" tanong ko habang nakatitig sa kanya.

"Wala akong plano Miss Catarina." sagot nya. Kumunot naman yung noo ko. Ewan ko kung nagsasabi ba sya ng totoo o hindi. Tss!

"Liar's Go To Hell. Always remembered that King Lancelot..." wika ni Medea. "... Gusto mo bang Isa-isahin ko ang mga plano mo? Hah King Lancelot?..." hindi naman nakasagot si King Lancelot. "... Yes or No?..." kitang-kita ko ang kaba sa mukha nya. "... Oww. I changed my mind. Hindi ko na pala sasabihin..." nilingon ko si Medea saglit, nakita ko ang ngisi sa kanyang labi. "... Because your plan failed."

Nagulat nalang ako nang marinig ko ang sigaw ni King Lancelot. Pagkalingon ko sa kanya ay nakaluhod na sya sa lupa, hawak-hawak ang kanyang tagiliran. Dumudugo ito. Punyeta! Bakit ko pa kasi nilingon yang Medea nayan? Hindi ko tuloy alam kung anong nangyare sa King Lancelot. Tss! Isa lang naman yung dahilan kung bakit magkakaroon ng dugo yung katawan diba Catarina? Malamang nasaksak! Pero gusto kong makita kung paano. Sino?

Sino ang sumaksak sa kanya?

"You..."

"Damn Immortal Hunters!" sigaw ni Nicole.

"He's doing to die anyway." bored na bored na wika ni Drac Stein.

Nakita ko si Charise Mary Davis may hawak na kakaibang klaseng kutsilyo sa kanyang kaliwang kamay. May tumutulong pulang likido doon. Nakangisi ang kanyang mukhang nakatingin sa amin. So siya ang gumawa nun kay King Lancelot nayan?

"Our mission here was done."

Pagkasabi ni Clarize Marie Davis, ang kapatid ni Charise Mary Davis. Bigla nalang kaming nabalutan ng Asul na usok. Inilibot ko ang aking buong paningin sa buong kapaligiran, pero wala akong ibang makita kundi ang mga nagkakapalang Asul na usok. Ang Familiar na usok.

"One of the Hunters Ability." rinig kong boses ni Nicole.

"You mean..." bigla syang napa-ubo. "... J-jericho Harake?..." napa-ubo nanaman sya. "... D-darn it!"

"Yes. That's him." sunod-sunod na ang aking naririnig na ubo. Tinakpan ko ang aking Ilong. Pati narin bibig. Punyeta! So eto pala yung nakita ko kanina na nakapalibut kina Eiron, Walter and Ronnie?

"T-this is..." nahihirapang wika ni Walter. "... Poisonous Smoke." habang patagal ng patagal, kumakapal yung mga usok.

Napansin ko ang pagliwanag sa aking likuran. Pero hindi padin nawawala yung usok. Nilingon ko yun at nakita ko ang Scepter ni Medea na lumulutang sa ere. Mas lalo itong lumiwanag. Kaya unti-unting nahahawi ang nakapaligid na asul na usok sa kinatatayuan nya. Unti-unti kong nakikita ang nagmamay-ari ng Gold Scepter.

Nakadikit ang kanyang dalawang palad. Nakapwesto ito sa bandang dibdib nya. Nakapikit ang kanyang mga mata. Para syang nagdadasal.

Medea...

'... She can easily connect with her Queen. Isang hiling nya lang, sira ang buong lugar nato.'

Book Of Magic 2: CLAES (UNDER EDITING)✓Where stories live. Discover now