Chapter 122

370 15 0
                                    






Chapter 122:



•••
•••





















<• CATARINA CLAES POV •>

Pagkamulat ko sa mga mata ko. Bumungad kaagad sakin ang maganda, makintab at malinis na pasilyo ng Isang daan na gawa sa isang marble. Sa sobrang kintab ay nagrereflect ang mukha ko nang tiningnan ko ang Inaapakan ko. Maraming mga kumikinang na bagay na nakasabit sa ceiling. Maraming mga Ilaw. Bawat parte ng pader ay may nakasabit na magagandang Ilaw.

Nagsalubong ang dalawang kilay ko.

Nasaan ako? Anong lugar to? Nasa palasyo ba ako? Alam kong hindi ito ang palasyo namin. Dahil nakikita kong magka-iba ang disenyo ng ceiling dito. Siguro, nasa Isang palasyo nga ako. Pero hindi sa palasyo nina Minerva.

Biglang umikot ang buong palagid. Napalitan ang Itshura ng buong lugar. Kung kanina ay nakatayo ako sa Isang magandang Hallway. Ngayon naman ay nakatayo ako sa Isang maganda at malinis na kwarto. Maganda ang pagkakadesign sa Interior ng kwartong to, halos puti at kulay blue lang ang nakikita kong mga kulay. Puti ang pader, Blue ang mga kurtina na maganda ang pagkaka-ayos.

Nakaharap ako sa Veranda. Nakabukas ito. Nililipad din ng hangin ang kulay na asul na kurtina. Kaya mula sa kinatatayuan ko ngayon, kitang-kita ko ang puting bilog na buwan. Madilim ang kalangitan. Pero pansin ko naman ang maliwanag na kwartong to.

Kumunot yung noo ko nang biglang dumilim-I mean parang humina lang yung Ilaw. Nakaramdaman din ako ng presensya sa aking likuran kaya mabilis akong napalingon doon. Pagkalingon ko ay nagtaasan bigla ang balahibo ko.

Book Of Magic 2: CLAES (UNDER EDITING)✓Where stories live. Discover now