Chapter 92

331 23 0
                                    



Chapter 92:



•••
•••



'Smaragd City... The Kingdom of Emerald... A place for Wizardry...'

Huh? Ano daw? Bagong words nanaman yan sakin ah. Ngayon ko lang yan narinig. May lugar palang ganito? 'The Kingdom of Emerald.' May ganun palang lugar? 'Smaragd City.' Ang weird ng name nila. Smaragd. Tss!

"Wizardry? Mga Wizard po kayo?" medyo may halong pagkamangha ang boses ni Hilary. Tss!

"Yeah." sa tunog ng boses palang. Alam ko kung sino ang sumagot, hindi si Sophia. Kundi si Mckenzee Walker. Ginaya nya ang pamamaraan ng pagkasabi ni Sophia kanina. Tss!

"Ahhh... Malalakas po ba ang mga Wizard?" tanong nya ulit.

"Depende." wika ni Mckenzee Walker. Boses lang nila ang naririnig ko dahil nasa babaeng nakakadena padin ang paningin ko.

"Bakit depende? May mahihina po bang wizard?" sabat ni Diane.

"Well... Yes..." sabat naman ni Etherious Lexer. "... Our enemy." dugtong nya.

Nakita kong gumalaw ang babae sa harapan ko. Hinintay kong ibubuka nya ang mga mata nya. Kaso wala. Gumalaw lang sya sabay sabing...

"Mama..." pikit na pikit parin ang mga mata nya. Napanaginipan nya siguro ang Mama nya? "... I-ipaghihiganti kita... M-mama." nagsalubong ang dalawang kilay ko.

"Heyy... Pwedeng magtanong?." tanong ko habang nasa babae padin ang paningin ko.

"Ano yun?" si Caerus Tempus ang sumagot. Tinitigan ko padin ang babae, ipaghihiganti nya ang Mama nya?

So kaya ba sya galit na galit samin dahil may ginawa kami sa Mama nya? Kung ano man ang nangyare sa Mama nya, at bakit nya gustong ipaghiganti.

Hinawakan ko ang itim na kadenang nakatali sa kanya. Hindi isang ordinaryong kadena lang ang kadenang-nakatali sa kanya. Dahil maitim ito. At nararamdaman ko na ang kadenang ito ay gawa sa Mahika.

"Kilala nyo ba ang babaeng to?..." tanong ko sa kanila ng hindi nililingon. Nasa kadena na ngayon ang paningin ko eh.

Nagtaka ako ng walang sumagot sa tanong ko. Nararamdaman ko padin naman sila na andito pa kaya kataka-taka na walang sumagot o nagsalita man lang. Tahimik ang buong paligid at mga huni ng ibon lang ang naririnig ko.

Kaya nilingon ko na sila. Mas lalo akong nagtaka nang matingnan ko silang Apat na lalake. Nanlalaki ang mga mata nila pareho. Kahit yung si Glaucus Gayus na laging bored ang mukha ay hindi nakaligtas sakin ang nanlalaki nyang mata.

"... Hindi nyo kilala ang babaeng to?." tanong ko ulit. Hindi ko din masabi na kilala ba nila o hindi dahil gulat na gulat ang makikita ko ngayon sa reaction nila. Teka! May mali ba sa tanong ko?

"P-paano mo nagawa yan?..." takang-taka padin ako sa kanilang Apat. Ano daw? "... Paano mo nagawang hawakan ang bagay nayan?" sinundan ko ng tingin kung saan gulat na gulat ang mga mata nya.

Book Of Magic 2: CLAES (UNDER EDITING)✓Where stories live. Discover now