Chapter 95

305 19 0
                                    








Chapter 95:



•••
•••







Napamulat ang dalawang mata ko. Nagsalubong ang dalawang kilay ko nang hindi familiar ang lugar na bumungad sakin ngayon sa harapan ko.

Asan ako?

"Mama! Papa!..." biglang napalitan ang buong paligid. Teka! Panaginip ba to?

"Mama! Papa!..." napalingon ako sa sigaw nayun. "... Mama! Papa!" teka! Si Nicole ang babaeng sumisigaw ngayon.

Umiiyak sya na nakatingin sa harapan nya na wasak na wasak. Parang nabiyak ang lupa at nasunog? Tapos para din itong lumubog. Pag aapakan mo yun tuluyan na ngang bibigay ang lupa at magkakaroon yun ng malaking butas. Parang isang malakas na Magic-Ball ang tumama doon.

Pero bakit naman yun iniyakan ni Nicole? Anong meron sa wasak na wasak na lupa? At bakit sya umiiyak habang nakatingin dun?

At teka! Bakit masyado naman atang magulo ang buong lugar ngayon? Kasi wala akong ibang nakikitang maganda. Kundi ang magulong paligid, ang ilang bahay na sirang-sira, ang may crack na lupa, iba din ang kulay ng kalangitan. Inshort, parang galing sa gyera ang lugar nato ngayon.

"Rhea! Rhea! Please! Controled your anger!" napalingon ako sa bago nanamang boses.

"Rhea!" mula sa malayo, kitang-kita ko ang familiar na mga mukha ng Apat na babaeng kakasigaw sa pangalang 'Rhea'.

Teka! Rhea?

Napatingala ako. Sinundan ko kasi kung saan sila nakatingin at bakit sa kalangitan sila sumisigaw sa pangalang Rhea. Nagulat ako nang makita ko nga si Rhea. Nakalutang sya sa ere at kakaiba ang kulay ng mga mata nya. Tulala sya sa kawalan at para bang wala syang naririnig. Gayong ang lakas ng boses ng mga kaibigan nya na paulit-ulit nalang sinisigaw ang pangalan nya.

Book Of Magic 2: CLAES (UNDER EDITING)✓Where stories live. Discover now