Kabanata 3

230 18 0
                                    

Thabbi point of view

dahan dahan kong minulat ang mata ko at iginala sa kabu-ohang kwartong kinalalagyan ko

"n-nasaan ako? " tanong ko sa sarili tsaka umupo at tiningnan ang kabu-ohan ko.

"thabbi"

napalingon naman ako kay jane na nasa gilid pala nang kamang hinihigaan ko

"A-anong nangyari?  papano ako napunta ri--"  hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko nang manumbalik sakin ang nangyari samin ni gio sa daan

"s-si gio?  nasan si gio? " aligagang tanong ko, akmang aalis sana ako rito sa kinahihigaan ko para hanapin si gio nang pigilan ako ni Jane

"thabbi....w-wala nasi gio.."   kusa akong natigilan at napalingon sakanya, tsaka ko iniling-iling ang ulo ko,dahil hindi ako naniniwala

"n-no,nasan siya?  san siyaa dinala? "  sunod sunod na tanong ko kasabay nang pag-agos nang mga luha mula sa mata ko

lumapit naman sakin si Jane tsaka niya'ko niyakap, kaya tuluyan na'kong humikbi

"ini-uwi na siya nang pamilya niya, ikaw lang ang umabot rito sa hospital, dahil bago paman namin kayo makita,binawian na talaga nang buhay ang bf mo, tanging ikaw lamang ang nadala namin rito"  paliwanag niya  habang yakap yakap ako

"napaka walang hiya talaga nang lalaki nayon!  walang pusoo! "  sigaw ko habang umiiyak, natigilan naman si jane sa sinabe ko, kaya muli akong tiningnan

"kilala mo kung sino ang may gawa nito sainyo? "  takang aniya, tumango tango naman ako

"kung pano niya pinatay si mommy sa harapan namin, ganon rin niya pinatay si gio sa harapan ko, mamamatay tao siya!"  saad ko

"s-siya rin ang pumatay sa mommy mo? "  nauutal na aniya, muli kolang siyang tinanguan

"Ha! " napapasinghap niya

"jusq ano bang klaseng tao 'yon?  walang takot pumatay kahit may nakakakita?"  hindi makapaniwalang aniya

"galit na galit ang pamilya ni gio sa pamilya mo, at maging sa'yo.."  aniya

naiyuko kolang ang ulo ko dahil wala nakong masabi, naiiintindihan ko naman ang galit nila sa'kin,  pero ang hindi ko maintindihan... bakit parang kilala ni gio ang mga taong naghahabol samin?   may kinalaman basiya sa mga pangyayari? 

ini-angat ko ang ulo ko mula sa pagkakayuko tsaka tumingin sa itaas para pigilan ang luhang nagbabadyang tumolo, tsaka ako nagpakawala  nang buntong hininga

ngayon kolang napansin na nakabenda pala ang isa kong braso

---

nagpasya na'kong sa bahay nalang mamahinga, dahil sabi nang doctor  pwede naraw ako umuwi.  sinamahan ako ni jane pauwi  hanggang bahay

'di manlang nila ako binisita sa hospital

"ano halikana?  samahan nakita sa loob nang bahay niyo"  nakangiting saad sakin ni jane kaya nginitian ko naman siya tsaka huminga nang malalim

"sigee"  sabi ko

sabay na kaming pumasok at naglakad sa malawak na backyard nitong bahay, bago paman ako makatapak sa pinto nitong bahay  bumungad sa'min si abi

sinalubong niya'ko nang sampal na ikinabigla ko, kunot-noo ko naman siyang muling nilingon, na ngayo'y makikita  na talaga sa mukha niya ang galit

"nandahil sa ka OA-han  mo pati si gio napahamak!  alamo?  nagtataka ako kung bakit kaniya  pinili kaysa sakin,  pati kamalasan mo dinadamay ang iba,hindi narin ako magtataka na baka isang araw iyang kaibigan monaman ang mapahamak--"

Heartless Ft.Criminal (COMPLETED)Where stories live. Discover now