Kabanata 7

174 20 0
                                    

Andrea P. O. V

naiinis na talaga ako sa babaeng to, mas lalo siyang napapalapit Kay rex tchhh, dapat ako nga 'yong kasa-kasama ni rex eh

pinandilatan ko lang siya nang makita kong nabaling ang paningin niya sakin

pinitik ko ang blooming hair ko sa ere tsaka ko pinagcross ang braso't hita ko

"rex ano na plano natin? nasakanila ang mag-ama" nag-alalang saad ni ethan, bumuntong hininga naman si rex, ganon nalang mangunot ang noo ko nang titigan niya 'ko nang napaka seryuso

"what? " mataray kong sabi

"may-alam kaba kung sa'n tinatago ng mga fevas ang dalawa? " sa paraan niya nang pagtatanong, parang pinaghihinalaan niya ko

"akala ko ba alam ninyo? hindi ba't 'yon ang sinugod nina ethan kung bakit namatay si nyx at nahuli si grek? " naiinis na sambit ko, inilipat ko naman ang paningin ko sa babaeng to

"bakit hindi mo tanongin ang babaeng yan? " aniko tsaka tinaasan nang kilay ang babaeng to, grrr naiinis ako sakanya!

nabaling naman lahat nang paningin nila sa babaeng to

"a-actually i don't know, pero nong time na makabalik ako sa bahay namin may kakaiba sa mga pangingilos ni kuya, tsaka parang may narinig ako sa time na'yon na sumigaw sa loob nang bahay which is kuya said na huwag kona raw pansinin" sabi niya

"ethan napasuk mo na ba ang bahay ng mga fevas? " tanong ni rex at nilingon ang kinauupuan ni ethan na ngayo'y relax na relax na nakaupo habang nakapatong pa ang magkabila niyang braso sa sandalan nang couch

"hindi pa, ano papasu--"

*BOOOOM!*

hindi pa natapos ni ethan ang sasabihin nang biglang may sumabog sa labas

"Boss mukhang sinugod ata tayo ng mga fevas!" ani nong isa naming tauhan habang hingal na hingal sa pag-hinga

"damn, ethan dumating naba 'yong mga inorder natin?" ani rex at tumayo para silipin kung sino ang nasa labas, aligaga naman akong tumayo at kinuha ang palagi kong dala na weapon

" rex tara umalis na tayo dito! dahil hindi pa dumating 'yong mga armas na inorder--"

*BOOOOM!*

napasigaw ako nang maramdaman na namin ang bomba palalapit nang papalapit

*BANG* BANG*BANG*

"hindi mga fevas rex! mga tauhan nang pisteng avela!" sigaw ni ethan tsaka kinuha ang mga baril

"ethan tayo na, bahala kana kay andrea! " saad ni rex tsaka hinila ang babae

"Rex!! " sigaw ko, bwesit! mas inuuna paniya ang babae nayan kaysa sakin!?

"ethan sundan natin sila! " sigaw ko, hinila na niya'ko tsaka tinahak ang daan na dinaanan nina rex

kasalukuyan na naming tinatahak ang mga nagtataasang damo

"bilis bilisan mo naman ang pagtakbo!" singhal sakin nang ethan nato, bwesit alam naman niyang hirap tahakin 'tong mga damo

*BANG*

*BANG*

ghodd hinabol nila kami!

lumingon naman si ethan sa likod tsaka niya pinaulanan nang bala ang mga sumusunod samin

"a-aray!" daing ko nang madapa ako!

napalingon naman samin sina rex

"ang lampa mo naman!" sigaw sakin muli nang kinginang ethan nato tsaka niyako inalalayan patayo

Heartless Ft.Criminal (COMPLETED)Where stories live. Discover now