Kabanata 6

177 20 0
                                    

Thabbi point of view

tuluyan ko nang natakasan ang dalawa, nakita kona rin ang high-way

nagmamadali na'kong naglakad hanggang sa bumungad na sa'kin ang daan, tumingin ako sa magkabilang daan pero wala ni isang sasakyang dumadaan

bihira lang ata ang mga sasakyang dumadaan rito, nagpasya nalang akong lakarin itong daan. iginagala ko ang mga mata ko sa paligid baka kasi masundan ako nong dalawa

gumagabi na pero wala paring sasakyan na dumadaan, kusa akong napalingon sa likod nang may makita akong ilaw ng sasakyang paparating

Itinaas ko ang kamay ko para mapansin niya ako

"kuyaa para po! maawa po kayo kailangan konang makabalik sa tahanan ko" nagmamakaawa kong sambit nang huminto ang sasakyan sa harapan ko

binaba niya ang window nang sasakyan dahilan para makita ko ang driver, kasing edad lang siya nina rex

"gumagabi na miss,bakit ka naglalakad sa ganitong lugar? tsaka bihira lang ang mga sasakyang dumadaan rito " kunot-noong aniya

"may naghahabol po kasi sakin, parang awa muna ihatid moko pauwi sa bahay" muli kong sabi

binuksan naman niya sa'kin ang pinto nang sasakyan kaya hindi nako nagdalawang isip na sumakay

tatlong oras ata ang biniyahe namin nang maihatid na niya'ko sa bahay namin, itinuro ko kasi ang bawat daan kung saan matatagpuan ang bahay namin

"dito ka nakatira? " kunot noong tanong niya, atsaka tiningnan ang kabuohan nang labas nang bahay namin

"opo, maraming salamat talaga kuya ah, ang bait bait mo hindi mo'ko niligaw, nawa'y gabayan kani lord papuntang langit" taos puso kong pasasalamat, kinakabahan parin kasi ako nong nakasakay pa'ko sa kotse niya, baka kasi pagsamantalahan niya'ko

napangiwi naman siya sa sinabe ko

"b-bakit? " muli kong sabi

"wala, pumasok kana baka hinahanap kanarin sainyo" aniya tsaka pinaharorot ang kotse paalis

nagpasya naman akong pumasok sa loob, naninibago ako ngayun sa bahay, baka siguro matagal na'kong nawala

"Kuyaa" tawag ko kay kuya zack nang makita ko'tong naglalakad patungong room niya

gulat na gulat siyang tiningnan ako, tila 'di makapaniwala sa nakikita

"L-lil sis pano ka nakapunta rito?" aniya at tiningnan ang kabuohan ko

lumapit ako sakanya tsaka niyakap

"I miss you, where's abi and dad? " sabi ko 'tsaka kumawala sa pagkakayakap

"nasa room nila, baka tulog na sila kaya wag mo muna silang gisingin" aniya na ikinangunot nang noo ko, hindi ba siya masaya na nakawala na'ko sa mga taong 'yon?

"hayop ka! hayo--argh! " biglang nangunot ang noo ko sa narinig ko, malapit 'yon sa office ni dad

"kuya ano yon--"

"don't mind it halikana, ihatid nakita sa kwarto mo nang makarelax ka at makatulog" aniya tsaka ako hinila

"oh ano okay kanaba? " aniya

"oo salamat, sleep well kuya" sabi ko

"good night and sleep well too" saad niya tsaka ginulo ang buhok ko at umalis

umupo naman ako sa kama na puno nang pagtataka, bakit parang may iba sa mga kilosni kuya? iyong bang mukhang hindi mapakali?

nagpakawala naman ako nang buntong hininga, nagpasya nalang akong maligo at matulog

Heartless Ft.Criminal (COMPLETED)Where stories live. Discover now