Pano Akong Nag-iisa

50 3 0
                                    

CHAPTER 1

Qatar airways:
Economy class
Maririnig na ang announcement ng captain dahil sa successful at flight nila. Nagpapalakpakan na ang mga pasahero.
Hanggang sa inanunsyo na na pwede nang tumayo para sa pagpila palabas ng eroplano.
She just watched while all the passengers are stand para iprepare ang mga sarili sa pagbaba ng sinasakyan nilang eroplano. Mukha silang masasaya at nagagalak sa kanilang pag uwi sa sariling bansa. At siya kaya? Wala sa sariling kinapa nya ang dibdib at niyakap ang shoulder bag. Saka sinuklay ng mga daliri ang buhok.

Napabuntunghininga siya ng masilip ang labas mula sa bintana ng eroplano.After two years ay babalik siya rito hindi para sa negosyo kundi sa nanganganib na relasyon nila ng kasintahan.Hindi nya pansin ang kanina pa nakatitig na katabi.
"Shes a mysterious woman. And she almost quitely crying the whole flight. At nung tinanong ko kung bakit ayaw naman sabihin." Ang bulong ni Jaime Richard sa sarili.
Napapailing na sinabihan ang halos wala sa sariling katabi.
"Ehem.Miss yung bag nyu po. Baka makalimutan nyu.."
Napalingon si Rianne sa katabing lalaki na noon ay halos silang dalawa nalang pala ang huling pasaherong bababa.Kasi nasa may bintana itong parte at siya ay nasa gitnang upuan.napakapormal nito. Walang kangitingiti man lang.
"Ohh thank you.ikaw nga pala naglagay nyan sa taas."
"Yes. Mukhang pati isip mo kasi naglalakbay din."
"Ganun? Well siguro nga."
At lumipas ang ilang saglit ay pareho na nilang inaabangan ang kanikanilang mga bagahe.Magkatabi silang nakamasid sa mga bagahe at tahimik na kinuha nang mapatapat na iyon sa kanya.Yung sa katabi nya ay wala pa. Napasulyap siya sa mukha nitong parang malungkot.Napakaguwapo nito sa suot na puting t-shirt At blue jeans. May nakasukbit na leather jacket sa kaliwang abaga nito. At nagtama ang kanilang mga mata na mabilis nyang iniwas ang tingin at tumingin sa paligid.
Bakit ba pinapansin ko itong lalaki na ngayon ko lng naman nakilala sa byahe?Ang tanong nya sa isip.
"Bye Miss. I hope to see you again."sabay ngiti nito sa kanya
"I don't think so.Kasi bakasyon lng ako at babalik din agad ng Qatar. Ikaw?aniya sa pormal na tinig
"Come what may. I will call you ha. Ay ito na pala yung bagahe ko.Muntik na akong lampasan."sabay ngiti nito na mabilis binuhat ang bagahe at ilapag sa kinatatayuan nila.
"My God! Bakit ba gusto kong titigan ang pisngi nyang may dimples."sa isip lang ni Rhianne.
Sabay nilang nilalakad ang passengers way palabas.At tuluyan nang nagkanya kanyang sakay ng sasakyan.May sumundo dito at siya ay nagtaxi lamang.
Nagcheck in siya sa hotel para kinabukasan ay babyahe siya paprobinsiya.Walang sumundo sa kanya sa kagaya nyang ulilang lubos.May matalik na kaibigan pero napagkasunduan nyang sa bayan nalang nila siya sunduin.Bukas ay sasakay ulit siya ng erpolano patungo sa probinsiya nila.Mamimili pa siya ng mga ilang kakailanganin sa maliit nilang negosyo.Na siya na ngayon ang nagmamay -ari at ang bestfriend nya ang namamahala mula nang maulila siya sa magulang.
At surprise itong pag uwi nya. Kahit yung nobyo nyang nasa Manila ay Hindi alam na umuwi na pala siya.
Napapangiti siya habang minamasdan ang profile pic kasama si Zed. Ang kanyang nobyo na banker.
"I miss you. Sana hindi totoo ang balitang may iba ka na.Na niloloko mo lang ako at nagsasama na kayo ng babaeng ipinalit mo sa akin. Dapat bang magalit ako sayo?"
Napasubsub siya sa unan at hinayaang umiyak ang sarili.Gusto nyang sumigaw para mailabas ang poot at galit sa nobyo nya. Siya ang laging nag- eeffort para rito at kahit pagod sa trabaho at may time pa siya para kamustahin ito palagi at kausapin. Pero ito ang maraming dahilan para Hindi sila magkausap. God, anong nangyayari sa aming dalawa? Ang tanging nasambit nya at tumihaya saka tumitig sa kisami.
Napatitig siya sa phone na nagring. Ang best friend nya pala. Inabot nya iyon na nakapatong sa side table ng kama.
" Hello best.."
"Asan ka na best Rhianne. Out of coverage ka kanina pa a. Nakarating kana ba? Nakapagpahinga kana ba?Kumain kana ba?...."
Bumangon siya at tinungo ang bintana ng kuwarto nya.
"Relax Amiga.magparoomservice nalang ako. Wala nga akong gana kumain pero pipilitin ko baka mangayat ako at hindi na maganda sa paningin ni Zed." Pinilit nyang pasiglahin ang boses
"Who care that bitch.."
"Rack,ayan ka na naman, please."
"Best, kelan ka ba magigising. Wake up. May esesend ulit ako sayong pic nila ng babae nya. Na meet mo na ito past two years sa birthday ng gorilla mong nobyo. At kung di ka magmadali bukas may time ka ba para makipagmeet sa gorilla mong bf?..Isurprise mo siya para mabisto mo. Kun hindi sana ako bucy bukas ay luluwas ako ng Manila para suportahan ka alalayan ka...."
"You won't do that okey? Yung negosyo natin ang unahin mo keysa ako. Kaya ko ang sarili ko. Si Jeffrey nlng ang papuntahin mo dito. Para kuhanin ang mga materyales na kelangan natin sa patahian."
"Ok ok!" ani Racquel sa bisayang accent. "Tama nga naman yan keysa ishipping mo mag isa ang mga materyales mahihirapan ka pa talaga. Kababae mong tao e. Asikasuhin mo muna personal lovelife mo dyan...at sana kun ano man ang matuklasan mo wag kang padalos dalos ha. Million isip isip muna bago gumawa ng hakbang. Mag- iingat ka best....."
Natatawa si Rhianne sa bisayang accent ng kaibigan kahit hindi naman ito pinanganak at lumaki sa Cebu.

Wala sa loob na bumalik siya sa kama at umupo. Paulit ulit sumasagi sa isip nya ang huling sinabi ng best friend nya bago nila pinutol ang usapan sa telepono. Ano nang gagawin nya ngayon?
Naisip nya nalang na lumabas ng kuwarto at kakain sa labas keysa pilitin ang sariling matulog na. Hindi naman siya makakatulog kasi ukupado ng isip nya ang nobyo.

Kumakain siya sa restaurant ng hotel at magulat nalang sa papalapit na waiter. May hawak iyong bouquet of flowers at mukhang para sa kanya. At hindi nga siya nagkamali sapagkat nung ibigay ng waiter ang bulaklak sa kanya ay may maiksing note iyon.
To you...the most pretty. woman
I've ever meet in airplane ....hope to
See you smile...
Binasa niya na walang kangiti-ngiti man lang.
Tinalikuran na siya ng waiter at hindi na siya nabigyan ng pagkakataong makapagtanong man lang. Nilapag nya sa mesa ang bulaklak at luminga sa paligid. Wala namang nakatingin sa kanya kaya tinuloy na ang pagkain.
At habang kavidiocall ang kaibigang si Racquel. Patuloy siya sa pagkain.
"Dahan-dahan naman sa pagsubo best. Wala naman ako sa tabi mo para agawan ka."
Napapangiting inirapan niya ito. Nakuha pa nitong magbiro habang siyay kumakain.
"Baliw ka talaga. Mas gusto ko ngang may kaagaw. Nakakaganang kumain."
"A kaya pala ha. Well ngayon, isipin mo nalang muna na inaagawan kita para ganadu ka. Parang gusto kong kumanta ng XANADU. Xana oil may gana."
Natawa siya. Nasa office table si Racquel nang mga oras na iyon. Saka ito nagligpit ng mga kalat sa mesa para sa pag -uwi.
Kumakanta-kanta nga ito at tumayo na sukbit ang bag. Wala siyang alam sa awit na XANADU version ni Ms Regine Velasquez.
Nagpaalam na ito sa kanya. Magkatabi lang naman ang office at bahay nila. Kung saan ito nakatira.

Bumalik na si Rhianne sa hotel room niya. Dala ang bouquet. Kung hindi lang kilala niya kung saan galing ang bulaklak nungka na tatanggapin niya iyon.

Love Has FOUND A Way Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon