All my Hours To You

20 1 0
                                    

CHAPTER 4

"And it all just sounds like uh..uh..uh..hmm..too young to dumb to realize.
That i should have bought you flowers and held you in my arms ...."

Napasulyap siya sa katabing nagmamaneho. Na sinasabayan ng pagkanta ang music sa car stereo. Kausap nya si Jaime sa phone ng mga oras na iyon. Kagagaling lng nila sa bar.
"Should have gave you all my hours when i had the chance....."
Napangiti siya ng sumulyap ulit rito.
"Please,wag ka na ulit uminom. Paano kung hindi ka pinuntahan ng kaibigan mo. Mag isa ka lang. Paano kun nalasing ka."
"I can manage myself Jaime.Now I'm safe with Rodolfo and will you stop worrying okey?"
Narinig nya ang pag aray ng katabi. Marahil sa nabanggit nyang buong pangalan nito. At nababaduyan pa naman iyon sa pangalan nito.
"Alright. The next day pupunta na kami diyan. Kasi balak din ni Daddy na magbisita siya sa hometown nya sa Roxas. At gusto nyang isama ka doon."
"Nakakahiya yon Jaime. Kayo nalang."
      Napasulyap siya kay Rhodz.
"Bye for now sweetheart. We're just talk pagdating ko nalang. Matulog ka kaagad pagdating mo sa bahay nyu ha. At ang favorite mong "shahey" wag kalimutan. Sana ako nalang yun."
"Assuming ka talaga Jaime Ricardo."
Tumawa ito sa kabilang linya.
"Confident lang. Ahhh...hmmm....until now hindi parin ako makamove on sa mga sandaling kasama kita.Its just like kinikilig ako kapag naaalala ko yung tayong dalawa lang."
Napatingin siya kay Rodz nang huminto sila. Saka tiningnan sa bintana ng sasakyan kun saan sila naroon. At nasa harap sila ng fast food
"Ang OA mo.babay na nga. I think hindi bagay sayo ang kinikilig. Batukan kita riyan."narinig nya ang pagtawa nito na parang kaysarap pakinggan.
At siya na ang unang nagpindot ng call end.
Nakita nyang lalabas si Rodz.
"Bibili lang ako ng pasalubong kina tatay at nanay. Gising pa sila ngayon."
"Wait lang sasama ako."
Paglabas nya ay dumampi ang malamig na hangin sa pisngi nya. At kaysarap ng pakiramdam na nandito siya sa lugar kun saan siya isinilang. Naalala nya ang mga magulang. Kung saan man ang mga ito naroroon ngayon sana masaya sila at hindi siya naging pabayang anak pati na rin ang pamilyang pinagbilinan mg mga ito sa kanya bago ang mga ito bawian ng huling hininga.
Inayos nya ang suot na jacket. At ang buhok na lampas balikat. Sumabay siya kay Rodz papasok ng fastfood. Napansin nya ang ibang mga naroon ay nakatingin sa kanila.
"Ano gusto mo."baling ni Rodz sa kanya
"Parang gusto ko ng kape. Gusto ko ng tinapay lahat ay gusto ko......"
"Tumigil ka nga...."tumawa ito
Nakatayo sila malapit sa mga pumipila sa counter.
     "Joke lang. Ang seryoso mo kasi. Good you smile."matapos itong ngitian ay naghahanap ang mga mata nya ng bakanteng mesa
"Ikaw na ang pumila at maghahanap lang ako ng table,okey?"
"Sige,ikaw bahala."
Nang makahanap siya ng bakanteng mesa ay agad siyang naupo.Naisip nya ang napapalapit na pagpunta ni Jaime sa lugar nila. Gusto nyang bukas nalang ang next day. Ganoon ba niya ito namiss? Dumating si Jaime sa buhay nya kung saan broken hearted siya. Paano kung panakip butas nya lang pala ito gaya ng sabi ni Rack? At siya ganun din.  At siya din ang panakip butas ni Jaimie.
Tanaw nya ang labas dahil salamin ang dingding ng fast food.
Napatingin siya kay Rodz na noon ay pinatong sa table ang numero nila. At ang dalawang cup ng coffee. At nagpaalam muna sandali dahil magbanyo raw.
Lingid kay Rhianne ay pumunta si Rodz sa labas at may binili. Namataan kasi nito kanina na may flowershop sa katabi ng fastfood at himalang bukas pa iyon. Na malapit nang mag ala una ng umaga. Bumili siya para sa dalagang kasama ngayon.
   Anong pakiramdam na ngayon ka ulit magbibigay pagkatapos ng thirteen years Rodz? Ang tanong sa sarili nya. Napangiti siya sa sarili.
Pagbalik nya ay pumuwesto siya sa tabi ni Rhianne. At syempre sino ba naman ang hindi magulat sa inasal nya?
"Flowers for you...."
"Rodz!..."
Umupo na ito matapos tanggapin ni Rhianne ang bulaklak. At hinawakan ang isang cup ng coffee. Nilagyan ng asukal.
"Thank you dito ha."
"Wala yan..naisip ko kasing malungkot ka parin kahit may nagpapangiti na sayo."
Nilapag ng service crew ang order nila. At pagkatapos ay iniwan na sila.
"About sa song kanina. Sinunod mo yun."tudyo nya rito habang nakangiti
"Hindi ah. Alam mo namang tumigil na ako sa pagbibigay sayo ng flowers nung boyfriend mo ang Isidrong yon."
"Hindi raw. Pero infairness i like this yellow and pink rose. Lets go."

Love Has FOUND A Way Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon