You Found Me Somewhere

16 1 0
                                    

Chapter2

Naglalakad siya sa overpass ng Roxas Blvd. At natatanaw nya ang dagat. Iniiyakan niya ang pagkadurog ng puso nya. Dahil confirm na nga nyang niloloko siya mula pa noon ng nobyong si Zed. Kagagaling nya lang sa bangkong pinagtatrabahuhan nito at halos lahat doon ay alam na may asawa na ang lalaki. Naalala pa nya ang pag uusap nila sa labas ng bangko mula ng makita siya nitong nakaupo sa couch at nilapitan siya.Ngunit tinalikuran nya ang lalaki at lumabas. Hinabol nmn siya.
"Rianne wait.kelan ka pa dto? Bakit Hindi ka man lang nagsabi sakin na darating ka?"
"Wag mo ako hawakan Isidro.Sana sinabi mo na break na tayo.Para nmn hindi ako masyadong apektado kung malaman ko man na may iba ka na."
Pigil pa ang pag iyak nya noon kasi madaming tao sa paligid. Sa Malate kasi iyon kaya matao at halos mga aplikante ng ibat ibang agency."Im sorry I'm sorry.Nagkamali ako at...."inagaw nya ang sasabihin pa sana nito
"Bumalik ka na sa trabaho mo.Alam ko na lahat lahat nang panloloko mo.I don't want to create a scenes here dahil baka may makapansin pa sa atin at magtrending pa sa mga social media."
"Rianne..."
Masakit ang tinging ipinukol nya rito.Kinabig nya ang kamay nitong hahawakan sana siya.At mabilis nyang pinadapuan ng sampal ang lalaki.Sapu nito ang pisnging nasaktan.
"Don't you ever call me Isidro. Tinapos mo na ang lahat so tatapusin ko na rin.At salamat na naging tanga ako sayo.Naging tanga sa pagmamahal sayo at sa mga dahilan mo noon nung nasa ibang bansa pa ako. Siguro nga kapalit palit ako."sabay nya talikod noon at tuluyang nilayuan ang lalaki.Ni Hindi sya lumingon at tuloy tuloy lang sa paglalakad.
Napaupo siya sa seawall ng baywalk.At doon ay pinakawalan ang damdaming pinigil nya nung makaharap ang nobyo kaninang umaga.Nang may umabot ng panyo sa kanya na ikinagulat nya. Napatingin siya sa lalaki na noon ay tumabi sa kanya ng upo.
"Im sure nagtataka ka talaga kung bakit nan dito ako sa tabi mo."
"Bakit nga ba?Nalilito pa nga ako e.Maybe last week pa tayo na nagkasabay sa eroplano?"At pinahid nya ng panyo ang pisngi. Pero hindi nya iyon isinatinig.Nanatili siyang tahimik na nakatitig rito.
"Call me weird pero sinundan talaga kita mula airport hanggang dito. If you need someone to talk andito lang ako."
"Iwanan mo ako"
Tumingin siya sa dagat.Napansin nyang tumayo ito ngunit laking gulat nya at itinayo rin siya. Wala sa sariling napasunod siya rito.
"Hindi pwedeng pabayaan kita. Come on,let's find a place na tahimik at relaxing.You can trust me Rianne.At baka iniisip mo na strangers ako you can. Pero parehas tayong pinoy I'm sure of it .At probinsyano ako pero laking city nga lang." Hinubad nito ang suot na jacket at ipinatong sa balikat nya. Sinundan nya nang tingin ang jacket. Malamig na nga sa seawall na yun. At malapit nang dumilim. Marami parin ang naglalakad na nga tao.Mga batang naglalaro at mga taong nag aalok nang masahe sa mga naroon na nakaupo. Mga taong nag aalok ng mga hawak nilang paninda. Marahil iyon ang ikinabubuhay nila doon sa Roxas Blvd Malate.
This man is insane. Anong balak nito sa kanya? Mahirap na magtiwala sa estrangherong katulad nito.Maraming manloloko. Yung nobyo nga nya na LDR sila naloko pa siya. Ito pa kaya?Naglakad siya at nakasunod ito sa kanya.
"Look,pinakita ko na sayo ang I.d ko nung nasa eroplano pa tayo.yung NBI wala pa nasa condo yunit ko.And I'm asure you na hindi ako budol budol gang."
Narinig nya ang condo. Ibig sabihin mayaman ito? Ring nang ring ang cp nya na nasa shoulderbag. Pinabayaan nya iyon. Marahil kinakumusta lang siya ng kaibigan.Hindi ito mapalagay sa kinakaharap nyang pagsubok.
"Pano mo nahulaan isip ko?"
Ngumiti na naman ito.At para bang may magic ang ngiti nito na nakakapagpaalis ng lungkot nya. Ano ba meron sa kanya? Aniya sa isip at napatigil sa paglalakad.
"Naisip ko lang iyon.Ganun naman talaga yung unang pagtatagpo nang mga tao na Hindi kilala ang isat isa."
"So sasama ka na sakin?"
"Well sige na nga.Stranger who you are."
Dinala lang naman siya nito sa Tagaytay. May townhouse pala ito at ang nakatira doon ay ang mga katiwala lang ng binata.Namasyal sila nang gabing yun at maramdaman nya na masaya pala sa piling ni Jaime. Palakuwento ito at palabiro. Member pala ito ng Christian outreach group at ayun dito ay nagtuturo din sa mga estudyante. Kaya pala madami itong tapes na mga worship song sa sasakyan.
Hindi nya akalaing mangyari ito sa kanya.Napanood nya na ito sa movie e. At kumunot ang noo nya nang mapansing nakatitig ito sa kanya? Nasa balkonahe sila noon ng bahay. Tama ba ang hula nya na malungkot din ito kagaya nya?

Love Has FOUND A Way Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon