Chapter 6
Yung hindi na talaga mapigilan ni Rhianne ang antok at napapikit nalang ang kanyang mga mata.Nakangiti pa itong nagpaalam kay Alex na matutulog na talaga siya.Nagkukuwentuhan ang dalawa kanina sa sala. Ilang gabi na rin kasing nagpupuyat ang dalaga sa kadahilanang marami itong tinatapos na mga design.Kasama ang mga mananahi ng Rain's garment.Nasa dibdib nito ang ipod at sketchpad.
"Nagkakasya ka nalang ba sa pagbibisita sa kanya at pagbibigay ng mga regalo."
Nagulat si Alex kay Melyn na nagsalita sa may sofa.Nakamasid lang si Alex sa natutulog na dalaga.Hindi nya talaga maikaila ang lukso ng dugo sa anak ng dating kasintahan.
"Matulog ka na rin sa taas.Maya-maya ay magigising din naman yan at papanhik sa kuwarto nya."
Tinanggal ni Melyn ang mga nakapatong sa dibdib ni Rianne.At dun sa lamisita ipinatong.Narinig ang paghikbi ni alex sa kabilang sofa at napatingin siya rito
"Hindi ka na nakauwi sa atin sa cebu."
"Matagal nang hindi.Kahit nang hindi pa mawala ang ina nya.Kahit wala yang dalaga dito."
Niyaya ni Melyn si Alex sa kusina.At tinimplahan ng tea maging ang sarili ay dinamay na rin.Ang asawa nya ay di pa nakabangon.Umupo sila pareho.
"Napakaloyal mo parin kay Elsa hanggang ngayon.Alam mo kung hindi lang ako naamnesia dahil sa pagkaaksidente ko sa barko sana kami parin magkasama at kami ang nagkaanak hindi sa kuya ko."
"Kaming mga palaboy noon sa kalye? At parehong schoolgirl nyu?Magkaibigan na ngayon lang pinaghiwalay. Hanggang sa namatay siya hindi ko iniwan pati anak nya."napahikbi nalang si Melyn sa naalalang namayapang kaibigan.
"Minana ni Rianne ang kabaitan at pagkamatulungin nang ina nya.Ang bait nya sa mga tauhan nyu rito."
"Tama ka. Tingnan mo naman at hindi umaalis rito ang mga mananahi. Nadagdagan pa kamu halos magkakapamilya mga iyan dito."
"Magaling si kuya magtago sa kanila.Kung hindi ko pa naresearch ang profile ni Rianne sa social media hindi ko siya matatagpuan."
"Tama ka. Sikat kasi yan siya sa ibang bansa.Pero dito sa pinas napansin kong mahiyain siya. At nung dumating hindi humaharap halos sa mga tao.Napakalungkotin nyan noon."
"Maraming salamat sayo Melyn."
"Teka lang Sir Alex. Bakit mo nasabing magaling magtago ang kapatid mo sa kanilà?"
Humigop ito ng tea bago nagsalita. Hindi maitago sa mukha nito ang lungkot.
"Habang nasa Amerika ako at magaling na.Hindi man lang ang kuya ko nagpaparamdam sa akin.Maging sa facebook nagresearch ako ay wala.Mga kamag- anakan namin ay walang alam tungkol kay kuya.Yun pala nandito lang sila."
"Nauna sila dito sumunod lang kami ni Gorin.At dito na kami nagpakasal at nagkaroon ng mga anak. At ako wala akong alam na itinago nya ang mag ina nya sa inyo."
Tumayo na ito at nilapag sa mesa ang hawak na tasa.
"Magpahinga na ako Melyn. Usap nalang tayo ulit. Anyway, maghire ka dito ng dagdag na kasambahay. At hardinero na rin.Akong bahala sa sahod nila with health benifits. Ikaw na ang kumilatis ha."
Napatango nalang si Melyn at minasdan ang papalayong dating anak ng kumuha sa kanila ng ina ni Rianne bilang school girl.Magulo ang isip nya at siya lang ang nakakaalam ng pagkatao ng alaga.Hanggang kailan nya itatago ang lihim?Buntis na si Elsa bago paman sila napadpad sa lugar nang Aklan.
"Bakit hindi mo ako ginising?"
Muntik nang mabitawan ni Melyn ang tasa ng kape sa gulat sa paglapit ng asawa.Binato nya ito ng tissuebox.
"Alam mo hindi ka naman bata na pupuntang school at malelate dahil sa hindi kita gigisingin.Temang to nanggugulat."
Humalakhak si Rigon.
"Pano ba naman kasi at ang lalim ng iniisip mo tanda."
Tinulak ito ni Melyn ng nasa harapan nya na.Tinawag ba naman siyang matanda na?At syempre naglikha ng ingay ang upuan na nadamay at yun ang sumalo sa muntik nang pagkatumba sana ni Rigon. Naghabulan sila sa kusina na parang mga bata. Nagbabatuhan ng mga hindi nababasag na mga madampot.Tawa ng tawa si Rigon at nagdadakdak naman si Melyn.
Ang dalawa ay walang kamalay -malay na may camera na nakatutuk sa kanila.Naglagay ng tasa nya si Melyn at kinalabit naman ng asawa at nagpahabol dito. Nag ikot-ikot ang dalawa sa lamesa. Nang mapagod ay parehong umupo at maya -maya ay nagtimpla nalang ng kape si Melyn para sa asawa.
Umalis na ang kumuha ng vidio.Pigil ang tawa nito dahil baka marinig ng mag -asawa. At nagkunyaring walang alam sa nangyayari sa kusina.Malapit nang mag alas singko ng umaga.At alas siyete pa ang pasok ng mga mananahi.
BINABASA MO ANG
Love Has FOUND A Way
RomanceSeries 1 Rain's Garments and Fashion They've meet with the same heartaches memories. Will Rhianne can resist the charms of Doc Jaimie?She can't enable to deny the fact that this man can bring her anywhere. Eventhough she doesn't know who is Doc Ja...