Reached The End

9 1 0
                                    

CHAPTER 3
     
         Mag isang nakaupo si Rhianne sa mesang pinili nya sa pinakasulok ng music bar. Medyo madilim doon pero malapit sa stage at kung magperform man ang banda ay makikita nya.
     Nasa harapan nya ang ipod at isang boteng beer saka pulutan na chips at maanghang na mani. Kausap nya ang nagtatampong matalik na kaibigan sa ipod.
      "Ang sabi ko naman sayo sasamahan kita dyan.Hindi mo naman ako inantay."
   "Ang kulit mo. Date nyu yan ng boyfriend mo at iiwanan mo nang dahil sa akin? I said im fine here and i want to be alone."
   "Fine best. Basta mauna yung wedding ko bago ikaw. A promise is a promise period"
   Tinungga nya ang huling baso. Nawala na sa linya si Rack ay paulit ulit na bumabalik sa isipan nya ang childhood promise nila sa isat isa. At mukhang malabo iyong mangyari sa ngayon. Isang pagkakamali nya lang ng pagpayag ng kasal na inaalok ni Jaime ay on the spot na ang kasal.Prepare or not prepare that wedding will be happen.At ang oo lang nya ang inaantay ng lahat na miyembro ng pamilya nito. Bakit ganoon ang pakiramdam nya. Si Jaime dumating sa buhay nya kun kaylan hindi pa nya nabawi ang puso nya sa lalaking nanakit ng damdamin nya. Binigay nya ang puso  nya sa lalaking mulatsapul pala ay niloloko lang siya.At ayaw nyang saktan si Jaime. That man deserves to be happy. Hindi nya maiwasang kiligin kapag naaalala ang lihim na pagstalk sa kanya mula airport at roxas boulevard
  "There you are. Kanina pa kita hinahanap"
  Si Rodz iyon at ginulat siya na lumitaw sa harapan nya. Nablangko na yata ang paningin nya sa iniisip.
   Umupo ito sa kabilang silya.
  "Kung ako ang boyfriend mo hindi kita papayagang pumunta sa lugar na ito."
  "Bakit mo ako hinanap.or should i say..."
  "Tinanong ko si ate Rack kung saan ka pwedeng matagpuan. Sinabi nyang andito ka.Masakit parin yung ginawa sayo ni Zed pero d mo kailangang magpakalasing dito."
  Lumapit sa kanila ang waiter kahit d nya tinawag.
"Sira ulo ka. Malabong magpakalasing ako dito. May bahay ako at kong gusto ko, doon yun at hindi dito"
  Umorder nalang siya sa lumapit na waiter. Ganundin din si Rodz. Kapatid ito ni besty nya at halos magkaedad sila. Yun nga lang halos nasa manila na siya lumaki kasi doon siya nag aral mula elementary hanggang college.
  Nanliligaw si Rodz sa kanya mula pa noon pero alam nito na kapatid lang ang turing nya sa binata. Dahil solong anak lang siya.
   "Yung sinasabi kong kliyente natin na anak ng may ari ng bangko na pinapasukan ko..."
  "O ano tungkol dun...."
   "Mapapaaga ang wedding  sched nila sa nakaset na date ng wedding. Dahil alam mo na lumalaki na ang tyan nya at ayaw daw nyang mabago ang tabas ng gown nya."
"Well ,oo nga naman may point siya."
  Alam nya nang buntis iyon at no big deal iyon para sa kanya. At nameet nya na ito at basi sa kuwento ng asawa nito kay Gigi ay may idea na raw ang babae kun sino siya. Kaya siya ang nagustuhang magdesign ng bridalgown nito ay nang dahil sa asawa at kay Rodz.
   "Speaking of Gigi. Andito sila. Ayan o" ani rodz na nginuso ang bandang harapang mesa malapit sa stage.
At nagsisimula nang tumugtog ang bandang regular guest ng bar and resto.
   "Hayaan mo sila. Gusto kong mapag isa."aniya sa nalulungkot  na tinig
   "Okey. Tatahimik na ako ha..."
    Nandito siya sa bar pero ang alaala nya ay ang pag uusap nila ni Zed. Nakipagkita siya rito noong pagdating nya ng Aklan. Humingi raw ito ng leave sa bangko dahil sa inang maysakit.At  pumayag siyang makipagkita para maramdaman ang closure sa pagitan nila. At hindi maganda ang pag uusap nilang yun. May kasamang panlalait ang inabot nya rito. Dahil sa gusto nitong makipagbalikan sa kanya at tutol siya sa gustong mangyari nito.
  Lumipat ng pwesto si Rodz para makita ang bandang kasalukuyang ngpeperform sa gabing iyon. Sa may tabi nya ito pumuwesto.
  Sinadya rin iyon ni Rodz para mapagmasdan si rianne.
   Solong kumakanta ang lalaki ng "Wonderful Tonight.
   Nanggigigil si rianne sa naalalang sinabi ni Zed  sa kanya noon.
  "Fine. Kung ayaw mo wag. Akala mo kun sino kang maganda.Ang taba mo nga e. Anong akala mo sa sarili mo sexy?"
  "Kaya mo ako niloko at pinagpalit sa chinitang yon?"naiiyak pa siya noon pero pinigil ang sarili
  "Antagal mo na pala akong niloloko Isidro. Hindi ko pinakinggan ang kaibigan ko dahil mahal kita."
  "Kun pumapayag ka lang kasi  pwedeng tayo ulit. Ayaw mo naman kasi." Lumambing ang boses nito at hinawakan pa siya sa kamay na iniwas naman nya
Bumangon ang galit nya noon sa dibdib nang dahil sa sinabi nito.
  "Tanga lang at baliw ang papayag sa gusto mo at hindi ako yon.I give you all my love Zed pero tinapon mo lang iyon na parang basura. Now you only what to do is to fucos your life to her. Before im deeply inlove with you pero nakikilala na kita kung anong pagkatao meron ka noon at ngayon. "
    " Napakaarte mo. Andito na nga ako nakikipagbalikan sayo. Ikaw  pa ang ayaw. Lalayuan ko ang asawa ko ngayon dahil andito ka na rin sa pinas. Magsasama tayo...."
    Nanginginig siya noon sa galit. Kuyom ang kamao nya at gusto nyang isuntok sa mukha nito pero nagpigil pa siya ng sarili.
   "Napakalalim ng iniisip mo. Baka mabasag ang baso sa mahigpit mong paghawak"
   Ang boses  ni Rodz  ang gumising ng diwa nya.Sumulyap siya rito at muling binalik ang tingin sa baso. Biglang sumagi sa isip nya ang maamong mukha ni Jaime. Ang mga ngiti nito na pilit nyang tinatanggi pero nagpapaalis ng lungkot nya. Para siyang napaso sa baso at binitiwan iyon. Nilapag sa mesa.
    Narinig nya ang kanta nang banda na "I love you goodbye"
   "Are you sure  you want to listen that song?
   Ngumiti siya."Wala na akong magagawa gusto nilang kantahin yan e.ikaw talaga."
   "Thats a sad song.at "tumingin ulit ito sa kanya
     "Anong iniisip mo."
    "I know from the start  na magaling ka kumanta. Kumanta ka para gumaan ang pakiramdam mo."
     "No i wont sing"
     "Tingnan natin mamaya kung mapapaayaw ka. Baka biktima ka ng game nila.Hindi mo alam ang napasukan mong bar my labs."
  "Stop it Rodz. Kapag andito si Jaime wag mong iparinig yan sa kanya."
      "Ikaw kasi antagal kitang hinintay. Tapos ngayon may Jaime ka na.Wala na akong kapag a pag asa sayo my labs."
    Hinampas nya ito ng table number. Sanay na siya sa kababata. Hindi matuturuan ang puso. Kusa itong magmahal. At si Jaime? Hindi ito mahirap mahalin. That man is so ideal. At theres a time for love. Straight for Jaime only. Napangiti siya sa nakikitang mukha nito sa isipan nya.
  Kasalukuyang nasa Korea  pa si Jaime dahil may nilalakad ito roon. At isang araw mula ngayon ay susunod ito pati ang mga magulang dito sa kanila.
Nang magulat siya sa pagkalabit ni rodz.
"Tayo raw tayo kasi may tinitingnan sila sa ilalim ng inuupuan natin"
"What?"
"Hahaha..sabi ko nmn sayo knina may bibiktimahin na nmn sila ngayong gabi."
Nakita nyang lumingon si Georgina at nakita siya at kumaway ito sa kanya. Gumanti siya at nakita nyang kinalabit nito ang pakakasalan at tinuro siya.
    "Masasabunutan kita Rodz. Ano ba yang sinasabi mo. Whats going on. "
   "Ayan kasi. Nandito ka nga pero wala naman sa banda ang atensyon mo kundi sa ex mo at sa present mo."
  Inirapan nya ito at inayos ang suot na maong jacket. At pinarisan nya ng green spaggetti straps na may hugis puso na may mga sequeens design. At maong skinnyjeans na faded blue color at may punit na design sa bandang hita kaya nasisilip ang kanang hita nya.May nakadesign na butterfly sa kaliwang tuhod nya.
   "Nireveal na ngayon lang na kung kaninong upuan makita ang number 1up to 5 ay siyang kakanta ngayong gabi. At sana wag ako." Ani rodz na kindatan pa siya
   "What?" Napailing sya sa nalaman.May ganito pala ito dito. Well exciting a. At madaming tao. Sa bandang likuran ay makikitang nakatayo lang ang iba pero  may mga maliliit na bilugang table na siyang pinapatungan ng mga drinks nila. Narinig nya ang pagpalakpakan at hiyawan ng mga naroon.
   "Isang number nalang po ang hinahanap namin." Ayon sa vocalist ng banda
   At ang waiter na nakaasign sa kanila ay may kinapa sa ilalim na bahagi ng kinauupuan nya ganundin kay Rodz. At nashocked siya at nasa upuan nya pala ang number 5. Maganda pa ang pagkadesign ng number ha. Infairness.
Umupo na sila. Sa halip na sambunutan si Rodz ay hinila nya ang manggas ng t-shirt  nito.Kumindat lang ito sa kanya sabay sabi nang magready na raw siya kun ano ang kakantahin nya.
      "Thank you that you're here on my side. Kung wala ka,baka matutunaw ako sa hiya. Im nervous you know."
  "Tumigil ka nga. Parang hindi ko alam na  sanay ka humarap sa mga tao."
  Panglima siya sa kumanta. At ang naisipan nyang kantahin ay kanta ni Bruno mars na isa sa mga favorite singers nya. Ganun pala yon . Na kapag nadadala ka sa mga lyrics ng song ay nawawala na yung  kaba.
   "I've done through all this pain
Take the bullet straight through my brain
I know I'll die for ya baby
But you won't do the same"
  Si Rodz naman ay inienjoy ang pagvidio sa  dalaga sa mga oras na iyon. Parang sanay na ito magperform sa harap ng mga tao pero alam nyang kabado ito.
   Palakpakan ang mga kababayan nila na naroon. May sumisigaw na more more pa daw.
   "Miss thank you very much. Taga san ho kayo? Taga rito lang ba? You know, napakafamiliar ng face nyu. Tama. Sa t.v ko ho kayo nakita.."
Ngumiti lang siya. Tumingin sa mga tao ang vocalist na si Crystal Joyce sabay sinyas ng kamay  at binalik ang atensyon sa kanya.
   "Guys a short interview  lang po ha."
    "Yeah.Naifeature na kasi not only in Arab country but also sa local television yung mga creations ko as a fashion designer and ofcourse  me too. Kaya siguro familiar ako sayo."
   Noon nagpapansin ang nasa tabi nyang guitarist na kumanta  rin kanina ng Wonderful tonight. "Miss single pa po kayo?"
  "Tagarito ako sa Aklan." Pag iiba nya ng sagot  na nagtawanan ang mga tao.
  "Anyway, Miss Rianne thankyou again for comming here tonight at sana bumalik ka ulit dito. Pwede mo ba kaming pagbigyan na makaduet kayo ngayong gabi?"
    "Cge na nga. But before that gusto kong sabihin sa inyo na tangkilikin po natin yung  sariling prudokto natin. Yung fashion show po dito sa atin sa malls at sa ibng bayan ho ay proud po ako at galing yan sa pinaghirapan ng mga taga Rain garments shop. At subukan nyu ho mga kabayan ang Rain boutique na nasa malls.And soon ho ay balak ko hong mag open ng branch malapit lang ho sa palengke"
   " Wow naman po.Big time pala kayo."
   Ilang sandali ay kinakanta na nila ang kantang siya ang pumili. Ang Just Give me a Reason. At mukhang enjoy talaga si Rianne ng gabing yon.
   Bago sila umuwi ni Rodz ay nilapitan siya ni Georgelyn at kinamayan pati ang pakakasalan nito. At pinakilala pa sa kanya.
   "Sige ha mauna na kami. At salamat Gi kasi dumadami yung mga nagpapatahi sa shop at puro mga referral mo."
  "Sus wala yon. Bukas isingit mo ako sa sched  mo ha. Kasi may dadalhin akong kliyente sayo."
    Napangiti siya. Nakahawak ito sa kamay nya. Kailan lang naman sila nito nagkita at nagkakilala. At nasense nya na palakaibigan talaga ito at magaling sa salestalk. Oo nga pala kasi online seller ito at may sariling flowershop na negosyo. At galing sa mayamang pamilya sa lugar nila.
      "Sure naman. Ikaw pa. I will call you then."
       "Okey  babay Rhianne. Ang galing mo palang kumanta. Anyway Ingat sa pagdrive Rodz." Nagbeso beso pa sila. Napangiti nalang siya habang pumapasok siya sa pick up van. Service car yon ng shop nila. Yung motorbike nya ay kinarga na ni Rodz sa likuran. Tanaw nya mula sa loob ng sasakyan ang dalawa Gigi at Cian na magkaakbay na naglalakad. May mga kasama rin ang dalawa.Marahil barkada ng mga ito iyon. Buti pa si Gigi may forever na at ikakasal na nga ito. At kay Rodz nya nalaman ang tungkol sa love story nito. At masaya siya para sa dalawa

Love Has FOUND A Way Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon