Chapter 22

17.7K 639 55
                                    

Dedicated to MyZelo :D

Her rant: "Si Zelo po biased ko .. kse .. ahmm .. cute xDD lively and happy hahaha tska bagay kme charoot xD"

☆彡 ☆ミ ☆彡 ☆ミ ☆彡 ☆ミ ☆彡 ☆ミ ☆彡 ☆ミ

CHAPTER 22

●~* Days 2 & 3 + Clue ●~*

[BAMBI]

DAY 3

Hindi ko alam kung anong oras pa lang, nang biglang may narinig akong sunod-sunod na katok mula sa pinto ng kwarto ko.

Iminulat ko ang mga mata ko. Madilim pa ah! -___- Tiningnan ko ang oras.. 5 AM.

Patuloy pa rin ang pagkatok sa pintuan kaya naman tumayo na ako at binuksan ito.

Bumungad sa akin si Youngjae. Looking fresh and dressed.

San ang punta nito?

"Ano?" hindi matatago ang antok at pagka-irita sa boses ko.

Pero nag-smirk lang sya  ̄ 3 ̄

"Good morning, Bam-babes" he said and followed by a wink.

Nanlaki agad ang mga mata ko at oo, gising na gising na ako.

Woah, woah, woah. Bam-babes?!

Nakangiti lang sya sakin habang ako ay nakangangang nakatingin sa kanya.

But then, he starts laughing.

"Got you there, didn't I? Gising ka na? Haha. Mag-ayos ka na, I'll bring you to somewhere," iniharap nya ako pabalik sa kwarto ko at bumulong, "Bam-babes."

Babysitting 6 AliensTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon