Ako si Emerson Marquez. Isang mag-aaral ng Sta. Barbara University. Marami na akong nagustuhang mga babae, lahat busted. Pero dumating ang araw, may nakilala akong isang babae na pinakaminahal ko ng sobra, si Mhia dela Cruz, isang maganda at matalinong babae. Nakilala ko lang siya sa text pero naging very close friends kami. Halos mag-ubusan na kami ng load para lang makausap ang isa't isa. Nagsimula 'yan dito. Isang araw, nakatambay kami, walang magawa. Nakita ng isa kong kaibigan, si Jeff, na wala akong katext. Naisipan niya na i-plug ako para magkaroon naman ako ng kausap. Ilang minuto lang, biglang nagdatingan ang mga text! May mga nag-hi, nangamusta, at marami pang iba. Sumakto naman na malapit na ako mawalan ng battery. Kaya hindi ko na sila nakausap lahat. Kinaumagahan, marami pa ding nagtetext, tapos biglang may nag-GM. Tinanong ko ang pangalaan niya, ang sabi niya, "Mhia dela Cruz po :) ". At dito na nagsimula ang pag-uusap naming dalawa.
BINABASA MO ANG
Love @ First Text
RandomThis story is based on a boy's journey to the heart of a girl he met on a text.