Nag-umpisa na yung pamamhayag, lumabas na ang mga artista, nag-pray na tapos nagpatuloy na. Biglang nagtext yung kaibigan namin, si Lady. Sinabi niya sunduin daw siya sa first aid center, kaya sinundo namin siya. Pagdating namin, nakita namin na may kasama siyang isa pang babae, si Mariz. Pinakilala niya kami sa kanya at nagpakilala naman kami sa kanya. Hinanap nila si Mhia kung nasaan, sabi ko nasa dulo. Malayo daw kaya sa amin na lang siya nagpunta. Pagkatapos ng pamamahayag, hinanap namin si Mhia. Tapos bigla siyang nagtext. Sabi "Sorry ah, pero pauwi na kami." Nalungkot ako nung araw na iyon kaya umuwi na lang ako. Pagdating namin sa bahay, nagtext ako kay Mhia, tapos nakita ko hindi nag-send. Sinubukan ko ulit kasi baka nagloloko lang. Inulit ko ng inulit pero 'di parin nag-send. Ayos din dalawang malas sa isang araw! Nung wala na akong magawa, itinulog ko na lang.
BINABASA MO ANG
Love @ First Text
RandomThis story is based on a boy's journey to the heart of a girl he met on a text.