Binabati ko na siya ng lagay kong ito. Lagi akong nagtetext ng Good Morning, Good Afternoon, tsaka Goodnight na may kasamang kiss :*. Kinaumagahan, naisipan ko na maglakas ng loob na sabihing "Mahal mo ba ako?" So, tinanong ko na siya. Sinabi niya, "Baby naman e. Mahal naman kita e. Kaso bilang kaibigan ko palang :) Diba pumayag ka na bestfriend muna tayo?" 'Di naman ako nagulat sa sagot niya kasi pinag-usapan na namin 'to dati pa. Sinabi ko, "Ou nga. Pero pwede pba maging more than friends?" Sabi niya sa tamang panahon. Sure ba siya dun? Nagreply siya, " Opo. Malay mo nga pag kadiwa na tayo may makita ka pang iba e, Diba? :) " Pero binanatan ko siya, sinabi ko " 'Di na ako lilingon sa iba baby :) Ilaw lang talaga :"> " Edi kinilig naman siya doon! Nakita ko nag-GM siya, nakita ko nakalagay yung sinabi ko sa kanya! Edi tuwang tuwa naman ako doon! Nung araw na iyon, nameet ko ng panandalian ang kaibigan niya, si Katrina. Yang si Katrina, matanong, sobra! Marami din siyang natanong sa akin, tulad ng 10 reasons kung bakit mahal ko si Mhia, yung grades ko, record sa guidance, saka kung may bisyo ako. Tinuloy namin ang pagtetext namin, hanggang mawalan na soya ng tanong. Bumalik ulit ako kay Mhia, tapos sinabi ko na dadalhin ko na siya sa parents ko, para malaman na nila ang pagloload ko araw-araw.Natatakot daw siya saka nahihiya, kasi baka kung ano ang itanong sa kanya. Sabi ko, "Ako bahala sa'yo baby :) " pero ayaw pa din. Kinulit ko ng kinulit pero ayaw pa din niya, kaya tumigil na ako.
BINABASA MO ANG
Love @ First Text
RandomThis story is based on a boy's journey to the heart of a girl he met on a text.