Lumipas ang mga araw, dumating na ang aming pinakahihintay, ang pinakamalaking event sa aming lugar. Ang daming nagpunta nung araw na iyon, pero salamat sa tulong ng kaibigan ko, si Cedrick, nahanap ko siya. Text ako ng text kay Mhia nung araw na iyon, tinatanong ko kung nasaan siya. Tapos nun, nilapitan ko siya, bumili ako ulit ng Mogu-Mogu, kasi nga yun lang ang nahanap kong pwedeng iregalo sa kanya. Nung binigay ko sa kanya, may nakakita, yung pinsan niya tsaka yung isa kong katext, si Charie. Biglang nagtext sa akin si Charie, " Ang sweet mo naman kanina kay Mhia! Bihira lang mag- effort ng ganyan ang mga lalaki ngayon." Medyo kinilig ako ng sobra nun kasi sobrang gumanda siya! Nakaupo pa siya nung binigay ko sa kanya yun. Nung araw na iyon, balik kami ng balik ni Cedrick kasama si Jeff sa puwesto nila Mhia saka ng pinsan niya, si Shiara tsaka Monica.
BINABASA MO ANG
Love @ First Text
De TodoThis story is based on a boy's journey to the heart of a girl he met on a text.