Nagdaan ang mga araw, nagkaroon kami ng practice sa CLSU, at doon, sa wakas, nakita ko din siya sa personal. Naghanda ako ng ibibigay sa kanya, bumili ako ng Mogu-Mogu, tapos pagkain namin magbabarkada. Ayon, nalapitan ko siya at naibigay ko na ang regalo ko sa kanya. Ang cute niya talaga, mahiyain, tapos medyo sutil! Paano ko nasabi kamo? Nabalitaan ko sa kaibigan niya, si Joyce, na hinihila daw siya ni Mhia! Tawa ako ng tawa nun! Nung sinabi ko naman kay Maria yung ginagawa niya kay Joyce, inaway naman niya! Haha makulit talaga si Mhia! Dumating na kami sa bahay namin tapos humarap ulit kami sa mga cellphone namin, nag-usap magdamag tapos natulog. Wala naman ako masyadong gingawa sa bahay kaya kinakausap ko lang siya magdamag.
BINABASA MO ANG
Love @ First Text
AléatoireThis story is based on a boy's journey to the heart of a girl he met on a text.