Makalipas ang dalawang araw, naisipan ko na "mag-date" kami kasama yung mga friends niya, pati na din yung mga friends ko. Naisip ko yun kasi wala naman kaming pasok nun kaya manlibre na lang ako. Pinagplanuhan namin simula ng Monday, tapos sa Friday ang meetup namin. Sabi ko ililibre ko silang tatlong magkakaibigan, pumayag yung dalawa, pero nagpapasimple pa si Mhia. Sabi niya bibili lang daw siya ng bond paper kasama si Shiara, pero etong si Shiara, gustong gusto niya! Kaya magkikita-kita kami ngayong Friday sa meeting place namin. Kinabukasan, dumating na ang araw. Naghanda na ako, humingi ng pera, nagbihis ng maayos, tapos umalis na ako. Una akong nagpunta sa mall. Nagkita kami doon ng kaibigan ko, si Joseph. Kumain kami, nag-basketball, tapos umalis na kami. Nag-alas dose na, ito na ang moment. Nakasalubong namin sila sa kalsada, sila Monique, Shiara, Joyce, saka si Mhia. Pumasok na kami sa restaurant, umorder ng pagkain, tapos umupo na kami. Habang kumakain, tinitignan ko si Mhia, 'di pa ginagalaw yung pagkain niya. Pinangunahan na ni Shiara, kaya sumunod na kami. Tapos dumating na si Cedrick, kasama ang kaibigan niya. Nagpunta lang sila saglit tapos umalis na agad. Bigla nilang naisipan na pagtripan kami ni Mhia. Iniwanan kaming dalawa, tapos nag-usap kami saglit. Pilit siyang lumalabas pero 'di ko pinapaalis. Nang gusto na naming umalis, hinawakan ko yung braso niya, sabay tayo. Nagpunta ba siya ng cr kasama ang mga kaibigan niya, habang kami, naghihintay sa labas ng CR. Lumabas na sila, tapos umalis na kami sa restaurant. Naglakad kami papunta kila Jeff para ibigay ang binili ni Shiara para sa kanya. Habang naglalakad kami, kinakausap ko si Mhia. Habang sila nauuna na, kami, nag-uusap lang. Nang makarating kila Jeff, binigay na namin ang dapat ibigay, tapos sumama na siya sa amin. Pumasok na sila Mhia, nag-goodbye na ako, tapos nagpunta naman kaming tatlo sa mall. Nainip kami, kaya dumiretso na lang kami sa bahay nila Jeff.
BINABASA MO ANG
Love @ First Text
De TodoThis story is based on a boy's journey to the heart of a girl he met on a text.