Base sa nangyari kagabi, masasabi kong ang paglipat dito ay isang hindi magandang desisyon.
Kabago-bago namin dito nakatuklas na agad ako ng live porn. Peste. Hindi pa din yun mawala-wala sa utak at memorya ko. Kailangan ko yatang magpa-basbas para mabalik ang kainosentehan ko.
Hindi na nahiya. Mga bwisit!
Hindi ako masiyadong nakatulog kagabi kaya kahit kagigising ko lang sunod-sunod na bumubuka ang bibig ko dahil sa hikab dala ng antok.
Bwiset na fckboy.
“Gising na pala ang anak ko!” Boses ni Mama ang sumalubong sa akin pagkababa na pagkababa ko.
“Hindi nga obvious.” Yamot na sagot ko at akmang pupunta sa kusina nang tumakbo siya papalapit sa akin at bigla nalang akong hinatak papuntang main door.
“Anak, hali ka dali!”
“Ma, paghilamusin mo muna nga ako.” Reklamo ko at pumalag. Pero dahil kagigising ko palang, wala pa akong lakas na makawala sa kaniya.
Hanggang sa makarating kami sa labas ay nakasimangot ang mukha ko. Nahikab pa ako ng isang beses bago takpan ang mga mata ko dahil sa liwanag na sumalubong sa akin.
“Mare, ang nag-iisa ko nga palang anak na tanging nagmana sa kagandahan ko, si Stacey.”
Ilang beses muna akong kumurap para ma-adjust ang paningin ko. Ilang segundo lang ay nakakakita na din ako ng maayos at nanlaki agad ang mga mata ko nang may humawak sa buhok ko.
“Ganda ng anak mo, mars! Kahit bagong gising hala, akala mo diyosa!” Sabi ng isang di pamilyar na tinig.
“Aba siyempre, sa ganda ba naman ng nanay.”
Nilingon ko kung sino yon, isang babaeng kaedad lang yata ni Mama. Maganda at halata mong habulin noong araw nila. Mabilis akong yumuko bilang paggalang saka ngumiti sa kaniya.
“Hello po.”
“Ay hello, ako si Ginger. Tita Ginger nalang ang itawag mo sa akin, kapit bahay niyo ako, diyan lang ako sa katabi niyong bahay.” Ngiting-ngiti niyang sabi habang nakatitig sa mukha ko.
Nag-bow ulit ako. “I'm Stacey po, nice to meet you.” Mas lumawak ang ngiti niya at nag-bow din ng bahagya.
“Mom, ano ba yun? Late na— ohh...” Nabaling ang tingin ko sa bagong dating na lalaki at parehong nanlaki ang mga mata namin nang makita ang isa't-isa.
Mabilis na nag-init ang buong mukha ko nang maalala yung nasaksihan ko sa bintana nila kagabi.
Nakagat ko ang loob ng pisngi ko nang ngumisi siya sa akin saka tignan ako mula ulo hanggang paa. Sa ngisi niya palang alam kong manyak na ang isang to, letse, naka-short at sando lang ako!
“Ay! Ang gwapo!”
“Naku, wag mo siyang pupurihin ng ganyan dahil lalaki lalo ang ulo nitong sutil na to. Si Sunghoon, bunso sa dalawang anak ko.” Pakilala ni tita Ginger sa kaniya. So Sunghoon ang pangalan ng manyak na to.
Inalis nita din sa wakas ang tingin niya sa katawan ko at nag-bow kay Mama. “Hello po, nice to meet you.”
“Hijo, napaka-gwapo mo naman. Ako si Lily, tita Lily nalang ang itawag mo saken. At ito ang anak ko,” Hinawakan niya ako sa balikat saka tinabi sa kaniya. Hilaw naman ako na ngumiti. “si Stacey. Maganda siya di ba?” Napairap ako.
Narinig ko ang mahinang pagtawa nung Sunghoon. “Mas maganda kayo tita. Nice to meet you po.” Bola niya saka ngumiti pa kay Mama.
Ito namang si Mama kung kiligin akala mo highschool student. Anong nakakakilig don? “Naku, maliit na bagay.” Muli ay umirap ako.
“Stacey, mag-hi ka naman.” Nagulat ako nang sikuhin ako ni Mama.
“Ma...” Madiin na bulong ko pero pinanlakihan niya ako ng mata saka ngumiti kay tita Ginger tsaka dun kay Sunghoon na nakatingin na naman sakin.
Wala na akong nagawa, bumuntong hininga nalang ako bago tignan si Sunghoon. “Hi.” Matabang na sambit ko.
“Wala man lang nice to meet you?” Hirit niya pa na mas lalong nagpa-inis sakin.
Kung makaakto ang isang to akala mo hindi ko sila nahuli kagabi. Hindi man lang siya nahihiya sakin dahil nakita ko sila o natakot man lang dahil baka isumbong ko sila. Lakas ng loob. Alam kaya ni tita Ginger yung kababalaghan na ginawa ng anak niya sa kwarto niya kagabi?
“Not so nice to meet you.” Sinamaan ko siya ng tingin pero sinuklian niya lang ako ng nakakaasar na ngiti.
“Nice to meet you too, angel.” Aniya saka biglang kinuha ang kamay ko para sa shakehands, mabilis ko ding binawi yun.
Angel my foot.
“Naku Sunghoon, wag mo ng subukang galawin itong si Stacey. Mukhang matinong babae yan ha.” Ani ni tita Ginger saka biglang kinurot si Sunghoon sa tagiliran.
“Sus, mars, okay lang yan. Wala pa namang boyfriend tong anak ko, malay mo mabingwit siya ni Sunghoon di ba.” Sabat ni Mama na ikinatawa ni Sunghoon tsaka tita Lily.
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabing yon ni Mama. “Mama!”
“Bakit?” Patay malisya niyang sagot. “Para naman magkaroon ka na ng boyfriend! Aba, hanggang ngayon ggss ka pa din, wala ka pang pinapakilala sa akin kahit isang lalaki. Oh, edi kapag kayong dalawa ni Sunghoon ang nagkatuluyan, nakakasigurado na akong magiging maganda at gwapo ang apo ko! Maganda ang combination of genes.”
Mabilis na nag-init ang pisngi ko sa kahihiyang sinabi ni Mama. Wala talagang filter ang bunganga niya minsan.
“May point ka, mars! Para na din matapos na sa pambababae itong anak ko at pwede na din tayong in-laws! Good idea yan.” Dagdag ni tita na mas lalong nagpa-pula sa akin.
Kayong dalawa nalang kaya ang mag-asawa?
Nadako ang tingin ko kay Sunghoon para tignan kung nahihiya din ba siya pero mukhang natutuwa pa siya sa sitwasyon. Mabilis akong nag-iwas ng tingin nang tignan niya din ako.
“Malabo yata ang gusto niyo, Mom tsaka tita. Mukhang hindi naman ako ang type ni Stacey.” Rinig kong sabi ni Sunghoon at kita ko sa gilid ng mga mata kong nakangisi na naman siya sakin.
Pakyu ka talaga one hundred times.
“Ganon?” Bumagsak ang balikat ni tita at ngumiwi ako nang makitang ngumuso siya bago ako tignan. “Ano bang gusto mo sa lalaki, hija?”
Tinignan ko ng diretso si Sunghoon sa mga mata at sinamaan siya ng tingin pero tinaasan niya lang ako ng kilay na parang natutuwa pa siya sakin.
“Yung hindi po sana fckboy.”
BINABASA MO ANG
𝙉𝙖𝙪𝙜𝙝𝙩𝙮 ll 𝙋𝙖𝙧𝙠 𝙎𝙪𝙣𝙜𝙝𝙤𝙤𝙣 ✔️
Fanfiction"𝑩𝒆 𝒕𝒉𝒆 𝒐𝒏𝒆 𝒘𝒉𝒐'𝒔 𝒇𝒖𝒄𝒌𝒊𝒏𝒈 𝒐𝒓 𝒃𝒆 𝒕𝒉𝒆 𝒐𝒏𝒆 𝒘𝒉𝒐'𝒔 𝒃𝒆𝒊𝒏𝒈 𝒇𝒖𝒄𝒌𝒆𝒅?" "𝑩𝒆 𝒕𝒉𝒆 𝒐𝒏𝒆--𝒘𝒉𝒂𝒕 𝒕𝒉𝒆 𝒉𝒆𝒍𝒍 𝒂𝒓𝒆 𝒚𝒐𝒖 𝒂𝒔𝒌𝒊𝒏𝒈 𝒎𝒆?!" 𝙚𝙣𝙝𝙮𝙥𝙚𝙣 𝙨𝙚𝙧𝙞𝙚𝙨 1 -𝙥𝙖𝙧𝙠 𝙨𝙪𝙣𝙜𝙝𝙤𝙤𝙣