“Ano bang trip mo?! Magha-hating gabi na!” Bungad ko sa kaniya nang makalabas ako ng bahay. Hinampas ko siya ng diretso sa braso, napaungot naman siya.
“Masakit ah, bigat ng kamay mo.” Reklamo niya. “I just want to talk to someone. Since I couldn't tell it to Mom and my brother, sayo nalang. Ikaw lang naman ang close ko dito.”
My right brow arched. “Nagkaka-problema din pala ang mga taong katulad mo bukod sa pagkakaroon ng aids at kapag nakabuntis. Tsaka di tayo close, feeling ka.” Sarkastikong sabi ko.
“Of course, tao din ako no. Napakasama mo sakin.”
“Saan ba tayo pupunta? Hindi tayo pwede dito sa tapat ng bahay baka magising si Mama.”
“Sa kwarto ko nalang, pwede?” Aniya na may kakaibang ngisi sa labi.
Hinampas ko ulit siya sa braso. “Hindi ako naniniwalang kakausapin mo lang ako sa kwarto mo. Tara na, ikutin nalang natin yung buong village.”
Nauna na akong maglakad, maya-maya naramdaman ko na siya sa tabi ko. Mabuti nalang naka-pajama din ako ngayon at hindi nakasando dahil malamang lalamigin ako at mamanyakin ng tukmol na to.
Sabi niya may problema siya. Ano naman kaya yun? Yun ba ang dahilan kung bakit tahimik siya kanina? Kung bakit wala siya sa mood?
“Yung lamig ngayong gabi na to, ganong lamig ang nararamdaman ko sa Canada araw-araw nung nandon ako.” Pagsasalita niyang bigla.
Tinignan ko siya at seryoso na naman siya, nawala na naman ang mapaglarong awra niya.
“Ano ba talagang ginawa mo sa Canada? Why did you suddenly disappeared for two months?” Now that he mentioned about his suddenly dissapearance when he went to Canada, I asked him.
“Did you ever wonder if I have a father or not?” Tanong niya. Natigilan naman ako.
Right. Simula noong makilala ko sila ni tita Ginger, kahit isang beses hindi ako nakarinig na pinaguusapan nila ang Daddy ni Sunghoon. Hindi din naman ako nagtanong dahil ngayong ko lang napansin.
“I guess so.” Sabi niya sa sarili niya. “His name is Park Suho. He's the CEO of Park's Group of Companies. Hella rich and famous.”
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat pero pinili ko nalang manahimik at hindi magsalita.
“Mom and Dad is divorced because Dad had a family before us. I accepted that immediately since we were second and we could do nothing about it. Mas may karapatan ang nauna. Although may karapatan din naman kami, but Mom told us to give up already, besides, si Dad na din mismo ang nang-iwan. But even so, he still supported us. Hindi niya pa din naman kami pinapabayaan. Sapat na samin yun.”
“The reason I went to Canada was because of him. He told me while he was in another country, I will manage a branch of the company in Canada and that I would be trained. The truth is, Kuya should've be the one for that position but he chose me since he knew my brother would never listen and obey him. Masiyadong malaki ang galit sa kaniya ni Kuya at masamang-masama din ang loob niya. ”
“It is also a favor for me because I've been wanting to be a fcking businessman for a long time and I thought, this is the beginning. And so, I flew to Canada to obey his freaking orders. I did everything he wanted in two months, even against my will. I just thought that was part of my training. After two months, he sent me home. I was very happy when he smiled at me and told me that I did a great job.” Ngumiti siya nang bahagya pagkatapos sabihin yun pero agad ding nawala nang magsalita siya.
“He called me before the plane landed here telling me there was a possibility that he might bequeath to me his whole company since I knew how manage and I had a good performance in Canada. I was really happy of course. I thought, at last my hardwork finally paid off. Mahirap kaya ang course na business management sa college.” He joked. Sumimangot ako saka hinampas siya sa braso.
“But that happiness quickly disappeared when Jay suddenly appeared in the university and talked to me. If you are wondering who he is, he is Dad's biological son and he also wants to manage Dad's company. And... he's an ass. Sabi ni Jay sakin wag na daw ako umasang may ipapamana sakin si Dad kahit isang sentimo. I didn't believe at first and I told him I would not give up. But what made me feel fcking worse was when Dad himself called and said he was taking back everything.”
“Naisip ko, bakit pa ako ang tinawag niya para pamahalaan ang branch ng PGC sa Canada kung nandon naman ang anak niya. Then I realized, pinaglalaruan niya lang pala ako. Ako ang pinatawag niya dahil nasa bakasyon ang tunay niyang anak. Paano ko nalaman, Jay told me. Sa loob ng dalawang buwan, imbis na nagpapakasarap ako sa mga babae ko nandon ako sa Canada at nagmumukhang bobo sa pagpapaikot nila.”
Mukhang doon na natapos ang paglalabas niya ng sama ng loob dahil hindi na yun nasundan pa. Kita kong stress siya sa nangyari sa kaniya at malungkot din. Kung ako naman din ang nasa posisyon niya baka hindi ko alam kung ano ang magagawa ko.
Ngayon malinaw na sakin kung bakit ganon ang ekspresyon niya nang makita si Jay kanina.
Naisip ko din na parang pareho lang kami ng sitwasyon ng pamilya. Parehong nagloko ang tatay namin sa pamilya kaya kahit papaano naiintindihan ko siya.
Ang sakit siguro para sa kaniya ang mapaasa sa pangarap niya.
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Hindi ako magaling sa pagpapalubag ng loob. Nandon lang kami at tahimik na naglalakad hanggang sa makauwi kami sa amin.
Humarap ako sa kaniya at nakita ko siyang may ngiti na ulit sa labi pero hindi yun umabot hanggang sa mata.
“Sunghoon, I don't really know what to say but just continue to work hard to achieve your dreams yourself. Because no one in this world will help you except yourself. Tita Geneva must be so proud of what you did.” Nasabi ko bigla. Napawi naman ang ngiti niya at nagulat nalang ako nang tawidin niya ang space sa pagitan namin saka niyakap ako.
Nabigla ako pero niyakap ko din siya pabalik. Naisip ko na kailangan niya yun ngayon kaya ginawa ko nalang.
Ramdam na ramdam ko ang init ng katawan niya lalo na ngayong magkadikit kami. Katulad ko ay mabilis din ang tibok ng puso niya na ang sarap sa pakiramdam.
“Thanks for accompanying me.” Aniya saka mas lalo pang sumiksik sa leeg ko. Tumango nalang ako at hindi nagsalita. “And Stacey?”
“Oh?”
“I can feel your boobs, what's the size of 'em?”
Mabilis ko siyang tinulak pahiwalay sa akin nang sabihin niya yun. Sinamaan ko siya ng tingin pero sinuklian niya ako ng mapang-asar na ngisi. Lintik to, ang seryoso ng atmosphere tapos magsasabi ng ganong bagay.
“Bwiset ka talaga.” Sabi ko saka inirapan muna siya bago tumalikod at maglakad papasok.
“Goodnight, my love!”
“Tse!” Sabi ko bago isarado ang pinto. Napasandal ako sa likod non at napahawak sa parehong pisngi kong nag-iinit ngayon.
Unti-unti, naramdaman ko ang pagpaskil ng ngiti sa aking labi.
BINABASA MO ANG
𝙉𝙖𝙪𝙜𝙝𝙩𝙮 ll 𝙋𝙖𝙧𝙠 𝙎𝙪𝙣𝙜𝙝𝙤𝙤𝙣 ✔️
Hayran Kurgu"𝑩𝒆 𝒕𝒉𝒆 𝒐𝒏𝒆 𝒘𝒉𝒐'𝒔 𝒇𝒖𝒄𝒌𝒊𝒏𝒈 𝒐𝒓 𝒃𝒆 𝒕𝒉𝒆 𝒐𝒏𝒆 𝒘𝒉𝒐'𝒔 𝒃𝒆𝒊𝒏𝒈 𝒇𝒖𝒄𝒌𝒆𝒅?" "𝑩𝒆 𝒕𝒉𝒆 𝒐𝒏𝒆--𝒘𝒉𝒂𝒕 𝒕𝒉𝒆 𝒉𝒆𝒍𝒍 𝒂𝒓𝒆 𝒚𝒐𝒖 𝒂𝒔𝒌𝒊𝒏𝒈 𝒎𝒆?!" 𝙚𝙣𝙝𝙮𝙥𝙚𝙣 𝙨𝙚𝙧𝙞𝙚𝙨 1 -𝙥𝙖𝙧𝙠 𝙨𝙪𝙣𝙜𝙝𝙤𝙤𝙣