Hindi na ako nagsayang pa ng oras at agad na pinuntahan ang nasabing lugar na nakasulat sa papel na binigay sa akin ni tita. Pinagamit niya din sa akin ang kotse ni Sunghoon na hindi niya daw nagamit dahil kotse daw ni ate Vienn ang ginamit nila kanina papuntang bar.
Nang makarating ako sa lugar, pinark ko nalang ang kotse sa kung saan at nilibot ng tingin ang paligid. Nasa tapat ko ang isang maliit na building at may nakalagay sa taas na Ice Zone.
Nagtataka man kung bakit nandito si Sunghoon ay pumasok pa din ako dahil may nakikita akong ilaw at hindi din naka-lock ang glass door.
Dire-diretso akong pumasok at napahinto nang makita si Jake sa hallway. Nakangiti siya habang nakatingin sa akin.
"What are you doing here?" Takang tanong ko.
Hindi niya ako sinagot at basta nalang lumapit saka binigay sa akin ang makapal na jacket na hawak niya. Nagsalubong ang kilay ko bago tanggapin yun.
"Suotin mo yan dahil malamig sa loob." Aniya saka mwinsetro ako papasok sa isang daan na naman. Hindi ko nalang siya pinansin at naglakad na.
Bago pa ako lumiko sa isa pang hallway ay may nakakita na akong isang pamilyar na lalaki. Alam ko, isa siya doon sa mga lalaking kasama ni Sunghoon sa picture frame na nasa kwarto niya. Nakasuot ito ng bonet at kita ko din ang silver long cross earing niya sa kanang tenga.
"Sunghoon told me to give this to you." Inabot niya sa akin ang isang box ng Dairymilk chocolate. Tinanggap ko yun at binasa ang not na nakalagay.
Remember when we did a q & a? You told me that you like Dairymilk so here it is ;)
Your future,
Sunghoon
Hindi ko napigilan ang pagngiti sa simpleng note na yon. Q&A? Ibig sabihin bibigyan niya din ako pork since I told him that I like pork more that chicken? Baliw talaga."Heeseung by the way. Go this way." Aniya saka tinuro sa akin yung daan.
Hanggang sa kada-liko ko sa mga hallway ay may nakikita akong mga gwapong lalaking nakaabang sa akin at may binibigay sa akin na kung anu-ano. Sa naalala ko, sila si Sunoo, Jungwon, at Niki. Sila ang iba pang kaibigan ni Sunghoon at binigyan nila ako ng prutas, at tama nga ako dahil binigyan talaga ako ng pork slices pati na ng kisses na chocolates.
Corny, pero minsan lang naman pagbigyan na. Hindi naman kasi yata marunong yon manligaw. Hays, Park Sunghoon, matututo ka din.
Nang marating ko na yata ang huling hallway, nakita ko na doon si ate Vienn na kurot-kurot sa tenga si Jimin na normal na ngayon. Nang makita niya ako ay binitawan na niya ang lalaki.
"Glad you came. Tama ang desisyon mo and you will be officially part of the marupok squad now. Wag ka ngang magalaw!" Natawa nalang ako sa kanilang dalawa bago ko sila lampasan at binuksan ang tinted na glass door.
Sumalubong sa akin ang malamig na hangin pagkabukas na pagkabukas ko. Mabilis kong sinuot ang jacket na binigay sa akin ni Heeseung kanina bago libutin ng tingin ng paligid. Pansin ko ang malaking ice rink na nasa gitna. At otomatikong bumilis ang tibok ng puso ko nang makilala ang taong nasa gitna non.
Mabilis na naging emosyonal ako nang makita ang mga mata niya. Kita ko pa ang pamumula ng labi niya dahil sa sugat gawa ng sapak ni Jimin sa kaniya kanina.
Pansin ko ang pamilyar na suot niya. Kulay puting long sleeves top at tight jeans. Yun ang suot niya sa picture frame na nasa kwarto niya. Ngayon ko lang din napansin na nakasuot siya ng skating shoes.
"Don't tell me..." Nabulong ko. Biglang gumalaw si Sunghoon at inangat ang kamay sa uluhan para takpan ang mukha.
Naglakad ako papalapit sa sa rink pero matapos ang limang hakbang ay natigil ako sa paglalakad na may biglang tumugtog na music: You are the reason, violin version. ( Iconic ) ( I'll put the lyrics though it's a violin version to give you all a guide and be easy for y'all to imagine :) )
BINABASA MO ANG
𝙉𝙖𝙪𝙜𝙝𝙩𝙮 ll 𝙋𝙖𝙧𝙠 𝙎𝙪𝙣𝙜𝙝𝙤𝙤𝙣 ✔️
Fanfiction"𝑩𝒆 𝒕𝒉𝒆 𝒐𝒏𝒆 𝒘𝒉𝒐'𝒔 𝒇𝒖𝒄𝒌𝒊𝒏𝒈 𝒐𝒓 𝒃𝒆 𝒕𝒉𝒆 𝒐𝒏𝒆 𝒘𝒉𝒐'𝒔 𝒃𝒆𝒊𝒏𝒈 𝒇𝒖𝒄𝒌𝒆𝒅?" "𝑩𝒆 𝒕𝒉𝒆 𝒐𝒏𝒆--𝒘𝒉𝒂𝒕 𝒕𝒉𝒆 𝒉𝒆𝒍𝒍 𝒂𝒓𝒆 𝒚𝒐𝒖 𝒂𝒔𝒌𝒊𝒏𝒈 𝒎𝒆?!" 𝙚𝙣𝙝𝙮𝙥𝙚𝙣 𝙨𝙚𝙧𝙞𝙚𝙨 1 -𝙥𝙖𝙧𝙠 𝙨𝙪𝙣𝙜𝙝𝙤𝙤𝙣