“Stacey, magdala ka ng payong, uulan daw mamaya.” Paalala ni habang nanonood ng balita sa tv.
“Okay.” Sagot ko naman saka ininom na ang tubig bago tumayo.
“May natira pa ba sa allowance mo?”
“Opo, hindi naman ako masiyadong gumagastos.” Sinuot ko na ang bag ko saka tinignan ang sarili sa salamin sa huling beses.
“Sabihin mo sakin kapag paubos na para mabigyan kita. Swerte talaga ako dahil malaki ang sahod ng pinapasukan ko kundi, naku, patay talaga tayo.”
“Ma, kahit maliit yang sahod mo kaya mong utuin yang boss mo para lakihan. Ikaw pa.” Biro ko saka lumapit na sa kaniya para halikan siya sa pisngi. “Aalis na po ako.”
“Hmm, mag-ingat.”
Lumabas na ako ng bahay pero bago yun ay kinuha ko muna ang payong na nalasabit sa likod ng pintuan. Nilagay ko yun sa bulsa ng bag ko bago tuluyang maglakad paalis.
Napahinto ako nang makitang walang sasakyan sa tapat namin. Si Sunghoon lang na nakatayo habang nakatingin sakin na parang hinihintay ako. Naglakad na ako papalapit sa kaniya.
“Nasiraan ba ang kotse mo? Bakit wala?” Tanong ko.
“Nasa univ, iniwan ko kahapon para masundan kita. Sa ngayon, magb-bus muna tayo.” Aniya saka nauna nang maglakad, sumunod naman ako.
“Bakit mo pa kasi ako sinundan? Baka kung anong mangyari sa kotse mo don.”
“Ayos nang kotse ko nalang ang maaksidente kaysa ikaw.” Kinindatan niya pa ako. Sumimangot naman ako agad.
“Ang aga mong lumandi. Bilisan mo na nga, maglalakad pa tayo.” Nilampasan ko na siya at nagpauna.
“Wala ka na naman ba sa mood? Tignan mo nalang mukha ko para sumaya ka.”
“Baka masuka lang ako.”
“Excuse me? Maraming babae sa Pilipinas pati na din sa Canada ang nababaliw sa mukhang to.” Pagmamalaki niya.
“Sabihin na nating oo, pero hindi ako isa sa kanila.” Pagbara ko. Napangisi ako nang makitang siya naman ang sumimangot.
“You're mean.” Parang batang sabi niya.
“I know.”
Sa wakas ay nanahimik na siya. Payapa lang kaming naglalakad hanggang sa biglang bumuhos ang malakas na ulan.
“Fck! Wala akong payong.” Utas niya. Ako naman ay mabilis na kinuha ang payong na dala ko sa bulsa ng bag ko.
Mabilis ko yung binuksan saka pinasilong siya. Natawa ako nang hindi siya magkasaya dahil ang tangkad niya masiyado. Sa huli ay siya din ang naghawak.
“Do you know how to ride a bus?” Tanong niya out of nowhere.
“Of course, anong tingin mo sakin taga-bundok?”
“Just asking. What about riding me?” Agad na nag-init ang mukha ko sa itinanong niya. Mabilis ko siyang kinurot sa tagiliran napaungot naman siya.
“Pasmado talaga yang bibig mo kahit kailan.” Sinamaan ko siya ng tingin saka inirapan.
“Hindi ah, minsan lang naman kapag kasama kita.”
“Manahimik ka na nga lang, pwede?”
“I can't, I'm bored.”
“Edi sumayaw ka kung bored ka. Idadamay mo pako— sht!” Mabilis na nanlaki ang mga mata ko nang salubungin ako nang isang lalaking tumatakabo papunta sa direksyon ko at banggain ako, dahilan para ma-out of balance ako.
Kita kong nagulat din si Sunghoon sa pangyayari at mabilis niya akong hinawakan sa bewang bilang suporta habang ako naman ay napayakap sa leeg niya.
Parehong nanlalaki ang mga mata naming dalawa habang nakatingin sa isa't-isa. Mabuti nalang at walang masiyadong tao ngayon sa dinadaanan namin kundi hiyang-hiya talaga ako.
Napalunok ako sa bigat ng titig na ginagawad niya. Ang lapit-kapit ng mukha namin sa isa't-isa, kaunti nalang ay magdidikit na ang ilong naming dalawa. Kumurap ako ng ilang beses at nang muli ko siyang tignan wala na sa mata ko ang tingin niya, nasa labi ko na.
Wala sa sariling nakagat ko yun at bumaba din ang tingin sa labi niyang natural ng mapula. Sht, what the hell is this feeling?
“Someone is wanting to be kissed.”
Mabilis akong napadilat nang marinig ang boses niya sa tapat ng tenga ko. Nakita kong may ngiting wagi na siya sa labi na halatang inaasar ako.
Mabilis na humiwalay ako sa kaniya at inayos ang sarili pati na ang postura. Lintik, ano yun? Ramdam ko ang pag-akyatan ng dugo sa mukha ko dahil sa kahihiyan.
Naisahan ako. At nagpa-isa din naman ako!
Nakakahiya! Siguro ang iniisip nito ngayon, gusto ko siya. Argh! Bakit ko ba kasi ginawa yun? Bakit ako pumikit?! Iisipin niya talagang gusto kong magpa-halik. Pero ang totoo niyan, gusto ko din naman talaga. At yun ang nakakagalit!
Hindi ko na siya pinansin pa at tumakbo na papuntang bus stop nang makita na ang bus doon, hinahayaang mabasa ako ng ulan.
“Stacey, hoy, umuulan!” Narinig kong sigaw ni Sunghoon at hinabol ako.
Pagkapasok ko sa bus, katulad kagabi ay sa pinakadulo sa tabi ng bintana ulit ako pumwesto. At kagaya din kagabi, tumabi na naman siya sa akin. Umusod ako pasiksik pa sa tabi ng bintana pero umusod din siya. I let out an frustrated sigh at akmang bubulyawan siya nang maramdaman ang ulo niya sa balikat.
“Sunghoon, what the hell are you doing?!” Pabulong kong bulyaw sa kaniya.
“I'm sleepy, I didn't have enough sleep last night.” He said, almost whispered. That explains why he has eyebags.
“That's not my problem anymore.” Sagot ko nalang saka pinasok ang parehong kamay sa bulsa ng suot kong jacket dahil sa lamig. Ang lamig na sa labas dahil sa ulan, pinalamig pa lalo ng aircon ng bus na to.
Hindi ko naman ikamamatay kung hahayaan ko siya. Mabait ako kaya hahayaan ko muna siyang matulog sa balikat ko kahit hiyang-hiya pa din ako sa nangyari kanina. Hindi ko yata makakalimutan yun.
Naramdaman kong may gumapang na kamay papasok sa bulsa ng jacket ko at hinawakan ang kamay ko. Nagsitaasan ang balahibo ko nang makaramdam ng ilang libong boltahe ng kuryente na dumaloy sa katawan ko.
“Sunghoon—” Akmang bibitawan ko ang kamay niya pero mas hinigpitan niya lang yun lalo.
“It's cold.” Aniya saka inayos ang posisyon ng ulo sa balikat ko. Nakikiliti ako sa buhok niya na nasa likod ko. “Just let me do this to you then I will forget what happened earlier.”
Hindi na ako nakapagsalita pa dahil sa sinabi niyang yun. Nakatulog na din siya matapos ang ilang sandali.
Iniwas ko nalang ang tingin sa kaniya at binaling nalang yun sa labas ng bintana. Ang sarap sa pakiramdam ng palad niya sa palad ko. Nagbibigay yun ng kumportableng init sa akin. Sinandal ko ang ulo sa bintana nang maalala ang sinabi niya.
I suddenly don't want to forget what happened.
![](https://img.wattpad.com/cover/244919583-288-k458643.jpg)
BINABASA MO ANG
𝙉𝙖𝙪𝙜𝙝𝙩𝙮 ll 𝙋𝙖𝙧𝙠 𝙎𝙪𝙣𝙜𝙝𝙤𝙤𝙣 ✔️
Fanfic"𝑩𝒆 𝒕𝒉𝒆 𝒐𝒏𝒆 𝒘𝒉𝒐'𝒔 𝒇𝒖𝒄𝒌𝒊𝒏𝒈 𝒐𝒓 𝒃𝒆 𝒕𝒉𝒆 𝒐𝒏𝒆 𝒘𝒉𝒐'𝒔 𝒃𝒆𝒊𝒏𝒈 𝒇𝒖𝒄𝒌𝒆𝒅?" "𝑩𝒆 𝒕𝒉𝒆 𝒐𝒏𝒆--𝒘𝒉𝒂𝒕 𝒕𝒉𝒆 𝒉𝒆𝒍𝒍 𝒂𝒓𝒆 𝒚𝒐𝒖 𝒂𝒔𝒌𝒊𝒏𝒈 𝒎𝒆?!" 𝙚𝙣𝙝𝙮𝙥𝙚𝙣 𝙨𝙚𝙧𝙞𝙚𝙨 1 -𝙥𝙖𝙧𝙠 𝙨𝙪𝙣𝙜𝙝𝙤𝙤𝙣