Ito na yata ang pinaka-nakakairitang umaga na nangyari sa buhay ko.
Pagkatapos ng pag-uusap nila Mama at tita sa labas, akala ko ay uuwi na din sila at papasok na kami sa loob pero ang nangyari ay niyaya pa ni Mama sina tita na dito mag-almusal. Nandito kami sa dining area ngayon, maingay na nag-uusap sina Mama at tita samantalang ako ay tahimik lang na kumakain.
Walang ganang pinagtutusok ko lang ng tinidor yung hotdog na nasa plato ko.
"Give some mercy to the food." Inangat ko ang tingin ko sa lalaking nagsalita sa tapat ko.
"Pake mo? Hotdog mo kaya ang ganituhin ko? Tss." Sabi ko saka inirapan siya. Mabuti nalang hindi kami naririnig nila Mama dahil ang ingay nila pareho ni tita.
Nang-aasar na pinalaki niya ang singit niyang mga mata. "You're too cruel. Maraming babae ang iiyak."
Napasimangot ako sa kayabangan niya. "Kung isumbong kaya kita kay tita?"
Tumaas ang isang kilay niya. "Isumbong? Isumbong ang alin?" Patay-malisya niya saka sumubo ng kanin.
"Wag ka ngang pa-inosente. Yung kagabi, nakita ko yung kababuyan mo."
"Ah, that. You know, you will only waste your saliva if you tell that to Mom. She's already used to me and to what am I doing, that is no longer a big deal for her. Pero kung gusto mo talaga, feel free to do it." Aniya gamit ang tinig na nang-aasar.
Nangngitngitan ang mga ngipin ko sa inis. "Ugh, nakakainis ka. Sana alam mo yun."
Parang balewala lang yung sinabi ko sa kaniya dahil imbis na mainsulto siya ay nginitian niya pa ako. Revealing his white perfect set of teeth, kita ko na may pangil siya na mas nagbibigay pa ng patunay na pwede siyang maging taong-bampira.
Maputlang balat, itim na itim na mga mata, mapulang labi, makapal na kilay, matangos na ilong and the two moles on his face making him more charming and attractive. There's no way I will deny that he's not handsome, baka nga walang maniwala sakin kapag sinabi kong panget siya. At yun ang isa pang nakakapag-painis sakin.
He's almost perfect, but he's a fcking fckboy and...
"Thanks for reminding me that."
Irritating.
"Shut up." Irap ko sa kaniya.
"So hija, saan ka mag-aaral this school year?" Nabaling ang tingin ko kay tita Ginger.
"Uhm, the truth is, I still have no plans pa po yet. Bago palang po kasi kami; ako sa lugar na to and I haven't been able to go around yet. Pero po, baka kung anong malapit dito baka dun nalang din po ako papasok." I said with a smile.
Nagkatinginan sila saglit ni Mama. "Ganon?" I nod. "Well, merong malapit na University dito sa village pero hindi kalidad yung facilities at hindi din maganda yung feedbacks mula sa mga estudyante. I suggest you na doon ka nalang din pumasok sa pinapasukang University ni Sunghoon. The tuition isn't expensive but also not that cheap. I can assure you that your school year will go well there. The only problem is, you need to take bus to get there, medyo malayo."
Napaisip ako sa sinabi niya, mukha namang nagsasabi siya ng totoo at maayos yung University na tinutukoy niya. Pero malayo, ayoko ng masiyadong malayo dahil ayaw ko din ng bumabyahe. Noon sa dati naming tirahan ay nilalakad ko lang yung pinapasukan ko.
"Ano sa tingin mo, anak?" Tanong sa akin ni Mama.
"Hindi ko po alam, Ma. Nagda-dalawang isip po ako."
"Kung yung biyahe lang ang problema mo, wag ka ng mag-alala, pwede ka namang sumabay sa akin." Napalingon kami pareho kay Sunghoon na nagsalita.
Ayoko nga!
Gusto ko sanang sabihin yun kaso ay naunahan na ako ni Mama. "Naku talaga?! Salamat naman, hijo. Makakatipid ako sa pamasahe nitong si Stacey. Kapos na din kasi kami eh."
"You're welcome po tita, pero it's up to Stacey kung gusto niya yung idea ko." Aniya habang nakapangulambabang nakatingin sa akin, nang-aasar na naman.
Sinamaan ko naman siya ng tingin. There's no way na sa kaniya ako sasabay papasok, makita pa nga lang siya sa harap ko naiirita na ako makatabi pa kaya siya sa biyahe. Paniguradong hindi ako magkakaroon ng magandang umaga nito.
"What do you think, Stacey? Kung sa malapit dito na University ka papasok hindi magiging convinient at baka masayang ang tuition mo pero kung doon ka sa sinuggest ni tita Ginger mo baka maging maayos ang school year mo. Yun nga lang malayo pero may offer naman si Sunghoon sayo eh." Sabi ni Mama.
Nag-iwas ako ng tingin. Hindi ko alam kung ano nag pipiliin pero alam ko sa loob-loob ko na mas gusto ko don sa sinuggest ni tita, ang pagsabay lang talaga kay Sunghoon ang pinoproblema ko.
Pero itataas ko pa ba ang pride ko? May tutulong na sa amin ni Mama para makatipid lalo na't nauubos na ang savings namin, hindi na dapat ako maging choosy at dapat ding maging praktikal.
Hindi ko nalang papansinin si Sunghoon sa buong biyahe o kaya ang makipag-kausap sa kaniya para hindi ako mabwiset at itulak siya palabas ng bintana.
Fine.
"D-Doon nalang po ako sa sinuggest ni tita, gusto ko din namang pumasok sa maayos na University ngayong taon."
Nakita ko ang pagngiti ni Mama tsaka tita. "Good choice anak. Wala namang kaso sayo kung makikisabay ka kay Sunghoon, ano?"
Malaking kaso. Malaking malaki.
Bumuntong hininga ako saka umiling. "Wala po, sasabay lang naman pala eh." Tinignan ko si Sunghoon na nakangiti na din ngayon. Nakakaasar talaga yung ngiti niya, may halong insulto eh.
"Good, Stacey. Pwede kang sumabay kay Sunghoon mamaya para bisitahin yung University at para na din makapag-enroll ka na." Si tita.
Nanlaki ang mga maga ko sa gulat. "Mamaya po agad?"
"Yes, hija, last day of enrollment na ngayon. Kung bukas pa baka mas mapalayo ka ng University dahil bawal na."
Napipilitang tumango nalang ako. "Okay po."
"At habang wala kayo, mag-aayos na din ako ng bahay. Mamimili na ako ng appliances at mga gagamitin mo sa school, para ready ka na agad."
Tumango nalang ako at hindi na nag-salita. Umangat ang tingin ko kay Sunghoon nang tumayo siya. "Thanks for the meal, tita, pero maghahanda na po ako. Aalis na po ako ng 10:30 kaya, Stacey, hintayin nalang kita sa labas." Baling niya sakin saka kumindat. Napairap naman ako.
"Okay, hijo. Dito muna ang Mommy mo dahil tutulungan niya ako mamaya hihi." Si Mommy.
"Don't wear something inappropriate later, like what you are wearing right now. See you." Pahabol pa ng manyak bago lumayas.
Wala sa sariling tinignan ko ang suot ko. Pantulog ko lang naman tong short tsaka sando, sa tingin niya ba ganto ang isusuot ko mamaya pagpunta sa University? Anong tingin niya sakin, attention seeker?
BINABASA MO ANG
𝙉𝙖𝙪𝙜𝙝𝙩𝙮 ll 𝙋𝙖𝙧𝙠 𝙎𝙪𝙣𝙜𝙝𝙤𝙤𝙣 ✔️
Fanfic"𝑩𝒆 𝒕𝒉𝒆 𝒐𝒏𝒆 𝒘𝒉𝒐'𝒔 𝒇𝒖𝒄𝒌𝒊𝒏𝒈 𝒐𝒓 𝒃𝒆 𝒕𝒉𝒆 𝒐𝒏𝒆 𝒘𝒉𝒐'𝒔 𝒃𝒆𝒊𝒏𝒈 𝒇𝒖𝒄𝒌𝒆𝒅?" "𝑩𝒆 𝒕𝒉𝒆 𝒐𝒏𝒆--𝒘𝒉𝒂𝒕 𝒕𝒉𝒆 𝒉𝒆𝒍𝒍 𝒂𝒓𝒆 𝒚𝒐𝒖 𝒂𝒔𝒌𝒊𝒏𝒈 𝒎𝒆?!" 𝙚𝙣𝙝𝙮𝙥𝙚𝙣 𝙨𝙚𝙧𝙞𝙚𝙨 1 -𝙥𝙖𝙧𝙠 𝙨𝙪𝙣𝙜𝙝𝙤𝙤𝙣