Nathan's Point of View
Ngayong sabado ako naman ang maagang naggising kesa kay Bryan, kaya naman ako na ang nagprepared ng breakfast namin. Hindi din ako nakatulog ng ayos dahil kay Reign, paniguradong magkikita na naman kami nun.
After kong magluto ay kinuha ko ang cellphone ko para tawagan si Tita Minerva..
Calling....
[Hello Tita?]
[Nathan? Jusko po bata ka! Kamusta ka na bakit ngayon ka lang nagparamdam?.]
[Sorry tita medyo naging busy lang sa school, kamusta po kayo tita?]
[Ayos naman kami nak! Ikaw lang tong inaalala ko, uwi ka na Ian, dito ka nalang mag-aral para mabantayan kita kahit papaano]
[Tita asa kalagitnaan ako ng semester kaya hindi ako pwedeng magtransfer, miss ko nadin kayo Tita, I love you ikaw lang yung pamilya kong nagmahal sa akin]
[Anak? Nathan wag mo sabihin yan! Mahal kadin ng Papa mo, kaya lang masyado siyang nalungkot sa pagkawala ng mama mo]
[Yeah Tita! Ako naman kasi may kasalanan! Sana ako nalang namatay instead of mama diba?]
[Tumigil ka nga sa pagsasalita mo ng ganyan Ian! Kung buhay lang ang mama mo hindi siya matutuwa sa mga sinasabi mo! Hysss, kung hindi ko lang sana naiwala yung kwintas na bigay sayo ng mama mo malalaman mo na mahal na mahal ka niya kahit sanggol ka pa lamang, dapat kasi binigay ko na sayo yun noon pa lamang]
[Hayaan mo na yun tita! Kamusta nga pala si Papa?]
[Ayun nag-aalala kay Reign! At Oo nga pala anak nandyan sa Manila si Reign nagkita na ba kayo?]
[Opo tita kagabi kami nagkita! Alam niyo na ba ang mga ginawa niyang kagaguhan sakin tita? Samin ni Dreilan?]
[Bakit anak? May ginawa na naman ba sayo yang ampon mong kapatid na akala mo kung sinong totoong anak?]
[Tita? Hindi si Drei ang ama ng anak niya! Si Froilan tita... Pinalabas niyang si Drei para magkahiwalay kami at makuha niya yung ex ko]
[Ano?? Totoo ba yan anak? Grabe na ang ginagawang kamalditahan sayo niyan ahh! Sasabihin ko ito sa ama mo Nathan hindi pwedeng ganto! Lumalala ang kademonyohan niyan]
[Kung maniniwala ba si Papa! Eh favorite niya si Reign over me tita! Kaya mas paniniwalaan niyang sinungaling ako kesa kay Reign]
[Hayaan mo anak! Naniniwala ako sayo! At sa oras na umuwi na dito si Reign makakatikim talaga sa akin yang babaeng iyan!!]
[Tita Oo nga pala wag na natin pag-usapan iyan hindi ayun ang pakay ko sayo! Tita? Next month pala meron akong concert sa St. Benedict actually dalawa kami tita, he is also my boyfriend at gusto ko siya ipakilala sayo pero sana tita makapunta ka ng Manila para kahit papaano may inspirasyon ako]
[Talaga anak!!? Napakasaya ko totoo? May concert ka! Anak proud na proud ako sayo kahit kailan, at sigurado ako na kung nasaan man ang mama mo ngayon magiging masaya siya, anak Nathan? Binabati kita at pangako pupunta ako ng Manila para suportahan ka at hindi narin ako makapaghintay na makilala ang boyfriend mo sana lang seryoso siya sayo]
BINABASA MO ANG
Love, The Way You Are: A Rainbow's Love Story
Teen FictionLove has no gender choice, anyone can be love and everyone can love, but let us choose the person that is faithful and love us, the person we don't expect to come into our lives in an instant. A story of Nathan and Bryan, their romance begins at th...