Chapter 39: Quarrel

4 4 0
                                    

3rd Person's Point of View

Kinabukasan....

Nasa hospital ang buong pamilya ni Nathan dahil sa nangyari kagabi na muli na naman siyang nawalan ng malay dahil sa matinding emosyong naramdaman.

"Tell me! Nathan? Anong nangyari kagabi?." sambit ng kanyang ama na si Rodolfo nang maggising si Nathan

"Ahh nothing po Pa'." tugon naman ni Nathan at kita sa mukha niya na may itinatago siya sa kaniyang pamilya

"Anak kita at alam ko kung nagsisinungaling ka o hindi?."

"Its about Bryan na naman ba Ian?." -Reign

"Sinasaktan ka na niya, itigil mo na!." -Drei

"Ano bang nangyari anak? Napagod ka na naman siguro kagabi bago ka umuwi?." tugon ng tita ni Nathan, hindi naman makapag-salita si Nathan

"Bakit hindi ka sumasagot Ian?." -Minerva

"Tita? Papa? Bryan is engaged!" diretsong sambit nito at tumungo pa bago muling nagsalita "Pumunta ako sa venue ng engagement party nila and I tried na pigilan siya but I failed!."

"Nanggulo ka sa party?." -Drei

"Not like that! Hindi ako mahilig sa scandalo, sa parking lot ng Empire ko siya kinausap dahil nagbabaka-sakali akong maalala niya ako!."

"Enough!! Umiiyak ka na naman!! Nangako ka samin diba? Bakit nagkakaganyan ka sa iisang lalaki? Isang buwan lang naging kayo Nathan, tanggapin mo ng wala na siya!!." hindi na napigilan ni Rodolfo na sigawan ang kanyang anak

"Rodolfo huminahon ka!!." -Minerva

"I'm sorry papa!!." at hindi narin napigilan ni Nathan ang umiyak

"Pssshhhh!!! Wag ka ng umiyak!." ani Reign at pinunasan naman nito ang luha ni Nathan

"I'm sorry anak!! Ayoko lang makita kang nahihirapan!." -Rodolfo

"Ipaubaya mo na siya kung kanino man siya ikakasal Ian, dahil kung hindi? Ikaw lang ang mapapahamak!." tugon ni Drei habang si Mark ay hindi umimik bagkus ay bigla nalang siyang lumabas ng kwarto kung saan nadun si Nathan

"Hindi ako papayag na gagaguhin ka ng lalaking yun humanda siya!" sambit ni Mark habang naglalakad at tila pupunta ito sa kinaroroonan ni Bryan upang konfrontahin

Pagkalabas niya sa hospital, nagtungo siya sa parking upang kunin ang kanyang sasakyan. Pagkatapos ay nagtungo na siya sa loob at sinimulan ng paandarin.

Empire Real Estate parking lot.....

"Nasaan ang boss niyo?." sambit ni Mark sa guard nang makarating siya sa entrance ng Empire

"May appointment po ba kayo sa kanya?."

"I don't care basta tawagin mo ang boss mo?." pasigaw nitong sambit ng guard

"Anong kailangan mo sa akin?." sambit ni Bryan na nasa likuran pala ni Mark na lumingon sa kinaroroonan niya

"Halika dito!!." agad na hinila ni Mark ang kwelyo ni Bryan palayo ng entrance, susunod naman sana ang guard nang pigilan ito ni Bryan.

Love, The Way You Are: A Rainbow's Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon