Chapter 24: Broken Promise

4 3 0
                                    

Bryan's Point of View

Wala si Ian sa tatlong subject na dapat ay nandun siya, hindi ko alam kung san yun nagpunta kaya nag-aalala na ako sa kanya

"Ano nakita mo na ba? Baka naman nasa clinic? Baka may nangyaring masama sa kanya!." -Ashner

"Nagpunta na ako ng clinic at wala dun si Ian!."

"Tinawag nga di ba ng dean kanina so baka nasa office pa!." -Sheila

"Teh! Kaloka ka 3 hours? Ano nag movie marathon sila teh at ganun kahaba na wala si Ian!."-Ashner

"Pinatawag sa office si Ian? Bakit daw?."

"Ewan! Malay ba namin eh hindi na nga pumasok ng klase diba? Ito rin eh haha sige na mauna na kami ahh tatapusin pa namin yung research!." ani Ashner bago sila lumabas ng campus habang ako ay muling pumasok para magtungo sa office

"Excuse me? Goodafternoon Dean Ramirez! Nasaan po si Ian?." sambit ko ng makarating at makapasok ako sa office

"Kanina pa kaming tapos mag-usap baka umuwi na!."

"Sige po salamat!." sambit ko at umalis narin ako

Nasaan yun? Ahh baka naman nasa work na niya." sambit ko kaya naman agad akong lumabas ng campus, sumakay ako ng taxi para magpahatid sa Athena's Restobar

Pagkarating na pagkarating ko ng resto agad akong pumasok at pumunta ako sa office ni Ate Gwynneth

"Bry?? How are you?." ani Ate nang makapasok ako sa office niya at sinalubong naman niya ako

"I'm here to see my boyfriend, so nandito ba siya?."

"Oo kararating niya lang actually saktong pagpasok mo ibinigay niya sa akin yung report na ginawa niya kaya nandun siya sa office niya sa 3rd floor!."

"Anong kararating lang? Absent siya sa tatlong subject kanina? But anyways sige salamat pupuntahan ko lang siya!."

"Wait Bry!." sambit niya sa akin nang buksan ko ang pinto para lumabas kaya lang ay tinawag niya ko kaya naman napahinto ako sa paglabas

"What?."

"My offer? I want to help you para manlang makabawi ako sa naggawa ko sa kuya mo!."

"Sige salamat!." sambit ko at umalis na ako sa office para magtungo sa office ni Ian

"Excuse me Ms.? Nasaan po ang office ni Ian?" tanong ko sa babae na mukha namang dito nagtatrabaho

"Ahh si Sir. Ian po, sige po dito po muna kayo! Sasabihin ko lang po sa kanya na may bisita siya! Sino po ba sila para masabi ko?."

"Pasabi ako yung boyfriend niya! Salamat." sambit ko

"Sige po!."

After a minute lumabas nadin ang babae na pinag-tanungan ko kanina

"Pasok na daw po kayo!." kaya naman agad akong pumasok sa office niya

Infairness maganda at malawak pala ang office niya, agad ko namang pinagmasdan si Ian na busy sa work niya na halos di niya alam na pumasok na ako

Love, The Way You Are: A Rainbow's Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon