Chapter 20: A Life With You

14 3 0
                                    

Nathan's Point of View

Kinabukasan.....

"Papa? Pwede po ba akong sa dorm na ulit magstay, gusto ko po kasing parating nakikita si Bryan pero pupunta naman po ako dito every weekends!." sambit ko nang madatnan ko si Papa sa sala habang nanonood

"Ganun ba anak? Sige ikaw ang bahala basta tiyakin mong ligtas ka! Maiba ako kamusta kana nga pala?."

"Okay na naman po ako Pa' wala naman po akong nararamdamang kakaiba."

"Mabuti naman kung ganun, basta sa oras na makaramdam ka ng hindi maganda sabihin mo lang sa akin!."

"Haha okay po Pa' nakakatuwa naman tanggap mo na ako bilang anak mo!." sambit ko, lumapit naman sa akin si Papa at hinawakan niya ang dalawang pisnge ko

"Patawarin mo ako anak ah! Sa 19 years na hindi ko pinaramdam sayo ang pagmamahal ng isang ama, pasensya kana dahil sayo ko ibinuntong ang pagkamatay ng mama mo! Alam ko namang hindi mo kasalanan yun eh"

"Papa? Past is past at matagal ko na po kayo pinatawad at mahal na mahal ko po kayo! Kayo nalanstrongeri tita ang natitira kong pamilya!"

"I love you too anak!" sambit ni Papa at niyakap niya ako

"Haha sige na Pa' agang-aga andrama natin, punta po muna ako sa dorm baka nandun si Bryan."

"Teka anak? Kumain kana ba? May pagkain sa mesa kumain ka muna?."

"Ahh ito nga po oh Pa' nagdala na ako, sa dorm na po ako kakain! Sige po Pa' baka iniintay na ako ni Bry, at tsaka didiretso din po pala ako sa restovar ni Ate Athena!."

"Ahh anak? Ayun din pala gusto ko sabihin sayo, pwede bang magresign kana sa trabaho mo, may pera ka naman sa akin na hindi mo alam dahil matagal ko itinago sayo, ibinigay yun sayo ng iyong ina!."

"Ahh ganun po ba! Sa inyo na po iyon Pa' para may magastos kayo ni tita habang nasa Manila kayo!."

"Hindi anak para sayo talaga yun! At ayoko ng madagdagan pa trabaho mo, nag-aaral kana eh tapos naghahanap-buhay ka pa!."

"Pa' kaya ko naman po eh! At hindi naman po ganun kabigat ang trabaho ko, mabait naman po si Ate Athena!."

"Oo alam ko yan, kilala ko naman si Athena kaya lang baka mabigla ka, kagagaling mo lang sa comatose anak!."

"Pa' trust me! Kaya ko po ito at wala ng mangyayari sa akin! Kaya please! Pagbigyan mo na po ako Pa' para nadin naman po sa atin ito!." sambit ko at napahinga naman ng malalim si Papa

"Ay siya sige! Ikaw na naman ang bahala! Wag lang talagang may mangyaring masama sayo Nathan!."

"Opo Pa' promise! Sige po aalis na po ako bye pa!"

"Sige anak!" sambit ko at lumabas na ako ng bahay

After an hour nakararing nadin ako sa dorm, mabuti nalang at di gaanong matraffic ngayon..

"Nathan? Salamat naman sa Diyos at okay kana!" ani Mrs. Aida ng makasalubong ako sa lobby at agad niya akong niyakap

"I miss you po Mrs. Aida!."

Love, The Way You Are: A Rainbow's Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon