Chapter 41

380 16 4
                                    

Alyssa's POV

"Alyssa, kailangan mo ba talagang gawin yun?"

"Hindi ko ba pwedeng makasama ang mga anak ko Dennisse?"

"Pwede mo naman silang makasama ng hindi inilalayo sa ama nila di ba? Akala ko ba pangarap mo ang buong pamilya para sa mga anak mo Ly?"

"Eh paano ko mabibigay sa kanila ang buong pamilya kung ako mismo hindi buo?"

"Paano ka nga naman mabubuo kung ayaw mong pagbigyan yang puso mo? Alyssa, alam mo naman ang sagot dyan sa tanong mo eh."

"Hindi ko na kaya Den."

"Ano ba kasi ang hindi mo na kaya Ly?"

" hindi na nya ako mahal Den.."

"Paano mo nasabi yan?"

"Basta alam ko"

"Wow! Ano ka manghuhula? Kailan mo pa ipinagkatiwala ang buhay at pag-ibig mo sa hula ha Alyssa? Hindi na ikaw yan ha sinasabi ko sa iyo..."

"Den naman eh."

"Alyssa, hindi mo ba naisip...sa tuwing may problema kayo tinatakasan mo na lang ito? Hindi nyo hinaharap ang problema Ly, kasi tinatakasan nyo ang isa't isa."

"Kaibigan ba talaga kita Den, bakit parang sa kanya ka kumakampi ngayon?"

"Wala akong kinampihan sa inyo kahit noon pa man Alyssa alam mo yan. Palagi akong nasa gitna nyong dalawa pero this time i am sorry Ly pero si Kiefer ang kakampihan ko. Wala kang karapatang ilayo sa kanya ang mga anak nyo."

"Dennisse naman.... hindi ka nakakatulong sa akin eh."

"Pwede ba Alyssa, ikaw ang hindi nag-iisip ng tama eh. May mga anak na kayo na dapat isa alang-alang. Hindi na lang ito tungkol sa kung ikaw ba o siya ang nasasaktan. Isipin mo naman ang mga anak mo Ly. Alam mo sa inyong dalawa ni Kiefer, siya ang totoong nagmamahal sa mga anak nyo....Pero sige, sabi mo nga karapatan mong makasama sila , totoo naman yun pero sila natanong mo ba sila kung okay lang talaga sila? Hindi malayong dumating ang araw na sarili mong mga anak kamuhian ka, kaya hwag mo akong sisisihin sa huli."

"Sige na susubukan kong pag-isipan ulit ang lahat."

"Tama. Pag-isipan mong mabuti habang nasa bakasyon kayo."

"Dennisse, walang bakasyon... hindi na nya ulit binanggit ang tungkol dun eh."

"Anong problema mo?! E di ikaw ang magyaya... don't tell me wala kang pera ha nakuuuuu, tatamaan ka na talaga sa akin Ly sinasabi ko sa iyo."

"Dennisse naman kasi eh..."

"Umayos ka Alyssa, napapagod na ako sa inyo"

😏🙄😥

----------------------------

3 weeks after ng pagtatalo namin ni Kiefer, hindi na kami masyadong nagpapansinan. Yes, 3 weeks na ako dito sa Pilipinas. Tama nga ang sabi ni Mama, hindi pumayag si Kiefer na kunin ko ang mga anak ko. Kaya napilitan akong idaan ito sa korte. Kaya ang 1 week lang dapat na bakasyon ko ay inabot na ng 3 linggo, at mas magtatagal pa dahil sa naging desisyon ng korte.

Nagulat ang lahat sa ginawa ko. Lalo na ang mga bata.

At simula noon hindi na kami nagkakausap ng maayos ni Kiefer. Hindi na rin nya binanggit pa ang tungkol sa bakasyon. Napansin na din yun ng mga bata. Inaasahan nila ang bakasyong iyon. Pero dahil na rin siguro sa mga nangyari, hindi na nila kinulit pa si Kiefer ng tungkol doon.

Mula noon ang mga anak ko hindi na rin kasing saya tulad ng dati. Palagi na silang tahimik. Lalo na nung lumabas na ang desisyon ng korte. At yun ang hindi ko maalis sa isipan ko. Yun ang lalong nagpapagulo sa akin ngayon.

"Not the Least but Last"Where stories live. Discover now