It's been 3 months since my stay here and so far, the people here are nice kahit na nag doubt ako sa kanila. They showed my kindness and the feeling of being welcomed warmly.
3 months na rin kaming nagsheshare ni Lincoln ng kama and di ko alam ba't di ko pa nakikita yung pamilya niya. Kami lang dalawa sa bahay at kapitbahay lang din namin si Jasmine.
For the past 3 months, mas naging close ko si Jasmine at si Lincoln. Mababait sila, clearly at nagkakaintindihan kami ni Jasmine mostly sa mga bagay bagay. She's like a sister to me na nga eh. Gusto ko ding magtanong bakit di nila kasama yung pamilya nila but I think I'm beyond my limits if I'll ask pa personal questions.
Right now, Jasmine is in the house, Lincoln's house and we're planning to have a picnic. Today is Sunday at nakagawian na namin na tuwing Sunday ay magpipicnic kami under the huge oak tree. They have a name for that place here. Sabi ni Jasmine ay dé lawn daw ang tawag sa lugar na yun.
Alam ko na din ang mga lugar dito kaya okay lang kung umalis akong mag isa kung may gusto akong bilhin. Binilhan din ako ni Lincoln ng sarili kong bike dahil baka daw ay gusto kong pumasyal mag isa and such.
Kahit isang malaking question pa rin sa akin kung ba't ako napadpad dito, I guess it's also a disguise kasi for the past months, di ako kailanman naging malungkot. Yung lungkot na gaya ng dati na sobra sobra.
"Charlotte, pwedeng ikaw nalang magdala nito? Mauuna kasi ako sainyo ni Lincoln. Aayusin ko pa yung set up sa dé" suyo ni Jasmine while showing the basket with foods. Madami na din naman kasi siyang dadalhin eh. Palaging madami yung dinadalang pagkain every Sunday at puro healthy pa.
"Sure! Kaya mo pa bang mabitbit yan? Madami ka na kasing dala eh." Sabay hawak ko sa toast bread at nilagyan yun ng avocado sa ibabaw at sunny side up. Ito yung favourite kong breakfast ever since napadpad ako dito.
"You know me! 'f course!" natatawa niyang sambit. She went out of the house dala dala yung isang basket at may dala siyang black backpack. Pinagmasdan ko siyang magbike at umalis na. When I noticed na ako nalang isa sa bahay, binilisan kong kumain at inumin yung kape na hinanda ni Lincoln kanina bago siya umalis dahil may bibilhin lang daw siya.
Umakyat ako sa ikalawang palapag ng bahay at pumasok sa kwarto. Medyo di pa rin ako sanay na nagsheshare kami ng iisang room ni Lincoln at so far, wala naman siyang reklamo na malikot ako matulog.
Weird din na di siya naiilang sa akin. So weird talaga.
Kinuha ko yung biniling damit ni Lincoln para sakin. Isang simpleng puff sleeve dress na lampas tuhod lang yung pinili ko. I mean, mga ganto naman binili niya sa akin at pansin ko, ganoon din yung mga damit ni Jasmine.
Naligo ako at pagkatapos nag ayos ng kaunti matapos patuyuin ang buhok ko. Bumaba ako pagkatapos at naabutan ko si Lincoln na nag pupush up. Araw araw siyang nag gaganyan pero naiilang pa rin ako. Nakabalandra ba naman yung chiseled body sayo eh.
Hinayaan ko siyang gawin yung palagi niyang ginagawa which is ang mag exercise at dumiretso na ako sa kusina nila. Maganda yung kusina nila. May mga vintage paintings at off white naman yung kulay ng walls. Hinanda ko na yung mga dadalhin dahil maya maya ay aalis na ako. Tatanungin ko pa nga lang si Lincoln kung mauuna ba ako since sanay naman na akong magbike o kaya naman ay sabay na kami.