Chapter 5

11 2 0
                                    

Gaya ng request ni Jasmine, sinamahan ko siya. We stopped at Mrs. Lucy's shop first at bumili ng tsaa na gusto niyang bilhin. Habang nakikipag usap siya kay Mrs. Lucy, abala naman ako sa pagtingin tingin sa iba't ibang klase ng tsaa na tinda niya. Napansin kong may mga bulaklak sa isang pabilog na di kalakihang lamesa. Pumunta ako doon.


Isa is kong tiningnan ang mga ito at napansing naroon din ang paborito kong bulaklak. Tulips! At ang paborito kong kulay ng tulips ito. Kumuha ako ng isa at inamoy iyon. Ang bango talaga nito. Isa sa mga rason kung bakit paborito ko 'to eh. Nagpasya akong bumili ng sampung piraso at dinala iyon kay Mrs. Lucy. Nahiya pa ako dahil tapos na pala ang pag uusap nila ni Jasmine at mukhang ako nalang ang hinihintay.


Nang makita ni Jasmine ang hawak ko ay napangiti siya. Lumapit siya sa akin.


"Hmm, let me guess. It's your favourite flower?" tanong niya habang inaamoy ang bulaklak. Tumango ako habang nakangiti as my answer. Tinawag niya si Mrs. Lucy at siya na mismo ang nagsabi na bibilhin ko iyon.


Masaya kaming lumabas sa tindahan ni Mrs. Lucy. Paglabas namin, pinagmasdan ko muna ang kabuoan ng store ni Mrs. Lucy at doon ko lang napagtanto na sobrang ganda nito sa labas lalong lalo na sa loob. Hindi siya mukhang tindahan ng tsaa at mga bulaklak lang. Well, halos lahat naman ng tindahan dito ganoon eh. Ang gaganda lahat na wala kang ibang masabi kundi puro magagandang salita lang.


Matapos naming bumili ng tsaa, gaya ng sabi ni Jasmine sa akin kahapon, we went to a cute boutique. Sa labas pa lang, pastel na ang colours ng design ng boutique, lalo na nang pumasok kami. Sa lahat ng stores dito sa bayan na ito, ito lang ang masasabi kong may bahid ng moderno. From its colours which are rose gold and white, to its huge wall mirror. Pati mga wall curtains, modern din. May isang flower vase pa na wala namang bulaklak pero maganda pa din tignan dahil kulay rose gold din ito.


Bago nagsimulang pumili si Jasmine ng mga damit ay kinausap niya muna ang may ari ng store. Nang matapos siyang makipag usap, siguro nakipagbatian muna, isa isa niyang sinukat ang mga nagustuhang damit. Umupo lang ako sa couch nila. Nang mapansin ako ng may ari ay naglakad ito palapit sa akin.


She looks young. Hula ko ay around 25-27 ang edad nito. She's fair skin ngunit kung pagkukumparahin ang complexion ko sa kanya, mas maputi ako tingnan lalo na at mamula mula ang pisngi ko, with or without make up. Her hair is a bit curly and her eyes' colour is gray. She's tall and also her moves are very posh.


She smiled at me, probably realizing that I'm examining her. She sat next to me and started talking.


"Your face is new" she said. Naoffend ako sa sinabi niya. Anong bago yung mukha ko? Ganito na talaga ako kaganda since pinanganak ako! Siguro napansin niyang naoffend ako sa sinabi niya, she laughed a bit and talked.


"I mean, you look new here. I have never seen you before. Taga saan ka?" she asked me while smiling.


"Uh- I am from Taguig?" I answered her question but I am not sure about my answer. What is wrong with me? Bakit parang di ko maalala kung saan talaga ako nakatira?


"You're not sure, huh? I am Marithé." Pagpapakilala niya. Hindi siya naglahad ng kamay niya, just plainly introducing herself.

Selcouth TownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon