I didn't know what to say after what Lincoln said. Gusto niya ako? Since when? After that, we went home silently, maski pagtulog namin, awkward na. Unlike before na kapag natutulog kami, parang wala lang. Ngayon, nakakailang na. Pareho kaming nagtitikhiman na parang mga tanga.
Di ako masyadong nakatulog ng maayos. Kailangan niya pa akong timplahan ng tsaa para lang makatulog ako. Yes, I requested him to do that. Para makapag isip ako ng maayos.
I feel like tanghali na ako gumising dahil maingay ingay na sa labas ng bahay when I woke up. After kong kumain, nagpasya akong maglinis sa loob ng bahay ni Lincoln. Malinis naman na iyon but gusto ko lang na may magawa ako ngayong araw. Sinimulan ko sa bookshelf niya. Tinanggal ko ang mga libro at inilagay yun sa center table. Kinuha ko yung dust brush at nagsimula na. Nang matapos ako sa bookshelf ay pinalitan ko naman ang mga kurtina sa sala at habang ginagawa ko yun, biglang dumating si Lincoln. Nakatingin siya sa akin na para bang kanina niya pa yun ginagawa.
Tumikhim ako at nagpatuloy sa ginagawa ko. Di ko na talaga alam paano umasta ng walang halong awkwardness sa aming dalawa. Nagulat nalang ako na kinarga niya ako pababa sa hagdanang ginamit ko upang maabot at matanggal ko yung kurtina. Napatili ako sa ginawa niya at tumawa naman siya. Bwisit! Baliw talaga ito eh kaurat!
"Let me help you with that" nakangiti niyang usal. I just smirked and rolled my eyes.
"No thanks. I can do it." I declined his offer to help. Kahit na patapos naman na ako sa ginagawa ko, tinulungan niya pa rin ako sa ginagawa ko. Hinayaan ko nalang siya sa gusto niya.
Nang matapos kami, nagluto siya para sa hapunan namin. Yep, di namin namalayan na madilim na pala at gabi na. Hinanda ko na yung vintage na mga dinnerware nila. Vintage na plato, gold spoon and fork. Basta vintage but still elegant. Nilagay niya sa lamesa yung ulam na niluto niya. Sunday roast yun at sobrang bango. Bigla akong tinamaan ng gutom nung malanghap ko yung sobrang bangong luto niya. I heard him chuckled.
"Let's eat" sabi niya at umupo na sa upuan niya. Kumuha muna siya ng kanin at nilagay iyon sa plato ko at nilagyan niya din ako ng ulam. Palagi niya itong ginagawa. Inuuna niya muna ako kasya sarili niya.
Balak kong di magsalita kahit sobrang awkward kaso I don't think ganoon din siya. He started asking me questions and para di halata na medyo naiilang ako, sumasagot ako at tumatawa ng pahapyaw pag nagjojoke siya. Okay naman sana kaso he started talking about what happened...
"Uh, about the kiss. I feel guilty that I did that without considering your feelings" sabi niya sa malumanay na boses. His eyes looked gentle and reassuring and sorry. Naguilty din ako because of how I acted after that. I smiled at him.
"It's okay. I mean, it's not. I mean, argh!" I frustratedly said. Natawa siya sa reaction ko, di ko man gets ay natawa nalang din ako. Parang nawala bigla yung barrier na naform after what happened. It's like we're back to being us again.
Pagkatapos naming kumain, nagligpit ako at hinugasan ang aming pinagkainan. I am craving for something. My favourite. Brownies! That afternoon, I baked brownies with Lincoln, asked him random questions and random ko ding naisip na di lang siya gwapo but also cute. He likes wrinkling his nose and tries to suppress a smile whenever I told him he's gwapo.