Michael POV
"Beep! Beep!" alingawngaw ng mga sasakyang nagkumpulan na naman sa EDSA hay nako ganito na yata talaga parati ang kwento ng bawat kabanata ng mga taong mapapadpad sa daang ito. Sa inaraw-araw ba namang ginawa ng diyos na trapik doon trapik dito hay kailan kaya uunlad ang bansang ito.
Ako si Vince Michael Tadeo isang 3rd year college student sa kursong BS in Political Science pangarap ko kas na maging isang abogado dahil gusto ko balang araw na makatulong sa bayan sa paraang tama at makatarungan.Gusto kong patunayan sa lahat na hindi lahat ng mga taong tumutulong sa kapwa at sa bayan ay dahil sa gusto lamang nilang mamulitika kundi dahil sa mayroon silang mabuti at malinis na kalooban.At panghuli dahil sa naniniwala ako na lahat tayo ay pantay-pantay sa mata ng batas.
Bata pa lamang ako mahilig na akong sumali sa mga social activities at organization marahil isa din ito sa mga nagmulat sa akin na pagtibayin ang pangarap kong ito. kaya naman gusto ko ng makatapos kaagad ng pag-aaral para matupad ang mga pangarap ko at syempre para masuklian ang lahat ng paghihirap at sakripisyo sa akin ng aking mama.
"O! yung mga bababa dito sa 7 eleven nandito na tayo!" napatingin bigla ako sa manong driver nandito na pala ako sa bababaan ko di ko namalayan HAHA "Manong saglit lang po bababa po ako" sagot ko pabalik sa manong driver.Pagkababa ko sa 7 eleven ay naglakad na ako papasok sa kanto kung saan matatapuan ang aming bahay simple lang buhay namin di kami mayaman pero di din naman mahirap middle class lang kung baga, Sa isang Call Center nagtatrabaho ang mama ko at tuwing gabi ang shift niya sobrang sipag niya halos ibuhos niya ang lahat ng sarili niyang lakas para lang mabigay ang lahat ng mga pangangailangan ko sa buhay. Siya lang kasi mag-isa ang nagpalaki sakin simula kasi noong nasa sinapupunan pa lang ako ni mama iniwan na ako ng papa ko pero ayus lang yun kasi para sa akin sapat na si mama.Sapat ng kaming dalawa lang sa aming pamilya.
"Nak! andyan ka na pala, nakaluto na ako ng dinner mo painitin mo na lang ako mamaya para masarap ulit" sabi ni mama pagkapasok na pagkapasok ko kaagad sa pintuan ng aming bahay diba sabi ko sa inyo kahit si mama lang sapat na para matawag na pamilya ang bahay namin "kahit naman di painitin ma masarap pa din yan kayo po nagluto eh"
"Nambola pa nga ang anak kong ito, kamusta ang school mo anak kaya mo pa ba?"
"okay lang ma ganon pa din kakayanin para sa mga pangarap natin" Isa din kasi sa mga naging inspirayon ko para kumuha ng political science ay si mama kasi gusto ko balang araw pag naging abogado ako mabigyan ko din ng katarungan ang lahat ng mga ina at anak na inabandona ng kanilang ama kasi kahit na sabihin ko na okay lang kahit na iniwan kami ng aking ama ay kailangan pa din naming makamit ang hustisya sa kawalan niya ng responsibilidad saming pamilya niya.
"Mabuti kung ganon anak...O sige aalis na ako baka ma-late pa ako sa trabaho ko"
"sige ma ingat po kayo. I love you po!"
"I love You din anak!"
Ranzen POV ( Mother of Michael)
"O magpalit ka na Ranzen ng magnda mong damit madaming nakalinyang customer para sayo ngayong gabi kaya galingan mo ha?" bungad sa akin ng aking amo at wala akong nagawa kung hindi ang tumango. Matapos kong magpalit bago pumasok sa isang silid inisip ko muna na para to sa amin ng aking anak.Na ang lahat ng ito ay para mabigyan siya ng maayos na buhay ng walang kagipitan at labis na pangangailangan.At hanggang sa tuluyan ko ng pinihit ang door knob ng pintuan at sinumulan ang trabahong di ko alam kung hanggang kailan matatapos.
BINABASA MO ANG
The Legacy
Non-FictionAno ang gagawin mo kung makaharap mo ang sakit na mula sa kahapon? Iyan ang sabay-sabay nating subaybayan sa "The Legacy" isang non-fiction short story mula kay: iyong_MANunulat_18