Michael POV
Ang lakas ng kabog ng dibdib ko sa bawat hakbang na ginagawa ko para sundan si Mama papunta sa kanyang trabaho dahil ang daan na tinatahak naming dalawa ay papunta sa lugar na di ko lubos maisip hanggang sa mapadpad ako sa 'Fortunes Bar' mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko parang hindi ko na kaya pang tumuloy pero nandtito na ako at kailangan kong malaman ang buong katotohanan, Kaya naman ay nagdesisyon na akong pumasok sa bar, habang naglalakad ako papasok unti-unting nabubuo ulit sa isip ko ang mga imahe ng gabing iyon ang paghaplos niya sa aking katawan at ang muntikan ko ng pag-angkin sa kanya nangingilid na ang aking mga luha dahil sa labis na sakit at pagkalito kong nararamdaman.Sana hindi totoo ang lahat ng iniisip ko.Sana hindi totoo ang lahat ng ito.
Ranzen POV
"O Ranzen nadiyan ka na pala O siya magpalit ka na agad at meron ka ng buena mano, Nako ikaw talaga ang magpapayaman sa bar na ito hahaha" impit na ngiti lang ang sinukli ko sa manager namin dito sa bar at napagdesisyunan ng magpalit ng damit na pangtrabaho ko dito dahil sabi nga ni manager kanina may nakakuha na kaagad sa akin.Matapos kong magpalit ng damit at mag-ayos ay dumiretsyo na ako sa kwarto ng lalaking nakakuha sa akin ngayong gabi ngunit pagbukas ko ng pintuan...
Michael POV
Bumukas ang pintuan ng kwarto kong tinutuluyan ngayon at iniluwa nito ang babaeng maikli ang suot na halos kita na ang buong kaluluwa sa sobrang nipis at iksi maging ang mukha nito ay punong-puno ng kolorete na di ko lubos maisip sa buong buhay ko na siya pa ang makikita ko sa ganitong ayos kitang kita ko din sa kanya ang labis na pagkabigla pero wala itong katumbas sa nararamdaman ko ngayon.
"Anak? Bakit ka nandito anong ginagawa mo dito?"
"Hindi ba dapat ako ang nagtatanong niyan sayo ma bakit ka nandito diba sabi mo call center ka pero ano iba pala ang kinakausap mo gabi-gabi iba-ibang lalaki! So ikaw din yung babae kagabi na muntik ko ng maangkin?! Nakakadiri ka!"matapos kong masabi ang lahat ng ito ay isang sampal mula kay mama ang aking natanggap"Anak sorry... Pero pwede ba magpaliwanag muna ako sayo anak please?"
"Hindi na kailangan dahil mula ngayon mag-isa na lang ako, Dahil wala akong inang bayaran" At dali dali ko ng nilisan ang lugar na yun dahil hindi ko na kaya pang makita at maalala ang lahat ng nangyari sa akin kahapon maging ang mga nalaman ko ngayon na ang babaeng natikman ng kaibigan ko at ng kung sino-sinong mga lalaki gabi-gabi at kamuntik-muntikan ko na ding maangkin ay ang aking ina. Ang babaeng di ko labis na maisip na gagawa ng bagay na iyun dahil buong buhay ko lubos ko siyang hinangaan dahil sa katatagan at katapangan niya para mabuhay kaming dalawa pero lahat ng yun napawi dahil sa aking mga nalaman puno na ng sakit at galit ang nararamdaman ko sa tuwing naaalala ko siya.Ma bakit? Bakit mo piniling maging ganong klaseng babae? Talaga bang wala ng magandang mangyayari sa buhay ko sadya bang patapon na lang ako kaya palagi na lang akong mag-isa.
BINABASA MO ANG
The Legacy
Non-FictionAno ang gagawin mo kung makaharap mo ang sakit na mula sa kahapon? Iyan ang sabay-sabay nating subaybayan sa "The Legacy" isang non-fiction short story mula kay: iyong_MANunulat_18