Ranzen POV
"Mama..." nang marinig ko ang mga katagang ito mula sa aking anak ay tila nanigas ang katawan ko sa sobrang gulat, Mali ito kaya naman sa abot pa ng aking makakaya ay mabilis ako na umalis sa lugar na iyon habang umiiyak mas binilisan ko ang pagtakbo at nagtago sa isa sa mga dressing room ng bar dahil natatakot ako na baka makita ako ng anak ko hindi pa ako handa na ipakita sa kanya kung anong klase ng trabaho ang meron ako. Natatakot ako na baka kamuhian niya din ako. Hindi ko kaya yun. Sorry anak sorry sana mapatawad mo ako
Michael POV
"Mga dre ano nakita niyo ba?"kanina pa kami paikot-ikot dito sa buong bar pero hindi pa din namin makita yung babae. "Hindi dre, Wala din dun sa labas ng bar pati sa parking lot ano bang meron sa babae na yun at gustong gusto mong mahanap?"
"Dahil gusto kong malaman kung totoo ba ang nakita ko" Sa ngayon yan lang muna ang kaya kong sabihin sa kanila dahil hindi ko kayang sabihin na baka ang Mama ko ang babae na yun lalo pa at hindi ko din alam kung ano ang magiging reaksyon ko dito.
"Ha ano ba yang pinagsasabi mo? Mabuti pa umuwi na muna tayo baka kasi dala lang yan ng nainom mong alak okay" Minabuti na naming umuwing tatlo pero hindi pa din ako titigil hanggat hindi ko nakikita ang babae na yun.Hahanapin ko siya at aalamin ko ang buong katotohanan.
Kinabukasan hindi pa din ako natahimik sa lahat ng mga nangyari kagabi hindi ko din naman pwedeng tanungin ng diretsyo si Mama dahil hindi din naman ako sigurado sa lahat ng iyon.At ayokong isipin niya na wala akong tiwala sa kanya.Kaya naman nilibang ko na lang ang sarili ko sa mga gawain bahay tutal sabado naman. "Anak pakikuha naman ng bag ko".
"Sige po Ma" kinuha ko ang bag ni Mama sa may table pero may napansin akong isang mallit na card na nakasipit sa bag parang calling card ata to eh ilalagay ko sana ito ng maayos para di mawala baka kasi kailangan pa ito ni Mama ng mapansin ko ang nakalagay sa calling card 'Fortunes Bar'. Ang bar kung saan kami nagpunta ng mga kaibigan ko kagabi kaya awtomatikong bumalik lahat ng mga ala-ala ko kahapon tungkol sa babae na kamukha ni Mama. "Anak?"nabalik ako sa reyalidad ng tawagin ulit ako ni Mama "Opo ma nariyan na po".
Hanggang ngayong hapon hindi pa din matahimik ang aking isipan sa lahat ng mga nangyari sa bar at sa caliing card na nakita ko sa bag. Gusto kong malaman ang buong katotohanan Kaya naman napagdesisyunan ko na susundan ko si Mama sa kanyang trabaho mamaya aalamin ko ang totoo at sana lang mali ang lahat ng mga nakita at hinala ko.
"Fortunes Bar"
BINABASA MO ANG
The Legacy
Non-FictionAno ang gagawin mo kung makaharap mo ang sakit na mula sa kahapon? Iyan ang sabay-sabay nating subaybayan sa "The Legacy" isang non-fiction short story mula kay: iyong_MANunulat_18