Ranzen POV
Ilang araw ng hindi umuuwi si Michael sa aming bahay at di ko na alam pa ang gagawin ko kaya naman ay nagpasya na akong puntahan at kausapin ang kanyang mga kaibigan dahil baka alam nila kung saan na naroroon at kamusta na ang aking anak.
"Iho ikaw ba si Sheen?"
"Ahh yes po tita, sino po sila?"
"Ako nga pala si Ranzen, nanay ni Michael. Alam ba ninyo kung nasaan siya? Matagal na kasi mula nung hindi siya umuwi sa bahay sapul nong.....nag-aalala na ako sa kanya"
"kayo po pala ang nanay ng kaibigan namin, pero tita hindi na din po namin alam kung nasaan siya eh, masama din po kasi ang loob niya sa amin ni Jared"
At biglang lumingon sa harap ko ang isa pa niyang kasama, Nabigla ang buo kong sistema ng aking mamukaan ang binatang nasa aking harapan. Isa siya sa mga naging customer ko sa bar na aking pinagtatrabahuhan.
"Te-teka i-ikaw?"
"Tita sorry po, hindi ko po alam na kayo po pala ang nanay ng kaibigan namin. Sorry po talaga"
Hindi ako makagalaw at labis akong nahihiya sa aking sarili. Di ko lubusang maisip na isa pa talaga sa mga kaibigan ng anak ko ang makakaisa sa akin. Pero gayon pa man natapos na ang lahat at alam kong wala siyang kasalanan, ang tanging magagawa ko na lang ay itama ang lahat ng aking mga pagkakamali.
"Ayus lang iyon iho, pasensya ka na din ha. Pwede bang kalimutan na lang natin ang lahat?"
"Opo, Salamat po Tita"
"Nasaan na kaya si Michael?"
"Hanapin po kaya natin sa ibat ibang bar yun, tutal dun naman po nagbubuhos ng lahat ng sama ng loob ang mga tao di po ba?"
Nagdesisyon kami na hanapin sa ibat ibang mga bar ang anak ko dahil posibleng tama ang spekulasyon ni Jared na baka nandoon nga si Michael.Inabot kami ng buong araw sa paglilibot sa kung saan-saan ngunit hindi namin siya nakita. Michael nasaan ka na ba?
Michael POV
"M-michael! malapit na ako...Ahhhhh!"
"Get lost" bored na sabi ko sa babaeng kakatapos ko lang tirahin.
"A-ano?"
"di ka ba marunong umintindi ng ingles o gusto mo tagalugin ko pa? Ang sabi ko umalis ka na diba?"
"Pero Michael...b-bakit?"
"Nalabas mo na ang libog mo diba? Yun lang naman ang gusto niyong mga babae diba? Ang matira ng kung sino-sinong lalaki?"parang si mama. Naikuyom ko bigla ang aking kamao ng maalala ko ang lahat ng mga masasamang nangyari sa akin noong mga nakaraang araw dahil sa aking ina na di ko alam kung paano ko siya patatawarin at buburahin sa aking isipan. Marahil ito na nga talaga ang direksyon ng aming mga buhay ang masira ng tuluyan, Wala na nga atang magbabago pa sa legacy naming ito.
BINABASA MO ANG
The Legacy
No FicciónAno ang gagawin mo kung makaharap mo ang sakit na mula sa kahapon? Iyan ang sabay-sabay nating subaybayan sa "The Legacy" isang non-fiction short story mula kay: iyong_MANunulat_18